CHAPTER TEN

232 24 16
                                    

Tanging si Amanda at ang pamilya ko lang ang nakaka-alam ng sekreto ko. Well, pati na rin ang ibang EXO members at si Sam Joon.

Na ako ang girlfriend ni Kim Jongin. Yehet.

WIIIIIIII~ I still can't believe that two years have passed and our relationship is getting stronger.

Pili lang ang nakaka-alam ng sekreto namin. Dahil sa image na kailangang pangalagaan ni Jongin-hae at dahil na rin sa desisyon kong ilihim ito kung maaari.

Salamat at dahil sa pagpupumilit at pagmamatigas ko na ilihim tong relasyon namin kaya umabot kami ng dalawang taon. Siya nga ang gustong i-publicize tong relationship namin para daw malaman ng lahat. Pero ayoko pa kasi, hindi pa ako ready sa exposure at sa mga cameras. Kapag nalaman ng buong mundo na ako ang girlfriend ni Jongin-hae for sure may mga sasaengs na ibu-bully ako ma-personal or networking man. Baka ipa-patay ako ng mga yun.

Minsan ito nga rin ang dahilan kaya kami nagkakatampuhan. Dahil nga, bakit ayaw ko raw ipangalandakan sa mundo na ako ang girlfriend niya.. keso nahihiya raw ba ako na siya ang boyfriend ko. Palagi ko kayang sinasabi na ako ang pinaka-proud na girlfriend dahil siya ang boyfriend ko. Pero dahil medyo makitid ang utak ng mahal ko, kaya nagkakatampuhan kami. Sino bang hindi magiging proud na EXO member ang naging boyfriend mo? Pinaka-hot na EXO member? Hindi pa masyadong maluwag ang turnilyo sa utak ko para ikahiya na mahal ko siya.

May isang pagkakataon nga rin na iniisipan ako ng masama ni Jongin-hae, na baka raw hindi ko na siya mahal at may iba na ako. Haha, mga iniisp ng lalaking yun.

Pero kahit na minsan ganun ang ugali niya.. mahal ko siya at walang magbabago run. For infinity and faithfully beyond.

Madalas lang kaming nagkikita ni Jongin-hae dahil busy siya masyado sa career niya at ako naman isang ganap na professional photographer.

Oh ha, ang layo ng kinuha ko sa kurso kong tourism nung college pa lang ako sa naging trabaho ko ngayon.

Siya ang pumupunta rito sa Pilipinas para makita ako. At salamat sa Diyos na kami pa rin hanggang ngayon. Kahit na may mga problema kaming pinagdaraanan kami pa rin. Kahit na may mga babaeng nali-link sa kanya naniniwala pa rin ako sa kanya. Na mahal niya ako. Pero minsan din hindi ko maiwasang mainggit at magselos pero pinababayaan ko na lang. Dahil kung hindi ko nararamdaman ang mga ganito, hindi ko mahal si Jongin-hae. Patunay lang ito kung gano ko siya kamahal.

Tuwing concert naman nila hindi ako pwedeng lumabas ng bansa dahil nag-iipon pa ako. Siya naman gusto sanang nandun ako sa lahat ng concert nila. At siya pa raw ang bahala sa expenses ko. Pero pina-intindi ko sa kanya na kahit na malayo kami, pagmamahalan pa rin namin ang magkokonekta samin. At kahit na wala ako sa mga concert nila, susuportahan ko siya sa kahit anumang paraan para ma-feel niya na palagi akong umaalalay sa kanya.

Nakilala ko na nga ang parents niya. Sila pa talaga ang pumunta samin dito sa Pinas. Nakakahiya nga eh. Pumunta sila nang nag-second anniversary kami.

Pinilit naming makapag-usap sa Skype para kahit papano makita pa rin namin ang isa't isa. Sa I.G nga niya nag se-sent ako ng messages. Mabuti na rin at may isang private account si Jongin-hae na kaming dalawa lang ang nakaka-alam.

At eto nga kami, mag-uusap na.

Well, he is more gorgeous than before. Lumaki na yung common Korean slim body niya ngayon, pero hindi yung tipong malaki na may mga sobrang muscle. Yung slim pa rin na may mga muscle para i-tone ang katawan niya. Did I ever forgot to say that of all the members he has the most sexiest body? With muscles in the right places. That's why he dared to wore top tanks. Well, bagay naman sa kanya eh.

Ang gwapo ng Jongin-hae ko!

"Beautiful as ever." he smiled.

"Jongin-hae." I kissed my laptop dahil yun ang nakagawian namin tuwing magcha-chat kami.

JUICECOLORED! totoo ba iteey?! (EXO-KAI) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon