IKALAWANG KABANATA

4 5 1
                                    

"Ohmygod, Rynon! Are you okay?" Puno ng pag-aalalang sambit nya sa bata na umiiyak na ngayon habang tumatakbo pa rin palapit. Sa likuran nya ay mayroong nurse na mukhang hinahabol sya.

Di pa rin ako nakakagalaw sa kinabagsakan ko kanina at nakatulala lang sa babae. Tinulungan akong tumayo nina Iñaki at France, pero nanatili ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nakaluhod na at tinutulungan tumayo ang bata.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nya kay Rynon, ayon sa tawag nya kanina.

"Naku!! Miss Rish, 'wag po kayo tumakbo ng ganun, magagalit na naman po si doktora." Hinihingal na sambit ng nurse na kadarating lang at nakapatong ang parehong kamay sa dalawang tuhod. Mukha rin syang kinakabahan.

Tinulungan nyang tumayo ang babae na hawak sa parehong braso ang bata na nakatayo na.

"I'm okay nurse Sanelle. Don't worry. Please check his wound." Pagkausap nya sa nurse.

Tumawag naman ang nurse ng isa pang nurse para gamutin ang sugat ng bata sa tuhod na ngayon ko lng nakita.

"Tita sya po yun. Yung sa elevator. Si Ms. Elevator." Rinig kong bulong ni Rocco kay mommy. Narinig ko pa ang pagsinghap ni mommy at daddy.

Lumuhod ulit sya para magpantay ang mukha nila ni Rynon. Kinausap nya ito sa ibang lengguwahe na hindi ko naintindihan dahilan para mapayuko ang bata at itago ang pagtulo ng luha nya. Malungkot naman na napangiti ang babae at napansin ko ang namumuong luha sa gilid ng mata nya pero pinipigilan. Mukhang masakit para sa kanya na makitang ganito ang bata.

"Lo siento, ate." Nahihiyang sambit ng bata sa ibang lengguwahe na nakayuko pa rin.

Lumapit na ang nurse na tinawag kasama ang nurse na tumawag na kasama nila kanina.

"Let's go little Rynon." Malambing na ani ng nurse at hinawakan sa kamay ang bata bago umalis.

"Halika na rin po kayo miss Reisha. Kailangan nyo na pong magpahinga." Anyaya naman ng nurse sa babae.

Huminga naman ng malalim ang babae bago tumango.

"Reisha." Pabulong na ulit ko sa pangalan nya na mukhang narinig nya. Napalingon sya sa'min.

"Oh." Mukhang ngayon nya lang naalala na may ibang tao pa rito maliban sa kanila,"I'm sorry. Nasaktan ka ba? Napilayan? Nasugatan? Ayos ka lang ba? Ano?" Natawa ako sa sunod-sunod ba tanong nya. Halatang nag-aalala rin,"Why are you laughing, mister?" Mataray ang pagkakatanong nya pero nagmukha pa ring malambing kaya mas lalo akong natawa, napangiti na rin sila daddy.

"No, I'm sorry." Tumikhim ako,"I'm okay. Thank you." Nakangiting pagkakasabi ko.

Napangiti na rin sya habang nakatingin sa'kin bago mag-iwas ng tingin at nalipat ito sa mga katabi ko,"That's good to hear."

"She's so beautiful." Buong paghangang bulong naman ni mommy.

"Pasensya na po. Kailangan na po kasing magpahinga ni miss Rish." Pagpaumanhin ng nurse.

Tumango na lang kami.

Aalis na sana sila ng magsalita si Reisha.

"Ouch." Mahinang daing nya.

Napalingon kami sa kanya.

"Dios ko miss Reisha!!" Malakas na sigaw ni nurse Sanelle. Sya naman ang nilingon namin at sinundan ang tinitingnan nya.

Nagulat kami ng makakita ng dugo na tumutulo galing sa palapulsuhan nya na kanina lang ay hawak ng nurse. Tumutulo na ito sa sahig ng hospital at namantsahan na rin ang suot nyang hospital gown pati ang pajama.

Heartbeat of Love (On-going)Where stories live. Discover now