Chapter 9

2 0 0
                                    

*Drextler*

Langya naman tong mga taong to!

Barkada ko ba talaga yung mga yun? Andaming palusot bwiset.

Si Pres. Ayun di maipinta ang mukha dahil sa inis,

Si prince? TSS for sure chicks naman ang inatupag. Yung kalkyeng mendiola naman baka nasa music room, malamang nagpa-practice naman yun sa drums. Kanina ko pa din tinatawagan yung dalawa pero palaging ito ang sinasabi

"SORRY THE MONKEY YOU HAVE DIALED IS NOT AVAILABLE,
PLEASE TRY AGAIN LATER" OHH DIBA, astig? Wag ko na ngang pagtuonan ng pansin yung mga yun sayang lang yung ka-gwapohan ko. Maka-punta na nga lang sa tambayan.

Habang papunta ako sa tambayan bigla akong ginutom,

"Nakalimutan ko nga palang kumain ng tanghalian " kaya cafeteria nalang ang naging routa ko.

"Huh? Ba't parang may naaamoy akong cheesecakes? Katakam Namangan kumukulo na yung tiyan ko" mukhang sa Home Economics building bagsak ko nito. Ayos Bread &Pastry ngayon ('∀') dahan-dahan kong binuksa ang pintuan nito "ba't walang tao?" Pero di bale na makakain lang. Isa-isa kung binuksan ang ref pero wala, nahagilap ng Mata ko ang bagong lutong cheesecake ayos mukhang mainit-init pa. Wala pang icing sa itaas nito pero okay na mukhang ayos naman to, kumuha ako ng kunting icing sa kabilang side, ako mismo ang naglagay at nag-ayos nito. Hmmm nakakatakam na

"Whoo, ansarap naman ! *chum-chum-chum* siguro makakaubos ako ng isang dosena" naka-ubos ako ng tatlo kaya kinuha ko Naman ang natirang cheesecakes.

"Grabe parang sa isang sikat na pastry shop to galing, Once in a Lifetime langb ako makakatikim ng ganito kasarap at libre pa"

"Masarap ba?"

"Oo Hindi lang masarap sobrang sarap" *nam-nam-nam*

"Talaga?! Si-sigurado ka?"

"Oo naman Masarap na nakaka-busog na" te-teka ? Parang may nagsasalita.Napalingon ako sa harapan kung saan nang galing ang boses ng babae since naka-talikod ako at abala sa pagkain.

⊙0⊙ -ako

(*^▽^*) -siya

*choke-choke-choke*

"Teka! Ito tubig uminom ka muna" sabay bigay ng isang baso.

"Salamat ahh!" Ngiti lang iginanti nya sabay iwas tingin sa isa't isa.

Lumipas ang ilang minuto pero wala paring nagsalita sa aming dalawa.di kuna kaya to nakakapanis ng laway. Kaya ako na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Ahm, ikaw ba ang gumawa nito?" Parang di ko malunok nakaka-consensya naman

"Ha?ahh- Oo, ano- masarap ba?" Nahihiya pa nyang sabi. Babae nga naman.

"Oo masarap, sobra parang sa isang Pastry shop nga ehh,

Ahm- sensya na pala, kung di ko nakapag paalam gutom na kasi ako pero promise, peksman babawi ako sayo. " card kasi tong gamit ko, kunti lang yung cash.

"Walang problema yun noh, ang mahalaga nagustuhan mo yung gawa ko. Sa totoo lang unang gawa ko pa yan at diko inakala na may mag kakagusto nito"

"Nako salamat talaga ha?parang sanay na sanay ka na nang gumawa ehh. Ahmn okay lang ba na- humingi ako ng natitira pa? Balak ko sanang baunin pag-uwi sa bahay, kung okay lang" kakapalan ko na talaga to minsan na nga lang may libre aaywan mo pa?

Ngumiti siya sa akin "pero okay lang naman kung ayaw mo"

"Hindi. Hindi okay lang marami pa naman jang natira"

"Talaga?Salamat ah" Sabay kuha ko ng binigay niyang anim na cheesecakes na cupcake size, nakalagay pa sa lalagyan.

"Dika paba uuwi? Malapit nang mag 6" para naman sabay na kami kahit sa maliit na paraan lang makabawi ako sa kanya.

"Wag na, salamat nalang" sabi nya habang nililigpit ang mga cooking tools nya, gusto ko sanang tumulong pero nagmamadali kasi ako.

"Sure ka? Kung gayon mauna na ako Salamat ulit dito" malapit na ako sa pinto ng magsalita sya.

"Ahm Drext? Ano okay lang ba kung maging kaibigan kita?"

Habang nakayuko ng ulo. Akala siguro nya magagalit ako.

"Hmm mukha ka namang mabait kaya sige Magkaibigan na tayo" inilahad ko yung kamay ko na agad din naman. Nyang tinanggap. Makikita mo talagang masaya siya siguro wala sayang masyadong lalaking malapit na kaibigan .

"Sige Una na ako" nakalabas na ako ng HE room ng naisipan Kong bumalik ulit.

"Pwede bang- pwede bang turuan mo ako kung paano mag bake nito sa susunod, Zyrese?

--------

BITIN BA? HEHHE SORRY SA SUSUNOD ULIT,

ANYWAYS SINONG GUSTONG GUMAWA NG COVER NITO? PAG NAGANDAHAN AKO SYA ANG GAGAWIN KONG NEXT NEW CHARACTER NITO AT E DEDICATE KO SA KANYA ANG NEXT CHAPTER (^.^)
ANOTHER UD, THANKS SA NAGHINTAY AT NAGBASA.
PLEASE LEAVE A COMMENT AND PLEASE DO VOTE FOR THIS PARA NAMAN GANAHAN AKONG MAG UD. THANK YOU ULIT:)) Love lots from @ImMrsHoran1303 a.k.a Tisai ♥♥♥♥


It All Started In M.UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon