Hae-won's POV
Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto.
Hindi ako makapaniwala sa nabasa namin. Anak ni Kim Seokjin ang Eomma ni Yeun Ji? Wah. Daebak.
Tumikhim si Jun Kyu.
"B-Baka nagkataon lang na magkapareho sila ng pangalan. 'Di ba Hae--"
"Anong taon napublish ang information na 'yan?" tanong ni Yeun Ji dahilan para hindi matuloy ni Jun Kyu ang sinasabi niya. Nagkatinginan kami ni Jun Kyu. Tinignan ko naman ang date of publication ng information.
"2039." sagot ko.
"Tignan mo kung nakalagay din ba kung sino ang asawa noong anak ni Kim Seokjin." Sabi ni Yeun Ji. Pinindot ko ang pangalan ni Kim Seo-Eun pero walang lumalabas na information. Napatingin kami ni Jun Kyu kay Yeun Ji at umiling. Napakunot ang noo niya.
"Tingin ko, hanggang doon lang ang information na nakalap ng media since matagal nang disbanded ang grupo." Sabi ni Jun Kyu.
May point si Jun Kyu.
"Oo nga. At isa pa, 2039 pa ang information na 'yan." Sabi ko. Napaisip ng malalim si Yeun Ji.
"Tignan na lang muna natin ang information ni Kim Taehyung." Sabi ni Jun Kyu. Pinindot ko naman ang kay Kim Taehyung.
Stage Name: V (뷔)
Birth Name: Kim Tae Hyung (김태형)
Birthday: December 30, 1995
Zodiac sign: Capricorn
Height: 178.8 cm (5'10.4″)
Weight: 63 kg (139 lbs)
Blood Type: AB
Wife: Lee Daerin (이대린)
Child: Kim Taeron (김태론)
Position: Lead Dancer, sub-vocalist, Visual of BTS formally known as Bangtan Sonyeondan (방탄소년단)Hindi ko maiproseso ang nabasa. Napatitig lang ako sa screen ng monitor. Nabalot kami ng katahimikan.
"Mukhang tama nga kayo." bulalas ni Yeun Ji habang nakatulalang nakatingin sa screen ng monitor.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ni Jun Kyu.
"Aalis tayo." Sabi ko. Agad silang napatingin sa akin na nanlalaki ang mata.
Tinignan ko din silang dalawa.
"Doon natin itutuloy ang research sa condo. Sa nangyari kanina, mukhang walang balak si Abeoji na tulungan tayo." Sabi ko.
"Sige." Sabi ni Yeun Ji at kinuha ang bag niya. Lumabas na kami ng kwarto. Pumunta muna sandali si Jun Kyu sa kwarto niya para kunin ang susi ng kotse niya. Pagkatapos niyang makuha ito, bumaba na kami. Dahan-dahan lang kaming naglalakad pababa at baka magising pa ang hindi dapat magising.
Pagdating namin sa garage, nagkatinginan kaming tatlo.
Bumuntong-hininga ako saka tumango sa kanila. Binuksan muna ni Jun Kyu ang gate, manually. Nang mabukas ito, pumwesto na kaming tatlo at nagsimulang itulak ang kotse palabas.
Nagtulak kami hanggang sa makalabas kami ng subdivision. Maingay kasi ang kotse ni Jun Kyu at kapag doon namin sa bahay pinaandar ito, malamang ay magigising silang lahat.
Buti na lang at tulog ang guard. Umalis na kami at pumunta sa condo.
Mabilis lang kaming nakarating sa condo kasi hindi na traffic at mabilis din ang pagpapatakbo ni Jun Kyu.
Pagdating namin sa loob ng condo, dumiretso agad kami sa studio. May mini studio ang condo namin. Ipina-customised ni Abeoji ito para magsilbi itong workplace namin.
"Anong unang gagawin natin?" tanong ni Jun Kyu. Umupo ako sa harap ng table ko. Hinarap ko silang dalawa.
"As much as possible, kahit na anong information na mahanap niyo, isama niyo sa datas natin." Sabi ko. Umupo din si Yeun Ji sa harap ng table niya habang si Jun Kyu ay ginamit ang laptop ko.
"This time, hindi lang ito basta isang research lang." Sabi ni Yeun Ji. Tumango kami ni Jun Kyu.
"Sa research na'to natin malalaman ang mga bagay na hindi sinabi nina Samchon sa atin." Sabi ni Jun Kyu.
"Jun Kyu-ya, ipagpatuloy mo ang pagbasa sa profiles ng iba pang members. Yeun Ji-ya, ikaw ang bahalang maghanap ng mga taong pwede nating mapagtanungan. Ako nang bahala sa mga hindi natin natapos sa tatlong Kim." Sabi ko. Tumango silang dalawa. Nagsimula na kami.
Kim Jun Kyu's POV
Nagsimula na kami nina Yeun Ji at Hae-won sa research namin. Sa mga nalaman namin kanina, hindi talaga makakatulog ng maayos ang dalawang ito.
"Unahin muna natin si Min Yoongi." bulong ko sa sarili.
Stage Name: SUGA (슈가) / Agust D (when solo)
Birth Name: Min Yoon Gi
Birthday: March 9, 1993
Zodiac Sign: Pisces
Height: 173.8 cm (5'8.4″)
Weight: 59 kg (130 lbs)
Blood Type: O
Wife:***************
Children:**************
Position: Lead Rapper of BTS formally known as Bangtan Sonyeondan (방탄소년단)Itong si Agust D, kilala ko ito. Pero hindi ko alam na parte pala siya ng isang boy group noon. Palagi itong nababanggit sa akin ni Appa noong bata pa ako.
Tinignan ko ang profile ng wife nito at anak pero wala ding lumalabas.
"Yeun Ji-ya, isali mo d'yan sa mga tatanungin natin ang relatives ni Agust D." Sabi ko kay Yeun Ji.
"Agust D? 'Yong rapper?" tumango ako. "Okay." Sabi niya. Sinunod kong sinearch si Jung Hoseok.
Stage Name: J-Hope (제이홉)
Birth Name: Jung Ho Seok (정호석)
Birthday: February 18, 1994
Zodiac Sign: Aquarius
Height: 177 cm (5'10")
Weight: 65 kg (143 lbs)
Blood Type: A
Wife:**************
Children: ************
Position: Main Dancer, sub-rapper, sub-vocalist of BTS, formally known as Bangtan Sonyeondan (방탄소년단)Wala namang kahinahinala kaya lumipat na ako kay Park Jimin.
Stage Name: Jimin (지민)
Real Name: Park Ji Min (박지민)
Birthday: October 13, 1995
Zodiac sign: Libra
Height: 174 cm (5'8.5″)
Weight: 58.6 kg (129 lbs)
Blood Type: A
Wife:***********
Children:*************
Position: Main Dancer, Lead Vocalist of BTS, formally known as Bangtan Sonyeondan (방탄소년단)Wala din namang kahinahinala. Nag-unat muna ako. Tinignan ko ang dalawa at focus talaga ang mga mata sa screen.
YOU ARE READING
Year 2083
Mystery / ThrillerYear 2083, How to find someone who leaves traces flawlessly? I am Kim Hae-won. I am Kim Jun Kyu. I am Heo Yeun Ji. Who are you? Are you the one we're looking for? Where are you?