PROLOGO

7 7 2
                                    

Unang pagkikita.

Unang beses na narinig ko ang boses mo.

Unang beses na natitigan ko ang mga mata mo.

Unang beses na nasilayan ko ang ngiti mo.

Unang beses na narinig ko ang pagtawa mo.

Unang beses na kinantahan mo ako.

Unang beses na pininta mo ang mukha ko.

Unang beses na paglabas mong kasama ako.

Unang halik natin.

Unang beses na napangiti mo ako.

Unang beses na napatawa mo ako.

Unang beses na napasaya mo ako.

Unang beses na nagmahal ako ng totoo.

Unang beses na may nagmahal sa akin.

Unang pagkakataon na nakasama kita at sana hindi pa ito ang huli.

Dahil kahit madalas ko pang marinig boses mo, matitigan ang mga mata mo, masilayan ang ngiti mo, marinig ang pagtawa mo, marinig ang pagkanta mo, makita ang mga pinta mo, at kahit madalas pa kita makasama, 'di ako magsasawa sayo.

Mahal kita Reisha. 'Yun Ang totoo.

Heartbeat of Love (On-going)Where stories live. Discover now