" In my office now, Cass." Mariing sabi ni Lolo saakin kaya nangangatog ang tuhod kong sumunod sakanya. Dahil alam ko sa sarili kong may malaking kasalanan ako at hindi ako makakatakas sa parusa ko ngayon.
Nakaupo na siya sa silya nya habang ako nakatayo at nakayuko lang dahil nagui- guilty ako sa nagawa ko pero hindi ko naman kasalanan iyon at bagay iyon sakanya.
"Why did you do it Carson? " Tanong nya saakin.
"She made me do it, Lo." I answered.
"What? Anong kahibangan na naman ito Carson!" Sigaw nya naka napatalon ako sa gulat at napahawak ng bahagya sa aking dibdib.
"Lo, kalma puso mo." Biro ko.
"Hindi ako nakikipagbiroan sayong bata ka, explain now." Suway nya sakin.
"Eh, Lo inagaw nya ang crush ko at sinabihan pa akong pangit. " Inis kong paliwanag sakanya kaya napaawang ang labi nya at sigurado ako na ang iniisip na naman nya ay napakawalang kwentang dahilan iyon!
"Jusmiyo, Carson napakaliit na bagay lang iyan tapos yun ang ginawa mo sakanya?"
"Lo naman! Mabuti nga at yun lang ang ginawa ko sakanya." Nakanguso kong sambit.
"Mali pa rin iyon at hindi makatao." Pangangaral ni Lolo saakin.
"Okay then I will say sorry to her tomorrow." Sabi ko na, para matapos na ang usapang ito. Palabas na sana ako ng tawagin nya ako.
"Carson, balik ka dito umupo ka." Sabi nya, kaya napapikit ako ng mariin at tsaka wala sa sariling binagsak ang ang pang upo sa silya.
" As a punishment, you will be friend with her and no racing for a week." Laglag panga akong napatingin sakanya na tila hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
"Come again?" Kurap kurap kong tanong sakanya na para bang Mali ang nadinig ko. Pero iyon na yon.
"Sinabi ko na Cass. You may go." Taboy nya saakin, at tsaka pinagtuonan nyang pansin ang mga papel sa harap nya.
Pagkalabas ko ng office nya ay padyak padyak akong bumaba sa staircase ng mansyon na ito nakabusangot pa ako. Narinig ko namang nagtatawanan ang mga pinsan ko sa mukha ko. At ang pinakamalakas na tawa ay walang iba kundi si Amethyst!
"Shut up!" Sigaw ko sakanila, kaya tumahimik sila pero humahagikhik pa rin.
Pabagsak akong umupo sa pang isahang sofa at tiningala ang chandelier na naroon at pinagmasdam ang ganda nito. Kinalabit ako ni Sam kaya napatingin ako sakanya.
"Oh?" Tanong ko sakanya tsaka nya tinuro si Ame at Cat na ngisi ngisi sa harap ko.
"So ano ang parusa Cassy?" Tawa tawang tanong ni Ame saakin inirapan ko siya at hindi sinagot.
"I guess, it's a No Gadget 1 month." Hagikhik ni Cat.
"No! It's her curfew, maybe 6 PM?" Tawang tawa bangit ni Ame. Kaya hinagisan ko siya ng unan sa mukha at napa aray ito.
"It's No Shopping 2 weeks." Sambit ni Sam habang nagbabasa ng kanyan makapal na dictionary.
"It's no Racing and be friend with that nerd." Simangot kong sambit sakanila at inirapan ang tatlo.
"Ohh, what a punishment Cass napapala ng mga warfreak." Asar ni Ame saakin. Sa aming apat siya ang pinaka walang kwentang mang asar.
" I'm not doing it Ame." Simpleng sabi ko sakanya, kaya nanlaki ang mga mata nila.
"He will be mad, Cass." Seryosong sambit ni Cat pero parang wala lang saakin iyon at hindi pinansin.
" I agree, you know Lolo Cass just do what he says." Isinirado na ni Samantha ang kanyang libro at tiningnan ako ng deretso.
"Yes, because you'll see the worst Cass if you don't." Dinugtungan ni Ame ang sinabi nila.
"Pag iisipan ko, hindi ko siya gustong maging kaibigan, isa siyang Low class bitch!" Sambit ko sakanila pero tiningnan lang nila ako kaya napatahimik nalang ako.
"Pero, malapit mo na siyang kalbuhin Cassy you should say sorry to her." Pinaalala na naman ni Samantha ang nagawa ko sa babaeng yon.
"I don't care." Mariin kong sambit sakanya pero tila wala siyang narinig at nagkibit balikat nalang.
Tumayo nalang ako sa inuupoan ko at nagmamadaling pumanhik sa ikalawang palapag para magkulong sa kwarto ko at dali dali kong kinuha ang laptop ko at nag log in sa Instagram ko at sinerch ang pangalan ng babaeng yon.
'Eternity Peterson'
Nakita ko agad ang profile nya at inistalk ko iyon pero ang recent post pa nya ay nung last year pa at ang jejemon nya! Imposibleng maging kaibigan ko itong jejemon na ito. Ni log out ko na ang IG acc ko at humiga sa kama ko at nakatulalang tiningala ang kisame hindi ko man lang namalayan na nakatulog na ako.
Nagising nalang ako ng tumunog yung alarm ko at ginawa ko na ang dapat kong gagawin dahil may klase pa ako bumaba na ako para maka pag breakfast, naabotan ko sina Cat sa dining na sumusubo at si Lolo na nagkakape napatingin ang lahat ng narinig nila ang takong ng sapatos ko.
"Good morning Cass, breakfast?" Alok ni Ame na ngising- ngisi, gaga talaga. Tinanguan ko lang siya umupo na aking silya.
"Good morning Lolo." I greeted him and he just nooded na hindi man lang ako tinignnan dahil busy sa dyaryong binabasa nya.
"So when will our parents will be back Lo? " Sam asked.
" Next week." Tipid na sagot ni Lolo kaya nakatinginan kaming apat.
"May problema po ba?" Tanong ko kase hindi ko na matiis.
"Pag uwi nyong apat deretso sa opisina ko may sasabihin ako." Serysong sambit nya kaya medyo kinabahan kami. Nag okay lang kami sakanya at tumayo na para magpahatid sa eskwelahan.
Nagbabangyan pa kaming tatlo nina Ame at Cat patungo SUV namin dahil inaasar namin si Cat na hindi na siya gusto nung grade 12 na crush nya at nireject lang siya neto pero parang wala siyang pakialam. Si Sam as usual tahimik.
Nasa daan palang kami kinunsente na namn ako ng tatlo na mag sorry sa Nerd na yon at makipagibigan sakanya pero tahimik lang ako na nag iisip kung kakaibigan ko ba talaga yun. Dahil jejemon siya! Pero mag so-sorry naman ako dahil yun ang pinangako ko sa Lolo ko at sa sarili ko, nagmamadaling bumaba silang Tatlo habang ako tamad na nag lalakad patungo sa building ko na ang layo layo gate ng skwelahan at ang init pa kaya umupo muna ako sa small park ng school para mag pahinga ng may narinig akong nag uuusap bahagya akong sumilip ron at nakita kong si Eternity pala iyon at isang Senior High Student? Pinagmasdan ko ito at di maipagkakailang gwapo ito.
Bagay na bagay sakanya ang kumbinasyon na black- blue na pants nya at nude color na pang itaas na suot nya at medyo hubog ang katawan nya, malalim ang abong mata nito at mahaba ang pilik-mata at tsaka matangos ang ilong nito. Medyo maputi na balat at kulay tsokolate ang straight na buhok nya. In short gwapo, pero mukha din siyang nerd dahil naka eye glasses din ito tulad ni Eternity.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at pinagkrus ko ang mga braso sa dibdib ko bago ako lumapit sakanila kaya napalingon sila saakin.
"Uhm, hii." Awkward kong bati sa sakinala at tiningala si Eternity na gulat na makita ako.
" I-i want to say sorry about yesterday I was just jealous." Pagpatuloy ko habang nakatingin sakanya kaya nag bago ang expression niya at naging malambot ito.
" Okay lang iyon, tsaka hindi ko naman sinabing pangit ka." Mahinhin nyang sabi saakin at ngumiti.
"Masakit pa ba Ang sabunot ko?" Maliit na boses kong tanong dahil Hindi ko alam na nakakahiya palang humingi ng tawad.
"No, hindi na atska ang ganda mo." Napa angat aki ng tingin sakanya ang ngumiti hindi ko napigilan ang sarili ko at napayakap ako sakanya.
"Salamat." Sensirong sabi ko sakanya tsaka kumalas.
