CHAPTER FIVE

186 28 30
                                    

Tahimik akong nakasunod kay Mr. Sam Joon patungong balcony.

Waah.. ang tangkad nga niya. Saka ang gwapo niya pa rin. Mas gwapo na siya kumpara nung isang buwan. Wew! Lumalande na naman ako. Pero loyal ang puso ko sa aking Jongin-hae.

Biglang siya huminto sa hagdanan at nilingon ako, "You can continue walking. He is waiting for you upstairs. Huwag sana siyang maging excited at makalimutan niya ang ipinunta niya rito."

"Ha?! P-Pero—"

"Don't worry Katherine. He won't harm you. He wanted to see you in person where no one can stop him from doing what he wants without pressures— in a good way okay? What I mean is, without cameras. You really are special to him. After seeing his expression when he talked to you over the phone last night. We can't stop laughing how he behaved and acted foolishly. I can't still believe that that kid really is inlo— oppps. Change that. He's excited actually. Beyond excited to be exact." yumuko siya kaya atubiling yumuko na rin ako at iniwan ako na nakatunganga rito sa tapat ng hagdanan.

"O-Omo.. Mr. Sam Joon, huwag mo kong iwan.." pero wala naman akong magawa dahil nahihiya akong magpasama. Baka isipin niya, inuutusan ko siya.

Buset-jutsu times three times three times three. Nakakaloka naman ata yung sinabi ni Mr. Sam Joon. Malapit na talaga akong mabaliw nito. Nahihiwagaan na rin ako sayo Mr. Jong ah. Sino ka ba kasi? Ewan. Basta... BAHALA KA NA SPONGEBOB!

Nanginginig ang mga binti na umakyat ako sa hagdanan.

I opened the door at may nakita akong lalaking nakatalikod mula sakin.

Nangunot ang noo ko sa lalaking to. Ang gara ng entrance, likod pa talaga ang ipinakita. Parang k-pop teaser lang na may comeback show. Ang astig ng "talikod" effect niya ah. Cool. And. Hot.

Modelo ba tong si Mr. Jong? Bakit parang nag-uumapaw sa karisma tong likod niya? Likod pa to ah.

Tiningnan ko ang paligid. Baka kasi may photoshoot rito. At bigla akong masali. Pero, wala namang mga tao rito bukod samin.

"M-Mr. Jong? Err.."

I can't explain why my heart starts to run fast. Gosh! I need to calm down. Atyang, calm down gull. Don't make any mistakes to disgrace yourself.

Hindi ko alam pero ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Para akong aatakihin sa puso nito. Yung totoo, puso ko ba tong nasa dibdib ko o kabayo? Ang bilis tumakbo eh. Parang sasali sa karera.

Hindi niya ako nilingon at hindi rin sinagot.

Great. Nice talking Atyang. Back to you, gull.

"M-Mr..?" lumapit ako sa kanya nang isang metro lang ang layo niya mula sakin. Shet! Kinakabahan na talaga ako.

Ngayon lang nag sink-in sa utak ko ang suot ko na mas lalong nagpa-ngunot ng noo ko. Bakit iba yung suot niya? Parang a-attend sa isang concert sa ayos ng suot niya sa nakikita ko likod pa lang niya. At saka siguradong signature EXO outfit tong suot niya. May mga EXO prints kasi. Baka EXO-L to? This is their Mama era outfit. Fanboying?

Te-teka blonde hair?

I don't want to assume but.. fudge! Why do I have the feeling that I know this man. Base from his posture, his charisma, his hair, his tall and lean body, and especially his outfit? Oh gosh! I think I'm going crazy. This is just my hallucination.

Nanginginig na yung tuhod ko sa kaba. Idagdag pa tong puso kong nanginginig na rin.

"Katherine..."

I almost jumped when he spoke. Tinitigan ko lalo ang likod niya.

Pamilyar siya sakin.

Ang boses na yan. Sino ka ba talaga Mr. Jong? A-Adik ka pa rin ba sa kanto? Fraud? Kasali sa sindikato? Saan ka sa tatlong yun? Bakit pamilyar ang boses mo sakin?

JUICECOLORED! totoo ba iteey?! (EXO-KAI) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon