096

244 7 0
                                    

Astrid's Point of View


Maaga akong nagising katulad ng sabi ko, kahit na labag sa loob ko ang bumangon. Kahit gusto ko pang humiga at matulog buong araw hindi pwede kasi ang dami dami kong obligasyon na gagawin. Feeling ko nga sobrang tanda ko na kahit ang totoo 22 palang ako.


Ganito pala talaga pag naging mature at tumatanda ka na. Sabi nga nila " I knew I matured when I realized every situation doesn't need a reaction. Sometimes you just gotta leave people to do the lame shit they do." So yeah, yan yung palagi kong tinatandaan sa isip ko. Lalo na't marami pa ding nakakaalala sa mga ginawa ko noon. Kasalanan ko bang spoiled brat ako noon? Wala naman silang magagawa sa ugali ko kasi hindi naman nila hawak yung buong pagkatao ko. Wala silang pake sa ugali ko kasi sa umpisa palang wala din akong pake sa ugaling meron sila.


Naglakad ako papunta sa may balcony para makalanghap ng sariwang hangin. I used to live in condo rather than staying in our mansion. Dati kasi gusto ko na talagang maging matured para.. you know. I don't know why I really want to ge matured, siguro dahil nasanay ako sa pagiging spoiled at childish ko noon.


Tuwing naaalala ko yung mga pinanggagawa ko sa isang tao lalong lalo na kay Jace, gusto kong kutusan ng pagkalakas lakas ang sarili ko. Naiinis ako at nahihiya sa mismong sarili ko! Minsan nga pumapasok sa isip ko na ilibing ang sarili ko ng 7 foot na lupa. Nakakainis lalo na pag lutang ako kasi lahat ng mga pinangagawa ko noon ay naaalala ko. Lintek na yan!


Well, tapos na naman yun kaya dapat ng kalimutan. Except for him duh?


Nang makaramdam ako ng lamig ay kaagad na akong pumasok sa loob at dumiretso sa cr para maligo. Pagkatapos ay kaagad nagbihis ng komportableng isusuot. Hindi na ako ngayon maarte sa mga damit, well expect again for my iced coffee kung ano kasi yung nakasanayan kong inumin doon lang talaga ako.


Hindi na ako nagluto ng almusal at napagpasyahan nalang na bumili ng maiinit na kape. Mamaya na ang iced coffee kasi baka sumakit bigla yung tyan ko.


Pagkalabas ko ng pinto ay napatitig ako sa pinto na ngayon ay nasa harapan ko. Huminga ako ng malalim bago naglakad patungo sa elevator. Kaya ako tumira sa Xilley Condominium at kumuha talaga ng kwartong kaharap lang ng dating kwarto niya dahil nagbabasakali akong uuwi siya dun o di kaya'y bibisitahin man lang


I heard, wala pa daw bumibili sa kwarto na yun. And I find it weird. 


Nang makalabas ako ay kaagad akong nagtungo sa kotse ko para pumuntang Starbucks para bumili ng kape.


Nag-stay ako ng ilang minuto doon bago napagpasyahang magdrive na papunta sa airport. Medyo maaga pa naman at walang masyadong traffic kaya medyo swerte ako ngayon.


After how many hours sa wakas nakarating na ako. Alam kong medyo late ako ng 2 minutes pero hayaan niyo na, mamaya pa naman siguro magpapalabas ng mga pasahero yung eroplano.


Kaagad akong lumabas ng kotse wearing a black shade glasses so that no one will know me. Well, hindi naman ako artista but I don't want any attention. Maarte na kung maarte pero mas maarte ka. Charot.

Bet With A NerdWhere stories live. Discover now