Chapter 6

6 0 0
                                    

Di ko alam kung bakit nandito pa rin ako kahit alam kong hindi dapat. Dapat ay umalis nalang ako kaagad para nakaiwas na ako sa ganitong sitwasyon. What the hell was I thinking? Akala ko ba tapos na ang lahat sa amin? I just can't understand why a little part of me still wants me to stay here and hang out with them. Basta ang alam ko lang, it feels good. It feels good being with the people who used to be part of your life. Every childhood memory of mine, they were there. So paano ko naman sila makakalimutan ng basta basta lang? Hindi ganoon kadali.

Magui was so talkative. Halos siya nalang yata ang nagsasalita the whole time. While Daniel and I just keep on listening and laughing about her stories. Minsan, tatango nalang kami para ihawatig na nakikinig kami sa kwento niya. Kinukwento niya mga nangyari sa kanya everytime she travels all around the globe. Medyo lakwatsera din si Magui katulad ko. Hindi mapirmi sa iisang lugar dahil pareho naming di mapigilan ang aming mga curiosity sa mundo.

"By the way, Ate Kath! I want you to design my gown on my 18th birthday please. I love all your designs! I have seen it on magazines. God! They're so amazing!" Sabi niya ng hangang hanga.

"Thanks. Sure, what kind of design would you like?" I smiled.

"Gusto ko ball gown na royal blue na flowy at lay back. I've seen the gown you've made for Janella Salvador and Liza Soberano on their debut. I was fantasizing about those!" She said excitedly.

"Oh yeah, I remember. Gusto mo yung ganung klase? Okay, I'll put that in mind. I will make a much gorgeous one." I said then genuinely smiled at her.

"OMG! Really?! Thank you! I love you so much!" Tili niya at yinakap ako.

I chuckled. Magui is such a sweet girl.

Daniel was just watching us having our moment. He has that meaningful smile on his face. Di ko nga lang alam kung ano ang ibig sabihin ng ngiti niyang iyan.

Sobrang nag-enjoy akong makipagkwentuhan kay Magui kung kaya't di ko na namalayan ang oras. Nang dinungaw ko ang wrist watch ko, napalaki ang mata ko ng malaman na halos dalawang oras na pala akong nandito sa table nila. I forgot about Julia!

Magpaalam na sana ako kela Magui para umalis nang mabigla ako sa kamay na biglang humatak sa aking braso.

"Let's go home." May diing sabi ng humatak sa akin.

"What? Dominic! What're you doing here?" Gulat kong tanong.

"I said, let's go home." Galit niyang saad. What's happening? Anong problema niya?

"Huh? How did you know I'm here?" Pinipilit kong kunin ang kamay ko dahil nasasaktan na ako sa sobrang higpit ng pagkahawak niya.

"It doesn't matter! Can you just obey what I just said?! Let's go!" Hinatak niya ako palayo.

Di pa kami nakakalabas ay naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa kabila kong braso dahilan upang mapahinto si Dominic sa paghihila sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Daniel na umiigting ang bagang.

"Leave her alone." Matigas niyang sabi.

Ngunit hindi ako binitawan ni Dominic, bagkus ay mas hinigpitan niya pa ang hawak niya sa akin.

"Di mo ba narinig ang sinabi ko? Leave her alone! Bitawan mo siya!" Sigaw niya.

"You don't have the right to meddle with our personal problems. This is my fiancé. Wag kang makikialam." Sagot ni Dominic.

"Fiancé mo lang siya. Di ibig sabihin 'nun, pag-aari mo na. In the first place, she's not yours anyway. Ninakaw mo lang." Kitang kita ko kung gaano kagalit si Daniel. Nag-aalab na ang mga mata niya. Alam kong malapit na siya maubusan ng pasensya. Anytime, parang gusto na niyang pumatay.

Another chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon