CHAPTER TWO

259 29 39
                                    

Haay.. buti na lang at alas tres pa ng hapon. Wala na kaming pasok ni Amanda kaya diresto na kami sa pabilihan ng tickets. Actually bukas pa naman talaga ang opening for the tickets. Pero dun kami matutulog ni Amanda para mapasaamin ang SVIP.

Alam naman nina mama ang sitwasyon ko. Kahit na hindi nila gusto, papayag pa rin sila dahil ako yata ang unang prinsesa nila. Saka hindi sila makakatanggi sakin. Sinu-suportahan nga nila ako eh. Dahil hindi naman ako nagpapabaya sa pag-aaral ko.

Kaya ito kami ngayon, nakapila na. Kahit nga bukas pa yung opening may nauna pa rin samin. But thanks God kunti lang yung nakauna samin.

Pinagtinginan nga kami kanina nung pagdating namin. Haller, naka-uniform kaya kami.

"Alam ba ng parents mo na dito tayo magpapalipas ng gabi?" tanong ko kay Amanda habang nakasalampak sa sahig.

Wala na kaming paki-alam kahit madumihan ang uniform namin. May Ariel naman na 7.50 pesos na lang. Ariel happened to me. 'Coz it's just 7.50. Or pwede rin yung Breeze, na para siyang magician pero laging namamansahan— ay, anubayan! Baliw na talaga ako. Itigil mo yang kaadikan mo Atyang.

"Oo. Nasabihan ko na sila. Payag naman si papa. Pero si mama ayaw talaga. Pero dahil na rin sa pakiusap ko kay papa na payagan ako, wala nang magawa si mama."

Kita ko ang saya sa mukha ni Amanda. Kahit na magpuyat kami rito. Okay na okay lang sakin. Basta makita ko lang si Jongin-hae. Solve na mga paghihirap ko. At maso-solve lahat ng 'to next month.

"Kahit na next month pa ang concert nila rito, excited ako, Atyang. Sana lang mahila ko ang oras para maging bukas na ang concert nila. Pero para kay Tao maylabs ko, mag-iintay ako. Hihi."

Napabungisngis kami sa kilig.

Makikita na rin kita sa personal Jongin-hae ng buhay ko.

Lumingon samin yung nasa unahan namin. Ngumiti siya, kami rin.

"Hi, ako nga pala si Maria. Sino sa mga EXO members ang ultimate bias mo?" pakilala ko sa babaeng nasa unahan namin.

Mas lalo pa siyang ngumiti dahil sa tanong ko. "Si Chen. I'm Caroline. Nice to meet you. Kayo, baka karibal ko kayo kay Chen oppa sa inyo ha." biro niya samin.

Tumawa lang kami. "Naku hindi! Loyal ako kay Tao." Amanda.

"Ako naman, Si Kai lang ang gusto ko. Kay Kai lang ako. Kaya walang kang karibal samin."

Hindi samin kundi sa mama ko. Bias wrecker raw si Chen. Haha, lumalande si madir ehh.. Karibal mo ang mama ko Caroline. Medyo half-rival din naman tayo, second bias ko si Chen eh.

"Hayy.. thanks naman." tumawa siya. "Para tayong mga baliw nuh? Kahit na fan lang tayo, ini-own natin sila. Well, ganyan kasi tayong mga fans grabe ang pagka-possessive."

"Mas okey nga tayo eh kesa sa mga sasaengs na nakakasakit ng iba pang mga fans dahil sa selos. Haaay naku. Mas malala ang mga yun. Wala ng magawa sa buhay kundi ang mag-stalk 24/7 sa mga idol natin. Well, partly I understand them. Mahal natin ang bias natin. Kung ako siguro baka ganun rin ang gagawin ko. But still even EXO are known as worldwide trend idol, they still deserve their privacy. Haaay naku.. saka may sarili naman tayong buhay. Alam natin kung hanggang saan ang kaya natin."

"Tama ka dyan, Atyang. Naku, hindi ko na talaga mahintay ang isang buwan. Gusto ko ng makita ng personal si Tao."

Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan about sa EXO. Hanggang lumaki na yung grupo namin. Ang tatlo naging kinse na. Haha oo, kinse lang kaming lahat na andito. May karibal rin ako kay Kai at pabiruan pa kami ng 'akin lang siya'.

JUICECOLORED! totoo ba iteey?! (EXO-KAI) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon