Chapter 3

9 2 0
                                    

Pagdating sa bahay ay agad akong pumunta sa kusina at kinamusta si mama doon, para narin mag mano at bigyan ito ng halik sa pisngi.

"Ma, Bihis muna ako bago tumulong sayo." Nagmamadali kong sabi sa kanya

"Sige, nak." Sabi niya habang nagtutuhog nong isaw

Pagkatapos mag bihis ay pumunta ako pabalik sa mesa para tumulong. Naghugas ako ng pinggan, nilinisan yung lamesa at nag walis sa sahig. Pagkatapos ay tumulong ako kay mama sa pag titinda.

"Ma, nasan na si zarina?" Wala kasi ito sa kwarto at natapos ko na iyong mga gawain ay wala parin ito

"Tumawag kanina, nasa bahay daw nong kaklase niya gumawa ng project. Mamaya pa daw ito uuwi" Ang sipag mag aral ng babaeng yun. Tinatapos ng maaga yung mga projects nya at assignments kaya pag deadline na ay ipapasa nya na ito. Hindi gaya ng iba na gagawin pa yung proyekto nila the day before the deadline kaya kinalabasan e hindi na kompleto kasi nagmamadali na. Mabuti nalang wala akong project at assignments ngayon.

"Cge ma, pahinga ka muna sa kwarto mo. Ako na muna dito" kasi kanina pa sya nag titinda dito at tagaktak na yung pawis at halatang pagod na.

Pagkatapos magtinda ay dumating na si zarina. Ipinahanda ko sa kanya ang kakainan namin para naman pagkatapos kong magligpit ng mga paninda ay kakain na ako kaagad.

Pumunta ako sa kusina pakatapos magligpit. Nakahanda na lahat kaya umupo na ako at nagsimula na kaming kumain.

"Zarina, mamaya pagkatapos kumain tulongan mo ang ate mong mag ligpit at maghugas ng pinggan" sabi ni mama na nakatingin kay zarina

"Ok, ma" pagtugon naman ni zarina

Tapos na kaming kumain at si mama ay dumiretso na sa kanyang kwarto. Naghugas kami ni zarina ng pinggan, ako yung taga sabon at sya naman yung taga banlaw

"Ate balita ko, may bagong salta daw sa school at gwapo daw. Kaklase mo" Sabi niya. Nasabi ko na bang scholar din itong kapatid ko? Well... Ou, mas matalino pa nga ito sakin.

"Bakit? Nakita mo ba? Crush mo na?" Tingin ng kakaiba sa kanya. Nag blush naman ang bruha

"Hindi! Wala akong pake sa mga gwapo ate! Focus ako sa pag-aaral ko! Hindi ako kagaya mo!" That was Euphemistic! But i don't care, kapatid ko naman ito.
Hindi ako huminto sa pag aasar sa kanya.

"Ang landi mo! Hahaha"

"Hindi nga sabi eh! Yung----"

"Meron akong number niya! Gusto mo?"

"AYUKO! Yung----"

"Dali naaa, ibibigay ko naman eh"

"ATE! Yung----"

"Ipakilala nalang kita!"

"Ayuko! Yung----" Ayaw niya? Ibig sabihin?

"HALA KA! GUSTO MO NG BLIND DATE?" Nanlaki ang mga mata ko habang naka tingin sa kanya

"HINDI! YUNG--------"

"ANG HAROT NG KAPATID KO! MANA SAKIN!" Tawa ko pa. Para na syang puputok sa galit kaya huminto na ako.

"YUNG KAKLASE KO! NAKITA NYA YUNG LINTEK NA TRANSFERI NA NAKA HARAP MO SA MAY HAGDAN! NAPATULALA KA PA DAW EH! NAGING KAKLASE MO DAW! ANG SWERTE MO DAW!" wala akong masabi

"PINAKI-USAPAN NIYA AKONG SABIHAN KA NA BUKAS SANAY IPA KILALA MO SYA SA BAGONG TRANSFERI! NATAGALAN AKO SA BAHAY NIYA PARA LANG DON!" Pumutok na nga si zarina. Ikaw naman kasi self eh! Bakit kaba kasi mapang-asar? Ayan tuloy

Holding You TightWhere stories live. Discover now