Si pogi yung nakita ko sa may pintuan. Nagkatinginan kami at agad akong umiwas ng tingin. Kasi naman e, naka sit on the air ako at nandoon pa sya nakatingin sakin. Nakaka conscious sa sarili! Nahihiya ako....
Nong napansin na sya ni Ma'am Celine ay tinanong sya nito
"Yes? What do you need?"
"I am the new transferi maam and I'm assigned here in section A" sagot naman ni pogi na wala man lang makitang emosyon sa mukha nito pero sinabi niya bang transferi??? At section-A din sya?? WE'RE NOW CLASSMATES????!
"Come here in front and introduce yourself to your new classmates" pumunta si maam sa gilid
Si pogi naman ang pumalit sa pwesto ni maam sa harapan.
"I am Kid Bierce" simpleng introduce nya sa sarili nya. Pero infairness ang gwapo talaga ni kid, may makapal na kilay, kissable lips, aquiline nose, maputi at napaka kinis ng balat! Parang hindi lalaki, alagang alaga ah. Excuse nyo nalang yung description ko hindi kasi ako marunong. Pero infairness, daming admirer ni kid, yung mga kaklase kong babae nakatitig sa kanya at parang ang saya pa nila ha.
Para siyang prince charming at ako yung prinsesa. Pero joke lang yun kasi hindi naman ako kagandahan. Hindi kami bagay..
"Is that all, Mr. Bierce?" Tanong ni maam bago pumunta uli sa harapan
"Yes, maam" sagot naman ni kid
"Welcome to our school Mr. Bierce, just ask on your classmates for the notes of my subject" sabi ni maam habang nakangiti
"Thank you maam" magalang na sagot naman ni kid
Lumilinga si maam sa mga upuan, naghahanap siguro ng mauupuan nitong si Kid.
"Sit there" turo ni Maam celine sa kanan ng katabing upoan ko, habang nag aasikaso sa kanyang projector para siguro simulang muli yong nahinto nya na aralin
"Ma'am" Tinaas ko yung kanang kamay ko, i object it! Hinding hindi ako makakapayag! Kahit pogi pa yung magiging katabi ko.
"Yes Ms. Serna?" Sabi ni Ma'am Celine Sabay tingin ng matalim sakin, galit pa siguro ito sakin kasi late ako ngayon
"But Ma'am, upuan yan ni Chase" Hindi ako papayag na doon si kid uupo, kasi wala na akong makokopyahan sa math!
"Mr. Brickner is absent for two days already, if he will arrive, make him sit beside Ms Viorst." pagkasabi ni maam celine non ay pakiramdam ko gumiba yung mundo ko.. paano na na nga ba ito? Wala na talaga akong pag-asang makapasa sa math. Nasa kabila pa naman ang seat na lilipatan ni chase, magiging katabi nya pa si kyle! E pareho silang magaling sa math! Wala na akong magawa kasi adviser namin itong si maam celine eh!
"And Ms. Serna, it's already 15mins and you're still doing what i told you to do. Do you want me to keep you doing that until the last minute of my subject?" Pagkasabi ni Maam non sakin ay agad-agad akong tumayo, ayuko ko nang mag sit on the air noh!
"Thank you ma'am and sorry for being late" sabay pakita ng paawang mukha kay maam
"I will not tolerate it next time Ms. Serna" and smiled. Yeheey! hindi na galit si Ma'am sakin. Siguro ang cute ko sa aking paawa face.
Bago pumunta sa upoan ko ay napa linga-linga pa ako sa mga kaklase ko kasi naman e, yung mga babae parang galit sa akin wala naman akong ginawa sa kanila. Pero di bale na, bahala sila dyan pake ko ba. Hinanda ko na ang sariling makinig sa ituturo na lessons ni Ma'am Celine at hindi nalang pinansin ang mga kaklase kong mga babae.
YOU ARE READING
Holding You Tight
General FictionKid Bierce & Zeli Serna Zeli is an ordinary girl with a lot of flaws in her. While Kid, is the mysterious guy who transferred in her school. Love found them, but the truth broke them. Will they choose to hold on or will they have to let go? P.S. p...