CASTLE IN DISGUISE

6 1 0
                                    


Noong unang panahon, sa lugar ng Macedonia ay may isang tagong lalawigan na hindi pinagtutuonan ng pansin ng mga tagaroon. Isang lugar kung saan tanging dalawang tao lamang ang nakakaalam ng pasekretong daan papunta sa malaimahinasyong palasyo.

"Ina, aalis na po ako para maibenta ko pa po sa bayan ang mga pinanahi ninyo" nakangiting tugon ng binatang anak ni Señora Cristina na siyang kauna-unahang kapitang babae sa kanilang lugar. Pwera sa pagiging kapitan nito ay kilala rin ang nasabing Ina sa kaniyang galing sa pananahi at pagburda ng mga mamahalin at magagandang damit.

"O'sige basta mag-iingat ka lalo pa't malayo-layo ang bayan mula rito sa atin" pagpapaalalang muli nito

"Opo, Ina ako pa po ba? Siguradong ubos nanaman itong pinanahi ninyo dahil sa kagwapohan ng anak niyo" pabirong yabang ng binata na siyang tunay naman talaga pagkat kilala rin ito sa kanilang lugar bilang isang masugid na mangangabayo dahil sa impluwensiya ng kaniyang Ama at bilang isa na ring makisig na lalaking kinahuhumalingan ng lahat.

"Ikaw talagang bata ka, siguro kaya hindi ka nagpapasama sa mga ka-alyado mo ay dahil may pinopormahan kana sa bayan?" Panunuyang tanong naman ng kaniyang Ina na ikinailing-iling naman ng kaniyang binatang anak

"Nako Ina, imposibleng may magkagusto riyan kay Deralta, kita mo naman pong napakapihikan niyang pagdating sa pagpili ng dalaga" singit naman sa usapan ng nakababatang kapatid na babae ni Deral habang tinutuya ang kaniyang kuya na nakakunot na ang noo

"Nako't hayaan mo na at wag mo ng inisin baka mamaya niyan ay magbangayan nanaman kayo at hindi na maka-alis itong kuya mo" awat naman ng kanilang Ina.

"Sige na po Ina, aalis na po ako bago ko pa mabatukan ang isa riyan" pagpaparinig pa ng binata na animo'y isang batang nagbabanta sa kaniyang kaaway

"Oo na, oo na kuya umalis kana at baka makasalubong mo na sa daan ang iyong magiging asawa" tuya pa ng kaniyang kapatid na ikinahalakhak nito na hindi na lamang pinansin ng binata at umalis nang nakakunoot noo

"Ganoon ba ang tingin ng lahat sa akin? Pihikan? Bakit bawal bang manigurado pagdating sa pagmamahal?" Iritadong ani nito sa sarili habang naglalakbay papuntang bayan, halos isang metro pa ang kaniyang lalakbayin papunta riyon kung kaya alas-kwartro pa lamang ay lumalakad na ito sakay ng kaniyang kabayong si Estong.

Señor Gomez Deralta Deltran, isang makisig na mangangabayong lalaki sa edad nitong dalawamput-pito. Isang seryoso, matipuno, masinop at napakamaginoong lalaki sa kanilang lugar kung kaya't kahit ang mga babaeng nasa bayan ay dumadayo sa kanilang lugar upang masilayan lamang ito

Ngunit gaya nga ng iminungkahi ng kaniyang nakababatang kapatid na babae na si Señora Prisillia Deltran ay napakapihikan nito at hindi basta-basta nahuhulog sa mukha o pustura lamang ng dalaga sapagkat nakapamaobserba nito na inihalintulad pa nga ng kaniyang kapatid sa doktor.

Samantala, habang naglalakbay ang binatang binabagabag pa rin ng isinaad ng kaniyang kapatid ay napahinto ito sa kaniyang narinig.

"Isang boses? Boses ng dalagang humihimig?" Tanong ng binata sa sarili pagkat sa pagkakaalam niya ay tanging mga kalalakihan lamang ang naglalakbay papuntang bayan upang bumili ng mga kasangkapan o pagkain sapagkat ito ang higit na pinagbabawal ng kaniyang Inang kapitana, bilang na rin isang metro ang layo ng bayan.

La la la la na na na na~

Dahil sa kuryusidad ay panandaliang tumigil sa paglakbay ang binatang Deltran upang tignan kung sino ang dalagang ito na sumagi rin sa kaniyang isip na baka naligaw ito at kumakailangan ng tulong.

Throughout Mind's Eye Of Soul Wanderers (One Shot Stories)Where stories live. Discover now