CHAPTER 3

54 1 3
                                    

Isagani's POV


"Gani, diretso uwi ka na ba?" tanong ni Dwight. Kasamahan ko sa training.


"Oo, mangingisda pa kami ni Jade mamaya." Tumango lang siya at dumiretso sa banyo para magbanlaw. Tapos na training eh. Araw ng Biyernes ngayon at talagang maghapon kaming nandito. Kahit wala pa namang ina-announce na may susunod ng laban, pinag-hahanda na ang bawat isa sa amin.



Naabutan ko si Jade na hinahanda na yung bangka kaya dumiretso na kami sa pampang. Marami rin agad kaming nahuli kaya mabilis lang kaming nakabalik.


Pauwi na sana kami pero 'tong loko nag-aya pa mag-swimming sa dagat. Akala mo naman napakalayo niya rito at matagal pa mararanasan ang hampas ng alon. Eh, kung hampasin ko na lang kaya 'to? Napilitan na lang ako dahil baka umiyak.


"Dapat dito na lang kayo sa spring nagte-training eh mas malapit pa!" sabi sa'kin ni Jade.


"Mukha ba kaming kasya rito lahat?" pwede sana kung hatiin sa dalawang grupo at magkaiba ng araw eh.


"Anong bang akala mo? Sa kiddie pool kayo magte-training?" sabat naman niya.


"Sige, ipaglaban mo. Isa pa, magbubukas na rin 'to at dadami na ulit ang mga turista." Tuwing bakasyon ay sobrang daming dumarayo rito sa isla. Bukod kasi sa mura na, maganda pa ang lugar. Minsan nga nakakagulat pa rin na marami ang mga pumupunta rito dahil medyo tago ang isla na 'to at may kalayuan sa lungsod.



"Pre, may inagos na tsinelas oh!" Napalingon ako sa tinuturo niya. Itim ang pares na tsinelas at mukhang mamahalin.


Kaunti lang naliligo sa spring ngayon dahil wala pa namang masyadong turista kaya madaling mahahanap ang may-ari nito. Napalingon naman ako sa babae at lalaking nasa spring. Nakakunot ang mga noo, mukhang may hinahanap.


"Saan mo ba kasi nilagay?" tanong sa kanya ng lalaki.


"I just put it here baka nalaglag sa pool." sagot naman ng maputing babae.


"Hay nako, you can wear mine na lang at baka abutin pa tayo ng sampung taon kakahanap sa tsinelas mo na 'yan." Tsinelas. Sa kanila nga 'to.



"Eto ba hinahanap niyo?" tanong ko sa kanila.


"Why do you have my slippers?" Agad kinuha sa akin nung babae yung tsinelas. Nanatili naman akong kalmado, habang ang babae ay nakunot pa rin ang noo.


Kumpara sa tangkad ng ibang kababaihan, masasabi kong matangkad siya. Matangkad nga lang ako kaya hanggang balikat ko lang siya. Mukhang mayaman dahil sa kinis ng kutis. Bilugan ngunit tila maamo ang mga mata na mas lalong pinaganda ng makapal at mahahaba niyang pilik-mata. Matangos ang ilong at pula ang manipis na labi. In short...... mukha siyang anghel.


"Ahh, inanod kasi ng spring kaya nakita ko sa dagat." sagot ko naman.


Spring of AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon