Chapter 4

6 0 0
                                    

Maaga akong dumating sa room kinabukasan kasi ayaw ko nang maulit uli yong late ko last time at baka makaapekto pa sa grades ko. Aba, dapat lang na pahalagahan ko lahat kahit attendance kasi para rin naman ito sa kinabukasan ko. Gusto ko rin bigyan ng magandang buhay yong pamilya ko. Gusto kong maka bawi sa mga mga sakrispisyo ni mama sa pag taguyod nya saming dalawa ng kapatid ko.

"Hey! Nakatulala ka na naman jan" tumingin ako sa nag salita at parang nabuhayan ako. At last! Nandito na ulit ang absenot na seatmate ko na si chase.

"Ikaw ha! Bakit ka absent ng two days? Kumusta ka na? Akala ko hindi kana babalik! Pinag-alala mo ako!" Exaggerated kong sabi sa kanya. Habang tinuturo siya. Close kami ni chase, Kasi why not naman diba? kapareho ko jasi siya gg ugali kaya ganun. Si chase kasi Ang maaasahan ko talaga sa math.

Nag tataka ba kayo bakit hindi ko seatmate si Kyle kahit na mag bestfriend naman kami? Si Ma'am kasi yung nag assign at Wala kaming magawa.

"Pumunta ako sa states kasi nabaril si papa, mabuti nga at daplis lang sa braso ang natamo niya" galit na sabi ni chase

"Bakit? Anong nangyari? May kaaway ba kayo sa negosyo? May mga tao bang galit sa inyu?" Kasi nakakapagtaka naman kong nagbabarilan ng walang dahilan

"Siguro" sabay iwas nya ng tingin sakin. Naunawaan ko naman ang pahiwatig non, ayaw niya nang pag usapan.

"Naku, behind kana sa mga subjects natin! Meron akong notes, gusto mo kopyahin?" Pag-aalok ko sa kanya

"Hindi na, okay lang" dito ako bilib kay chase, kahit hindi nakikinig sa klase ay malalaki parin ang scores sa quizzes at exams. Kaya nga ang saya ko na siya ang katabi ko ng upuan. Magaan din ang loob ko sa kanya.

Tumingin ako sa pintuan at nakita kong paparating na si pogi kaya dali-dali kong linagay ang takas na buhok sa likod ng tenga ko at umayos ng upo hehe

Napansin naman ni chase yun kaya dumikit sya sakin at bumulong ng

"Crush mo yan?" Pagkatapos niyang sabihin yun ay uminit ang mukha ko

"Don't blush, nahahalata ka masyado. Bagong salta ba yan?" Tumango ako kay chase

Nang nasa harapan na namin si kid ay nagtaka ako. Bakit hindi pa yan naupo? Nakatitig lang kasi samin ni chase. Anong problema niya? Pag tingin ko sa kanan ay napag isip ko, ou nga pala! Dyan sya nakaupo sa upoan ni chase. Tinignan din ako ni chase na may pagtataka kaya bumulong ako sa kanya

"Dyan sya pinaupo ni Ma'am Celine Kasi absent ka!"

"Hindi mo pinag tanggol ang upoan ko kay Ma'am?"

"Pinag tanggol! Pero nag insist si Ma'am eh sorry"

"Saan na ako uupo?"

"Tabi kayo ni Kyle"

"Sige, good luck sainyo ng crush mo " kinilig ako sa sinabi nya kaya kinurot ko yong tagiliran niya at hinampas ang kamay ko sa braso niya

"Shhhh, baka marinig ka niya"

"Wag ka ngang magpahalata diyan"

Pabagsak na nilagay ni kid sa table ni chase ang bag niya kaya napatingin kaming dalawa ni chase sa kanya

"Are you done talking? Can I sit now?" Pinatid ko agad si chase at nahulog siya sa upoan. Magpapa umanhin nalang ako Mamaya baka nagalit sakin yun. Pagkatapos, tinignan ko agad si kid

"Upo ka na" ngiti kong sabi sa kanya. Tumitig naman siya sakin. Nailang ako kaya umiwas ako ng tingin

"You look like a clown" aba! Mapanglait ang isang to. Nag lagay kasi ako ng makeup sa mukha. Dapat lang kapag katabi si crush hehe

"I don't care"

"You're wearing makeup because of that guy earlier?"

"Ou bakit?"

"Not worth it"

"Wala akong ---" pake. Basta maganda ako ngayon sa iyong harapan. Chariz! Ahhahaha...

Hindi ko natuloy yung sasabihin ko sana kasi dumating na si Ma'am.

"Good morning class" pumunta agad si Ma'am sa upoan nya doon sa harapan without looking at us. At may tatlong lalaki na nakasunod sa kanya. Ang ga-gwapo! Ang sarap sa mata hehe.

"GOOD MORNING MA'AM" masigla naming sabi ng mga kaklase ko especially mga babae kasi nga may tatlong gwapo sa harapan. Pansin ko nakangisi silang tatlong habang nakatingin kay kid. Bromance yarn?

"Introduce yourselves"



Holding You TightWhere stories live. Discover now