Heaven
"Heaven.."
Nagmulat ako ng mga mata. Bumangon din ako at naupo sa kama. Nakita ko si Dana na papalapit at naupo sa gilid ng kama. Seryoso ang mga mukha nito at hindi ako sanay. Mas nasanay ako na lagi syang nakangiti.
"Are you okay?"
"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong oo."
"Heaven.. Anong relasyon mo kay Heather?" Tanong niya.
Pinagmasdan ko syang mabuti. Hindi ba at sinabi niyang gusto nyang malaman lahat ng tungkol sakin? "Heather Saavedra was... my ex girlfriend." At katulad ng reaksyon ni Sky kanina, gulat din ang mababasa mo sa mukha ni Dana. "She left me eight years ago. And the rest is history."
"Eight years ago.. Yung nangyari sayo eight years ago.."
"Yes. I woke up in a hospital after she left me. Nagising ako na wala ng pang amoy at panglasa sa kahit anong sweets."
"And now she's back." She said slowly.
"Yes."
"Umuwi na tayo Heaven. Bumalik na tayo sa Manila." Hindi pa din nagbabago yung pagiging seryoso niya.
"Gusto mo pa rin ba ako Dana?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanya.
"Of course! Wala akong pakialam kung ilang ex mo pa yung dumating. Mas lamang lang ng ganda sakin yang Heather na yan."
"Baliw ka isa lang ex ko."
"Ayun nga.." Ngayon nakangiti na sya. "Bumalik na tayo sa Manila."
"Sasama na ako." Pareho pa kaming nagulat nung biglang pumasok si Sky. "Sasama na ako pabalik ng Manila."
"Where's Winter?" Tanong ko.
"Nag usap kami. I told her na mauuna na tayong umuwi.
"Nag away ba kayo?"
"No." Sagot nya at nagsimula ng ayusin yung mga damit. "Ako na din mag aayos ng gamit mo ate."
Naguguluhang nagkatinginan lang kami ni Dana. "Kung ganon ay mag aayos na din ako."
---
Maaga akong gumising. Two days kasi akong wala sa shop kaya kelangan ko din pumasok. Alam ko naman na busy din si Hana sa buhay nya kaya papasok na ako. Medyo nakarecover na din naman ako. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Bumababa palang ako ng hagdan ng makita ko si Sky na nakaupo sa sofa at may kausap. Si Heather.Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa malakas na pagtibok nun. Alam ko yung ganitong pakiramdam pero ayokong maalala. Napansin yata niya na bumababa ako kaya natigil ito sa pagsasalita. Napalingon na din sakin si Sky.
"Good morning ate." Nakangiting bati niya at tumayo para halikan ako sa pisngi. "Ok ka na ba?"
"Yes."
"I cooked breakfast."
"Ows?" Wala naman kasing kahilig hilig sa pagluluto si Sky. Pati yata sa pagsasaing hindi mo to maasahan eh.
"De joke lang. Nagpa deliver lang ako sa Jollibee." Natatawang pag amin niya.
"Good morning Heaven."
Walang emosyon na tumingin ako sa kanya. "Sky, hindi ka dapat nagpapapasok ng kung sino sa loob ng bahay." Sabi ko habang naglalakad papunta ng kusina.
"Eh ate nakakahiya naman kay Miss Heather." Sabi ni Sky habang nakasunod sakin. Naup ako at kinuha yung hot chocolate na nasa lamesa. "Ate Heaven?" Nagtatakang naupo ito sa katabi ko.
BINABASA MO ANG
Greatest Love Of Heaven (GirlxGirl)
Romance(COMPLETED) Heaven Rain Montero and Heather Reiss Saavedra. Confuse? Please read Triangle first :-)