Gulat pa rin ako hanggang matapos maipaliwanag sa'kin ni Rynon ang lahat. Alam ko naman na may sakit talaga si Reisha, pero nakakagulat pa rin talaga.
Matalinong bata si Rynon. Inalam nya ang sakit ng ate nya. Pero ako, ngayong alam ko na ang totoo, hindi ko alam ang gagawin ko.
"Don't move," sabi ni Reisha habang nasa harap ng canvas at pinipinta nya ako. Hindi ko alam kung para saan.
Basta pagdating ko dito sa kuwarto nya sa hospital, naghahanda sya ng painting materials at tamang-tama raw na dumating ako. Tinanong ko kung para saan pero 'di naman ako sinasagot.
Isang linggo na ang nakakaraan mula ng sinabi sa'kin ni Rynon ang tungkol sa sakit nya. At sa loob ng isang linggo na 'yun, hindi ko sinabing sa kanyang alam ko na ang tungkol sa sakit nya. Isang linngo na rin kaming madalas mag-usap ni Reisha at mas naging malapit sa isa't isa. Pero hindi pa sapat ang pagiging malapit namin para sabihin sa'kin ang totoo kung bakit sa nakalipas na dalawang taon ng buhay nya ay dito na sya sa hospital tumira.
Gusto ko syang tanungin pero sobra na. Nagtanong na nga ako sa kapatid nya ng walang pahintulot sa kanya. Pagkakasyahin ko na lang ang sarili ko sa mga alam ko tungkol sa kanya, para kahit papaano matulungan ko man pang sya.
"Para saan ba talaga 'to?" tanong ko habang nakaupo sa sofa at naka-pose ng parang... Model? Ayun ang sabi nya, eh.
Hindi ko naman talaga kasi alam. Nagulat na lang ako ng sinabi nyang ipipinta nya ako pero para saan? Magaling ba sya magpinta? Kung oo, hindi halata.
"For your graduation, tomorrow. My gift for you," seryosong sabi nya habang patuloy pa rin sa pagpinta. Sa wakas naman at sinagot nya na.
Pero... Ang mas gumaganda sya 'pag nagseseryoso, ah. Lumawak tuloy ang ngiti ko kaya tiningnan nya ko ng masama pero, shit... Natawa na'ko. Ang cute nya! Parang gusto ko tuloy syang halik--
Pucha! Anong iniisip mo Cal?
Tumikhim ako at inayos na ang itsura ko.
"Pupunta ka ba sa graduation bukas?" maya-maya'y tanong ko.
Parehas kami kasi ng school na pinag-aaralan. Dahil kahit nasa hospital sya, pinagpapatuloy pa rin nya ang pag-aaral nya. At maganda 'yun para sa kanya. Nakuwento nya rin sa'kin na pangarap nya ang maging doktor tulad ng mommy nya. She idolize her mom so much.
"Of course. It's my dream to attend my highschool graduation. It's my last chance," pabulong na lang ang pagsabi nya sa huling pangungusap pero narinig ko pa rin. Humawak sya sa mahaba nyang buhok gamit ang kamay na walang pintura.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kahit alam ko na kung anong pinapahiwatig nya.
Ayaw nyang magsuot ng kahit anumang wig sa araw na g-graduate sya sa highschool, ayon sa kuwento ni Rynon. Nag-umpisa ng maglagas ang buhok nya pero ayaw pa nya. Hindi pa daw sya ready na mawala ang buhok nya.
Gusto ko mang maawa pero ba't ko gagawin 'yun. Kailangan kong palakasin ang loob nya hindi ang mas lalo pa syang hilain pababa. At hindi kasama ang awa para lumakas ang isang tao, mas pinapahina ka nito. At alam ko ring hindi nya magugustuhan kapag may nakita syang awa sa mga mata ko at marinig nya ang awa sa boses ko.
Sa isang linggo na nakasama ko sya, mas nakilala ko pa sya lalo at nagustuhan. Isa na du'n ang pagiging matatag at malakas nya. Dalawang taon na ang sakit nya pero hindi sya sumuko, mas nagpakatatag sya. Mas lumaban sya para sa buhay nya at sa mga tao sa paligid nya na gusto pa sya makasama.
Umiling lang sya sa tanong ko at pinagpatuloy ang ginagawa. Kanina pa ako dito. Kailan ba sya matatapos? Nangangawit na ako.
"Hindi pa ba tapos?"
YOU ARE READING
Heartbeat of Love (On-going)
RomanceReisha Montgomery and Caliph Saldarriaga. Let's see how there love story goes. --- Cover edited by @CoffeDeLuna (No portrayer intended) Date Started: July 27, 2021 Date Ended: ---