I woke up with a smile in my lips, if it was a dream na sana totoo lahat. Sana di na ako magising. Suddenly, I received a message coming from an unknown number.
:"Good morning, kain ka na po ❤" at si Ace pala yung nagtext diko nasave number nya kagabi.
And doon ko narealize di pala panaginip lahat. Kinikilig ako totoo yon, at ito pala yung pakiramdam ng kinikilig. Ibang kilig kumpara sa dati. May mga nakakatext, nakakafling at nagiging crush ako, pero ibang level to. 😌
Ayy nako gising girl! Ilusyonada ka masyado, forever agad? Sabi ko sa sarili ko. Palagi ka naman ganyan , pinapaasa ka naman parati kasi isa kang huwarang asa. At iyon ang masakit na katotohanan na sumampal sa akin.
Ohh akala mo di ako magrereply? Syempre magrereply ako, marupok ako eh 😂
"Good morning din, salamat uli sa paghatid kagabi."
Sabi ko sa sarili ko, textmate lang naman. Hanggang doon lang. At diko na nga mapigilan na pumindot yung malalandi kong daliri.
"Kilos na at tanghali na, pupunta pa tayo sa school para bumoto" sambit ng ate ko na paborito ng lahat.
Oo paborito sya ng lahat. Pati ng magulang ko, sya palagi ang nakikita. Tatlo kaming magkakapatid at siya nga pala ang panganay si Weng. Ang pangalawa ay si Che, masayahin go with the flow lang, sa kanya ko naikukwento ang lahat, pero di ko alam bakit hindi ko maikwento ang tungkol kay Ace.
Kasi alam mo sa sarili mo na patitigilin ka nila, na sasabihing umiwas ka, at alam mo sa sarili mo na nafa-fall ka na sa lalaking isang araw mo palang nakilala.
Nagpunta na nga kami sa school para bumoto at nagderetso kami sa mall para magpalipas ng oras. Nag-aantay ako ng text nya, kaso ang tagal nya magreply. Siguro busy sya. Ganon talaga kapag hindi ikaw ang priority.
"Busy ka?" text ko sa kanya
"Oo ehh, tumakbo kasing konsehal yung tatay ko. Isa ako sa mga watcher." sagot naman niya
At that moment, nawala yung kaba sa dibdib ko, kasi ako eto si tanga, sinasabi sa sarili na wag ng umasa at may karelasyon na yung isa. Pero sabi ko, kaibigan lang naman.
Bumalik na ang aking ate sa Quezon Province at sa wakas nakabalik na rin ako sa aking kwarto at makakapahinga ng maayos at bukas may pasok na.
10pm na ng gabi at maya maya may tumatawag sa akin...
Shit, si Ace natawag. Bakit kaya? Di ako nakakasagot ng tawag ng gantong oras kasi maririnig nila nanay at tatay. Pagagalitan ako. Ano ba iyan, pero sige sasagutan ko na.
"Hmm hello?" bungad ko sa kanya"Hello, matutulog ka na ba?" ahhh oo sana kaso tumawag ka
"Ayy sorry, naudlot ko pa tulog mo" sabi nya
"Hindi naman, ok lang di pa naman ako inaantok ehh" sagot ko naman sa kanya
At nagtuloy tuloy na nga... nagkwentuhan kami nang nagkwentuhan hanggang sa nakilala ko sya ng lubusan. Kwento about sa family, friends and sa sarili syempre.
"Diba sabi mo ako yung pinakaunang lalaki na nakausap mo ng ganto? tanong nya sakin
"Oo, hay nako nakatalukbong ako ngayon ng kumot at unan. Para lang di nila marinig pagagalitan kasi ako" I answered.
Ganyan ako ka-eager na makausap ka sana naman maappreciate mo huehue
"Teka, 4am na pala diko namalayan may pasok na ako mamaya" sabi ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Your Demon Lover
RomanceA real life story of a bad bitch man (who calls himself son of demon) who use to beat up people, penniless and hopeless man turned into a decent man from the day he bumped into this smart and a role model girl. This story is based from my friend's e...