Heaven
"Hera!"
Grabe mukhang bata pa lang ay mauubusan na ako ng dugo dito sa kambal. Lalo na kay Hera na napaka troublemaker. Four years old palang sila pero akala mo matatanda. Ang pinaka makulit sa dalawa, si Helena Rae or Hera for short. Bata palang pero ang sungit na. Ewan ko ba kung kanino nagmana ng kasungitan. Baka kay mommy Helene hehe. Palagi nalang kasi nitong inaaway ang kakambal nitong si Haru. Lagi din nya inaagawan ng tsokolate ang nag-iisang anak ni Dice. Palibhasa kasi hindi sya nilalabanan ni Shana. Iiyak lang ito at tatakbo pabalik sa bahay nila. Ewan ko ba dyan kay Hera, marami din naman kaming stocks ng chocolates pero trip talaga nya agawan si Shana.
Si Halen Rui naman o Haru, ay kabaligtaran ni Hera. Tahimik lang ito at medyo seryoso. Kung si Hera ay adik sa tsokolate, si Haru naman ay may allergy dito. Mabait din si Haru at kahit na inaaway sya ni Hera, tatahimik lang sya. Walang pinagkaiba sa physical appearance ang dalawa, malalaman mo lang sa ugali. Bukod din sa allergy ni Haru sa tsokolate, mabilis din itong magkasakit. Kaya kaming dalawa ni Dice, suki ng mga hospital dahil kay Shana at Haru.
At heto nga, may ginawa na namang kasalanan si Hera. Katabi nito si Haru na nakatungo lang at si Hea na parang mas problemado pa. Binato daw kasi ni Hera ng bola ang ilang bata na napadaan lang. Naku ayokong mareklamo sa home owners.
"It wasn't her fault, mama." Pagtatanggol ni Haru sa kakambal. "Those kids said something terrible to Shana and Hera got mad."
Isa din yan sa mga dahilan kung bakit ayokong makipaglaro sila sa iba. Palagi nalang kasing napapaaway si Hera. Jusko, turning five years old palang ang mga ito pero away na agad. At kaya naman laging napapaaway si Hera ay dahil kay Shana. May ilan kasing mga bata na sinasabihan si Shana na wala daw itong nanay. At dahil mabait si Shana, tahimik lang itong iiyak.
Kaya naiintindihan ko rin si Dice kung bakit sa kambal ko lang at kay Hea nya pinapayagan makipaglaro si Shana. Bata palang kasi ay biktima na ng bullying dahil sa wala itong nanay. Kaya panatag si Dice kapag nandito ang anak nya kahit na minsan o mas madalas, inaagawan ni Hera ng tsokolate ang anak nya,
Three years ago ay lumipat si Dice at ang mga kapatid nito sa katapat naming bahay. Yung bahay na tinirhan dati ni Nico. Siya na rin ang co-owner ko sa Sweet You. Binili kasi nya ang shares ni Hana. Ang dakila ko kasing bestfriend, nagmigrate na sa Japan kasama si Nico. Bakit? Ayun. Nag-asawahan sila. Mabilis kasi naayos ang annulment nito sa dating asawa. Mabuti nalang at Hana din ang name ng isang bestfriend ni Dice.
"Kahit na. Hindi dapat kayo nananakit."
"But mama, they hurt Shana! Physical pain is much better than saying those horrible words. They were lucky because they have a complete and normal family unlike Shana. And gosh, Shana has three beautiful mothers. She has Tita Cassa, Tita Hana and Tita Dice."
"Hera." Napahilot na ako sa sentido ko. "Next time wag ka na mananakit ha. Baka ipakulong na ako ng parents nila."
"But-"
"Stop it, Hera." Saway ni Hea dito. Malapit na rin mag eight years old si Hea. "That's too much."
"Hmp!" Kung si Hera ay nakasimangot na. Si Haru naman ay kalmado lang ang itsura. Nakatitig lang ito sa kakambal.
"Di ba, naaway mo din si Shana? Kuha mo lagi ang chocolates niya." Sabi nito sa kakambal.
Pero itong si Hera, tiningnan lang ng masama ang kapatid. "I should be the only one who can make her cry."
Pano pa kaya kapag nag ten na sila? O teenagers? Siguradong sasakit ang ulo namin ni Heather sa kanila. Nung four years old naman ako, friendly ako eh! Wala kasi si Heather ngayon at nasa Japan. Baka sa isang araw pa uuwi yun. "Helena Rae."
Nanlaki angnmata nito at tumahimik na. Alam kasi ng mga ito na galit na ako kapag ganito na ang tono ng boses ko. At kapag buo na ang pagkakabanggit ko sa mga pangalan nila. "Your Tita Dice will get mad. "
"But Tita Dice is very kind.." Sabi ni Haru. Hindi ko alam kung pinagtatanggol ba nito ang kakambal o ano.
"But she will get mad if you make her only daughter cry, You understand, Helena Rae?"
Tumango ito. "Yes, mama.. I'm sorry.."
Ayoko kasi na makasanayan nila na awayin si Shana. Nakakaawa na nga ang bata. At nakakahiya kay Destiny dahil sobrang bait nito.
"But I like Shana, mama." Sabi pa nito. Like daw tapos aaway. "When we grow up maybe we can get married too just like you and mommy. That would be awesome!"
"Stop talking nonsense, Hera. That will never happen." Sabi naman ng kambal nito.
"And why?" Aba tinaasan ng kilay ang kapatid!
"Because you always stole chocolates from her. You must give her lots of chocolates."
"Is that so? But seeing her crying face is great."
"Kids, stop it okay?" Jusko bakit kasi matagal umuwi si Heather. Sa kanya lang kasi naniniwala ang mga ito. Kapag seryoso na siya ay natatakot na ang mga ito kahit hindi siya magsalita.
"Twins, come with me. It's time for reading." Nakakaunawang tumingin sakin si Hea. Mabuti nalang at sumabay na sa kanya ang kambal. Nang makaalis ang mga ito ay tinawagan ko si Heather.
Kahit busy ito sa trabaho ay sinasagot nito ang video call ko. "Yes, my love?"
"Umuwi ka na nga.."
"Why? Miss me?"
"Of course! Mas gusto mo na yata diyan sa Japan eh."
"Nah.. I love you, my love. Uuwi na ako after two days okay? Don't be sad.. It makes me want to abandon my work here just to kiss your sweet lips, Heaven."
"Can you do that?" Tukso ko pa. "Come here and kiss me, Heather.."
"Uh! You're a tease, Heaven Rain! Uuwi ako bukas. Be ready. Hindi kita palalabasin ng kwarto. Magmi-make love tayo hanggang may mabuo!"
"Baliw! Just come here!"
"Okay, Heaven.. I love you.."
"I love you too.."
Pagkababa ng tawag ay napatingin ako sa portrait naming mag-asawa noong ikinasal kami one year after I gave birth. Katabi nito ang lumang picture namin ni Heather noong nagtapos kami ng highschool. Hindi ko akalain na magiging ganito ako kasaya dahil sa kanya. Ang taong kumain ng baon ko noong cookies, ay siya palang magiging kasama ko sa buong buhay ko.
Kahit ilang beses akong sinaktan ni Heather noon, kahit ilang beses akong sumuko sa kanya,,hindi nawala ang pagmamahal ko para sa kanya. Sa tingin ko ako ang oatay na patay sa kanya. Okay lang. Worth it naman si Heather. At nasisiguro kong hindi na ako masasaktan pa.
Sa love naman hindi palaging masaya. Katulad lang din kami ng iba. Hindi perfect ang relasyon. Pero hanggat mahal namin ang isa't-isa, kaya naming lagpasan ang lahat. Maraming salamat sa mga sumubaybay sa aming kwento. Kailangan ko na rin magpahinga, baka biglang dumating so Heather.. alam nyo na..
Hanggang sa muli...
-----
💙💙💙Thank You💙💙💙
BINABASA MO ANG
Greatest Love Of Heaven (GirlxGirl)
Romance(COMPLETED) Heaven Rain Montero and Heather Reiss Saavedra. Confuse? Please read Triangle first :-)