HANGGANG SA DULO

4 2 0
                                    

Song playing by: Moira dela Torre, Ikaw at Ako

“Ilang ulit ko na bang sinabi sayo noon pa Cristinne na tigilan mo na ang lalaking iyon!” Sigaw ni Mildred sakin habang eto naman ako magang-maga ang mga mata kakaiyak.

“Ano bang sinabi ko sayo nung una pa lang ha?! Na sasaktan ka lang non at lolokohin pero anong ginawa mo? Minahal mo pa rin!”

“Eh anong magagawa ko? Mahal ko eh” garalgal at malumanay na anya ko dahil sa pagpigil ng mga luha na kanina pa gustong pumatak ulit at sa pagod. Isa pa yan nga din ang tanong ko sa sarili ko eh, bakit ko pa ba siya minahal kung alam ko namang lolokohin at sasaktan niya lang ako?

Fudge Cristinne.

“Ano ka ba naman bess, alam mo namang ayoko lang na makita kang iyak ng iyak dahil sa lalaki” wika pa niyang mukhang huminahon na, napansin niya nanaman siguro na papatak nanaman itong mga letseng luha ko

“Curse them to hell!” hindi pa rin pala hanep.

“Ano ka ba Milds awat na, tapos na eh...” Pagsusumamo ko sa kanya nasaktan na 'ko.”

Hayyy eto na naman, wala na hindi ko na napigilang pumatak ang mga luha ko bwisit kasing lalaking 'yon ipagpapalit na lang ako sa bakla pa. Sabagay piniperahan nya lang pala kami Taena.

“Shh tahan na wag ka ng umiyak hindi deserve ng mukhang shokoy na yun ang mga luha mo” anya at saka tumawa nang nakakaloka pusta iniimagine nanaman nito ang mukha ng Lester na 'yon

“Sira hindi sya shokoy! Sirena siya, Sirenang unggoy pft.” Banat ko at saka parehas kaming tumawa na parang nasisiraan ng bait.

De joke lang ganto lang talaga kami kapag broken ang isa samin, imbis na iyakan at pagpantasyahan namin este pinagpapantasyahan nga namin pero more on paninira at pangeechoss kung bat nila sinayang ang tulad namin HAHA

“Tamo 'to parang sira kanina umiiyak ngayon naman tumatawa na parang timang, baliw ka beh?” Pang-aasar pa niya sakin at saka humagalpak ulit sa kakatawa. Ngayon sino kaya ang mas baliw saming dalawa?

“Ayt ewan ko sayo halika na nga magmall tayo, arcades tas” bago ko banggitin ang panghuli-hulihang salita ay nagkatinginan muna kaming dalawa na para bang nagkakasundo ang mga utak namin sa naiisip HAHA

PARTYYYYY!!!”

~*~

Woahh Last night was really a wasted night!

Kahit magang-maga ang mga mata ko kahapon todo sayaw at paflirt pa rin ako sa mga guys and to be mentioned, Thank you sa umimbento ng make-ups at sun glasses kung kaya nakapagblunt pa rin ako ng beauty ko megash

“Uyy Milds bumangon kana jan ala-una na ng hapon” pangigising ko sa best friend kong halos laklakin na ang lahat ng alak sa bar kahapon dahil daw dapat sulitin ang libre ko pft parang siya lang ang mas broken samin eh

“Uhmm...five minutes” sagot niya at saka nagtalukbong ng kumot sa buong katawan. Walangyang babae 'to hindi man lang nagbihis kagabi sumuka pa naman 'to dahil puro hard drinks ang pinag-iinom.

Hinayaan ko na lang siya at mamaya pagkagising niya, siya ang paglalabhin ko ng mga ginamit niyang damit, unan at kumot grr sala-ula eh.

Imbis na matulog ulit at magmuk-mok nanaman eh naligo na lang ako at nilinis ang kwarto pwera sa kama na kung saan tulog at nakahilata pa ang mahal na prinsesa.

Humihigop ako ngayon ng tsaa pampawala ng hang over dahil halos pumipintig sa kirot ang ulo ko kanina at naisipang magscroll na rin sa social media para tignan kung ilan na ba ang nagsi-like sa bago kong profile picture at posted photos

Throughout Mind's Eye Of Soul Wanderers (One Shot Stories)Where stories live. Discover now