Heo Yeun Ji's POV
Hindi ko natapos ang session dahil bigla akong napadilat ng mata. Sobra talaga akong nagulat sa mga nakita ko. Agad kong tinawagan si Seol-ajumma.
“Yeoboseyo? Ajumma.” Sabi ko nang sagutin niya ang tawag.
“Yeoboseyo, Yeun Ji-ya. Museunniriya (What's wrong)?” Sabi niya.
“May itatanong lang po ako sa'yo. Pwede po ba akong pumunta d'yan sa inyo?” Sabi ko. Natahimik siya sandali.
“Oo, pwede kang pumunta. Wala din naman ang Abeoji ni Hae-won ngayon dito.” Sabi niya.
“Sige, po.” Sabi ko. “Eung.” Sabi niya kaya binaba ko na ang tawag.
Napabuntong-hininga ako. Bakit sa lahat ng pwede kong maging past life, ang buhay pa ng halmoni ni Jun Kyu?
Hindi naman sa nagrereklamo ako pero napaka-imposible lang paniwalaan ang ganitong klaseng sitwasyon.
Agad akong pumunta sa bahay nina Hae-won. Sinalubong naman ako ni Seol-ajumma.
“Yeun Ji-ya, may problema ba?” tanong niya.
“Sa loob na po tayo mag-usap.” Sabi ko. Tumango siya. Pumasok kami sa loob at pumwesto sa sofa na nasa living room nila.
“Pumunta po ako sa hypnotherapist na pinuntahan nina Hae-won at Jun Kyu.” paninimula ko. Natahimik sandali si Seol-ajumma.
“Anong ginawa mo doon?” tanong niya.
“Inalam ko po kung sino ako sa past life ko.” sagot ko. Napatingin siya sa akin nang may pag-aalalang tingin. Tumango ako sa kanya.
“Ako po ang reincarnation ni Heo Yeun Ji, ang halmoni ni Jun Kyu.” Sabi ko. Napasinghap siya.
Kim Seol's POV
Flashback
(30 minutes before Yeun Ji called)
Maaga pa lang ay gising na ako at tapos nang gawin ang mga house works. Hindi umuwi si Taeron kagabi kasi may tinatapos siyang paperworks na ngayon na ang deadline.Nakaupo ako sa sofa ng living room at nanonood ng TV news nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ng pamangkin kong si Jun Kyu.
“Imo, may kailangan po akong sabihin sa inyo.” Sabi niya. I don't know pero agad akong kinabahan pagkarinig ko pa lang sa tono ng boses ni Jun Kyu.
Kim Jun Kyu's POV
Hinintay ko lang na makaalis si Yeun Ji ng condo bago ako umalis. Alam kong pupunta siya sa hypnotherapist namin ni Hae-won. Alam ko din kung bakit hindi niya kami pinaalam na pupunta siya doon. Nahihiya lang siya sa amin. Pft.
Dumiretso agad ako sa mansion. Kailangan kong makausap si Imo.
Medyo natagalan pa ako kasi ang traffic.
Pagdating ko ay hininto ko sa gitna ng daan ang sasakyan ko at sumenyas sa guard nina Hae-won na ayusin ito sa pagpark tapos hinagis sa kanya ang susi ng kotse.
Agad akong pumasok sa loob. Humahangos kong binuksan ang pinto at hinarap ang Imo kong nakaupo sa sofa.
“Imo, may kailangan po akong sabihin sa inyo.” Sabi ko. Umayos siya ng upo.
“Tungkol saan?” tanong niya at pinatay ang TV.
“Tungkol po sa mga nalaman ko kahapon sa pagpapa-hypnotherapy.” Sabi ko. Hindi agad siya nagreact.
“Nagpa-hypnotherapy ka?” tanong niya. Tumango ako.
“Anong nalaman mo? May kinalaman ba ito sa past life mo?”
“Maj-seubnida (correct). Maniwala man po kayo sa hindi— ako po ang reincarnation ng hal-abeoji (grandfather) ko.” sabi ko habang hinihingal pa ng konti.
Nanlaki ang mata niya. “Mwo?! (What)”
Bumuntong-hininga ako. “Tama po kayo ng rinig. Hanggang ngayon—”
“Anong nangyari sa hypnotherapy mo?”
Huminga ako sandali.
“Nasa loob po ako ng van kasama ang mga jobumo namin nina Hae-won tapos papunta kami sa isang bahay-bakasyunan. Buntis pa ang halmoni kong si Yeun Ji doon pati ang mga kasama nila. Nalaman ko pong ako ang reincarnation ng hal-abeoji ko, ni Jeon Jungkook.” sabi ko.
“Kim Jun Kyu. Hindi ka naman siguro nagbibiro.” Sabi niya.
“Totoo po ang sinasabi ko. Hindi nga po ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip ng mga nalaman ko.” sabi ko tapos tinuro ang mugto kong mata.
Binalot ng katahimikan ang paligid.
“So, tama ang sinabi ni Hae-won.” pagbabasag ni Imo sa katahimikan. Tumango ako.
“Hanggang ngayon po, hindi pa rin ako makapaniwala.” sabi ko habang lumilipad ang isip. Gusto kong puntahan ang puntod ng hal-abeoji ko.
Bumuntong-hininga si Imo.
“Kung alam ko lang talaga kung nasaan sila ngayon.” sabi niya. Napabuntong-hininga ako.
“Paano po, Imo. Aalis na ako. Babalitaan ka na lang po namin.”
Tumango siya. Umalis na ako at bumalik sa condo.
Heo Yeun Ji's POV
“Ako po ang reincarnation ni Heo Yeun Ji, ang halmoni ni Jun Kyu.” Sabi ko. Napasinghap siya. Halatang nagulat siya sa narinig.
Nabalot kami ng katahimikan sandali.
“Mukhang kailangan ko na talaga kayong tulungang hanapin ang puntod ng mga jobumo ni Jun Kyu.” bigla niyang sabi. Napatitig ako kay Ajumma.
“Wala kasi kami ni Taeron sa South Korea noong mga araw na 'yon.” sabi pa niya. Napabuntong-hininga ako.
“I really don't know why Taeron—”
Hindi natapos ni Seol-ajumma ang sasabihin niya nang marinig naming may dumating na sasakyan. Nagkatinginan kami. Si Taeron-ahjussi.
“Paano po, ajumma. Aalis na po ako.” sabi ko. Tumango siya at tumayo para samahan ako sa labas.
Paglabas namin, nakasalubong namin si Taeron-ahjussi.
Nagbow ako sa kanya. Ngumiti naman si Seol-ajumma at lumapit sa asawa.
“Yeun Ji-ya, kakapunta mo pa lang ba? Pumasok muna tayo sandali.” sabi ni Taeron-ahjussi.
“Ah, hindi po. Paalis na rin po ako. Mauna na po ako.” sabi ko at nagbow. Tumango lang siya.
Agad akong naglakad ng mabilis. Bago ako lumabas, lumingon ulit ako at nagtama ang tingin namin ni Taeron-ahjussi. Nagbow lang ulit ako saka lumabas.
YOU ARE READING
Year 2083
Mystery / ThrillerYear 2083, How to find someone who leaves traces flawlessly? I am Kim Hae-won. I am Kim Jun Kyu. I am Heo Yeun Ji. Who are you? Are you the one we're looking for? Where are you?