A SILENT WRITER

4 1 0
                                    

Palakad-lakad at tuliro si Klea nang mapansin niya na nawawala pala ang mga Lip Sticks at make-ups nya nawala siguro nung naglabas-masok siya sa cr kanina hmmmm

"Gerald nakita mo ba yung Eye liner ko?" naiiyak na tanong aniya

"Bakit sa tingin mo ba gumagamit ako ng mga ganun?" seryoso namang tugon ni Gerald na animoy pinapatay niya sa tingin si Klea

"Ang sungit mo talaga kahit kailan nagtatanong lang eh!" sighal at pagmamaktol ni Gia saka ito lumabas at nagtanong-tanong sa iba pa naming kaklase.

"Tss akala niya siguro bakla ako" bulong ni Gerald sa sarili na ikinailing niya ng ilang beses

"Crap! Pano nya nalaman yun!?" Asik pa niya napatingin naman siya sa gawi ko na para bang iniisip kong narinig ko ba ang sinabi niya

Nagsukatan kami ng tingin nung una pero binawi ko na lamang at nangalumbaba sa armchair na parang walang nangyari Matagal ko naman na kasing alam na Bakla siya ayaw niya lang aminin sa iba tch.

"Uy talaga sila na ni Mica??" tanong ni Lisa

"Oo ano ka ba, bat ngayon mo lang nalaman eh kalat na kalat yun sa buong school" tugon naman ni Rhianna

"Oo nga Sis why don't you try to scroll-scroll kasi on fb hayst kaya ka super late sa mga news eh" conyo naman na baling ni Christy sa kanila

"Gaga pano makakabalita yan eh ni cellphone wala siya HAHAHAHA" Pang-iinsulto ni Rhianna kay Lisa sabay halakhakan ng mga kaklase naming nakarinig sa chismisan nila.

Ang totoo sina Lisa, Rhianna at Christy ay magkakaibigan pero simula ng magkagusto si Michael kay Lisa na gusto sana ni Rhianna ay nainis siya dito na humantong sa pagkasira ng relationship nilang dalawa na kahit nga si Christy ay nalason na rin ang utak at naging toxic ang relationship nila

Siguro dahil na rin sa mayaman sina Rona at Christy at mahirap lang Lisa.

"Claire kamusta?" tanong ni Shan

"Hmmmm ok lang ikaw ba?" balik turan naman ni Claire

"I'm fine and I'll always be fine kapag okay ka" sabay matamis na ngiti ni Shan sa kanya na ikinapula naman ng mga pisnge ni Claire

"Shan engot!!!" bulyaw ni Trinity at piningenot ang kanang tainga ni Shan "Ikaw!!! Tae ka! Bat mo ko iniwan dun sa quad triangle ha?!"

"Eh akala ko kasi dun ka muna kaya nauna na ko aray naman tama naaa" angal ni Shan pero mas hinigpitan pa ni Trin ang pagkakapingot niya kay dito pero binitawan niya rin kalaunan

"Bagay yan sayo Bulol!" sabay walk-out ni Trin palabas ng classroom habang naiwan namang si Shan na sapo-sapo ang kanang tainga na pulang-pula at maiiyak na

"Shan ok ka lang?" concerned na tanong ni Claire sa kanya

"Walangyang amazona yun pingutin ba naman ang tenga ko nang pagkahigpit-higpit Bwisit!" ika niya na parang walang narinig "Lagot sakin yun mamaya"

Hindi niya na lang namalayan na pati si Claire ay iniwan siya at lumabas rin gaya ni Trin kaya nung napagtanto niya na ito lumabas din siya at hinabol yung dalawa

Tsk tsk heto talaga yung nagsasabi na sana dalawa ang puso ko Tss-,-

Simula noon yun na lang palagi ang nakasanayan kong routine, alis sa bahay tapos pasok eskwela salampak earphones o kaya manood sa kanila tapos uwi sa bahay ganito na ata talaga ang buhay ko sinisekretong alam ang mga buhay ng mga tao sa paligid ko at pasekretong sinusulat ang kanilang mga kwento sa notebook ko.

_______________________________________

Join My Journey if you wanted to btw, Thank you for reading.

'A Silent Writer will always be a solemn one.'

-U_sppacee

Throughout Mind's Eye Of Soul Wanderers (One Shot Stories)Where stories live. Discover now