I'm happy.
That's what I'm feeling right now. 'Di ko alam kung bakit. Basta paggising ko kaninang umaga, nakangiti na'ko. Nagtaka pa nga sina mommy at inasar na naman ako ni Calis. Baka raw nakita ko kagabi si Reisha. Well, totoo naman.
Hanggang sa pagpasok ko sa eskuwelahan ay maganda ang mood ko. Nakangiti pa rin ako.
"Bro, natatakot na ako sa'yo. Buong araw nakangiti ka na parang baliw. Pati 'yung mga babae, natatakot lumapit," sambit ni Track na natatawa. Papunta na kami sa parking lot.
Natawa na rin 'yung apat. Imbes na mainis, napangiti pa ako.
"C-Cal... Nakakatakot na talaga. Ikaw pa ba yan? Ikaw pa ba 'yung kaibigan namin?" Parang tangang tanong ni France ng makita ang ngiti ko. May pautal-utal pa. Tsk.
"Exaggerated ka na masyado, tol," ani Track at binatukan pa si France. At nagsimula na naman ang away ng dalawa.
Napabuntong-hininga ako. "Alam nyo para kayong mga tanga. Hindi ba puwedeng... Masaya lang ako." Napailing na lang ako sa kanila.
"For what reason?" Nagtatakang tanong ni Iñaki.
"Baka naman si... Reisha," komento ni Rocco.
Hindi nagsasalita si Eldrics, kanina pa. Nakikinig lang sya sa usapan. Nakakapagtaka. Third place kasi sya pagdating sa kadaldalan. Nangunguna si Track, sunod si France.
"Tumigil na nga kayo. For what is my reason, Wala na kayo doon," sambit ko.
Nakarating na kami sa parking lot ng marinig namin na may tumawag sa'min.
"Hoy! Mga baks!" Napalingon kami at nakita namin si Lynvie na tumatakbo palapit sa amin.
Malapit lang ang kotse ko sa'kin kaya sumandal ako doon. Hinintay namin syang makalapit. Ang tagal din namin syang hindi nakita. Iba kasi ang strand nya sa'ming anim. Achiever rin sya. Naging busy sa pag-aaral.
Matagal na naming kilala si Lynvie. Juniors pa lang kami. Lynvie Montalban. Grade 7 ng makilala namin sya. May pagka-boyish pero babae 'yan. Parang lalaki lang kung manamit. Pero kahit gan'un madaming manliligaw dyan.
Maganda kasi. Maputi. Heart shaped face. Makapal any kilay. Matangos ang ilong. Chubby chicks. Pinkish lips. Mahaba ang natural na itim na buhok. Dark brown colored eyes. Bonus na ang pagigimg mabait at matalino nya. Madali lang syang magustuhan ng kung sino pero hindi kami. Para na namin syang kapatid. Sya ang bunso namin.
Hinihingal syang huminto sa harap namin. Nakahawak pa sa dibdib. Kumapit sya sa balikat ni France bilang alalay.
"Grabe! Kanina ko pa kayo tinatawag pero parang wala kayong naririnig. Pinahabol nyo pa 'ko."
"Sorry. May narinig ako kanina pero 'di ko pinansin. Akala ko 'yung mga babae lang dyan sa tabi." Sa wakas nagsalita na rin si Eldrics.
Napakamot na lang si Lyn sa ulo nya.
"Bakit ba?" Tanong ni Iñaki. Napatingin sa kanya si Lynvie.
"Wala lang. Ang tagal natin 'di nagkita, hindi nyo ba ako namiss?" Napanguso pa sya. Yack!
"Tara na," Sabi ni France na nagkunwari pang parang nawalan ng gana. Napangisi na lang ako.
Nagkunwari kaming sasakay sa kanya kanya naming kotse pero napatigil din at lumingon ulit kay Lynvie na mukhang paiyak na dahil hindi sya namiss ng mga kuya nya. Haha!
Sabay-sabay naming sinugod sya ng yakap, maliban kay Iñaki na talagang walang gana na nahuli sa pagyakap kay Lynvie. Nakita ko pang namula si Lyn. Napangisi ulit ako, natatawa na.
YOU ARE READING
Heartbeat of Love (On-going)
RomanceReisha Montgomery and Caliph Saldarriaga. Let's see how there love story goes. --- Cover edited by @CoffeDeLuna (No portrayer intended) Date Started: July 27, 2021 Date Ended: ---