"Let's break up, Ember." Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Lander. Break up?! It's just been two months since we dated! And now he wants to break up with me?
Nangingilid na ang luha ko pero tiningnan ko pa rin siya sa mata. "Why? Lander, it's just two months since we dated!" He sighed.
"Hindi naman talaga kita mahal, Ember. We just dated 'cause I pity you. Mahal na mahal mo ko to the point na ikaw ang nangligaw sating dalawa. You're pathetic--" Hindi ko na siya pinatapos at sinampal ko siya.
"If that's the reason, edi sana hindi ka na lang nakipagdate sakin! Kung hindi mo ko mahal edi sana hindi mo ko pinaasa! You jerk!" Galit na sigaw ko at nagwalk-out.
Lumabas na ko ng cafè. Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa pisngi ko. Napatawa na lang ako. Pang-ilang break up ko na ba toh? Apat? Lima? Sampu? Hindi ko na mabilang sa sobrang dami.
Ang hirap kase sakin, kapag nagmamahal ako hindi na ko nagtitira nang para sakin. Tanga na kung tanga, nagmamahal lang naman ako.
Tanggap ko rin naman sa sarili ko na tanga at marupok ako. Kahit na alam kong niloloko at ginagago na ko nagbubulag-bulagan ako. Sa sobrang pagmamahal ko kahit harap-harapan na kong niloloko okay lang basta nasa tabi ko siya.
Tama nga si Lander. I'm pathetic. Sinubukan kong wag umiyak habang naghihintay ng taxi. I really like Lander but, I need to move on kase hindi ako ang mahal niya.
Ayoko namang ipagsiksikan ang sarili ko sa taong may ayaw sakin. Hindi naman ako ganun katanga para ipagpilitan pa ang sarili ko sa taong tinapon ako na parang basura.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot. "Hello?" Sagot ko dito. "Berrr! Balita ko nagbreak daw kayo si Lander! Totoo ba?!" Muntik ko ng mabato ang cellphone dahil sa sobrang lakas ng boses na Charie.
Napabuntong-hininga ko. "Saan mo naman nasagap ang balitang yan?" Tanong ko. "Ano ka ba!? Kalat na kalat na kaya sa buong university yung break-up niyo! Nagpost kase si Lander, alam mo namang sikat yung animal na yun!" Nanlaki ang mata ko at chineck ang social media ni Lander. Fuck! Totoo nga ang sinabi ni Charie.
Nagpost si Lander ng picture niya sa cafè na para bang iiyak na siya na may caption na "Just recently got a break-up. I hope she become happier."
Gusto ko na lang ibato at apak-apakan ang cellphone dahil sa post ni Lander. Grabe naman ang kapal ng mukha niya na magpost na para bang ako ang nakipagbreak saming dalawa!?
Ako nga dapat ang umiiyak dahil ako ang nagmahal saming dalawa. Ako pa tuloy ang mukhang masama dahil sa post niya.
Napabuntong-hininga na lang ako. Sikat si Lander kaya paniguradong pagtsitsismisan ako at paniguradong dudumugin ako ng mga fangirls niya.
-----------------
Pagkapasok na pagkapasok ko sa university ay pinatitinginan at pinagbubulungan na ako. Lander was the son of a politician. Bukod sa itsura niya ay maipluwensya din siya kaya no wonder kung bakit sikat siya.
However, I'm just a scholar here in university. I'm just an average girl who cares about her grades. Di hamak na hampaslupa lang ako.
Alam ko naman kung bakit nakipagdate sakin si Lander. Gusto niya lang ang talino ko. I'm just a mere tool for him.
But, I don't really care now. I will just enjoy my life and move on. Although, alam kong mga ilang buwan pa bago ako makamove-on.
To be honest, I have a lot of exes. Pero, wala ni isa sa sakanila ang nagtagal ng isang buwan. The only reason they dated me is because I'm a honor student.
At ako namang tanga kahit alam kong niloloko ako sige pa rin ako sa pagmamahal. Kinikilig pa ko.
Pagpakapasok ko sa first class ay agad akong umupo sa unahang upuan para makapagfocus at marining ng mabuti ang sasabihin ng prof.
Actually, hindi naman talaga ko matalino. Nakikinig lang akong mabuti at minememorize ang mga dapat imemorize. Siguro masasabi kong masipag lang talaga ko.
Maya-maya ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas ng classroom. I just hope na hindi yun dahil sakin o kay Lander. I want a peaceful life for Pete's sake!
"Is Ember Nightangle is here?" Agad akong napalingon sa nagsabi ng pangalan ko. Ugh!
Tumayo ako at itinaas ang kamay ko. "I'm here, How can I help you?" It's our class representative. I just hope na hindi toh tungkol sa break-up namin ni Lander.
Tinaasan niya ko ng kilay. "Are you nervous? Don't be. Some random guy is calling you." Sabi nito at naglakad na paalis.
Napataas ang kilay ko. What? Who's calling for me? Tumayo na ko at naglakad palabas ng classroom. My jaw almost drop ng makita kung sino ang nakaabang sa pinto.
Shit! It's Lander! What does he want from me?
Kaya pala ang ingay ay dahil pala sakanya. Ugh! The person I don't wanna see is him! Fuck! He just ruined my day! Napabuntong-hininga na lang ako.
Okay, I will just face this jerk. Huminga ko ng malalim. Lumabas na ko at hinarap si Lander.
"What do you want from me?" I confront him. He just smirked. "I will give you a chance to comeback to me." Napakunot ang noo ko. "What?" Naguguluhang tanong ko.
Lahat ng mata ay nakatutok saming dalawa. What is he saying? A chance to comeback to him? Is he kidding me?
"Why would I comeback? Bakit? Wala na bang gagawa ng mga homeworks at projects mo kaya gusto mong bumalik sakin?" Sarkastikong sagot ko sakanya.
Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid namin.
Pinagpawisan siya. Siguro dahil nalaman nila na siya ang gago saming dalawa. He still forced a smile to me.
"But, you love me, right? So, I'm here to give you a chance." Napakuyom ako ng kamao. How dare he bragged that I love him? I just like him, not love.
"Just to make things clear, Mr. Lander. Ikaw ang nakipagbreak and I have no intention to comeback to you, because I realized you're not worth it and you're a jerk." I said and walked out. He was left speechless.
Ang akala niya ba ay magpapakatanga ulit ako sakanya? I already learned my lesson. I will not repeat the same mistakes again.
I sat back to my seat. I will never open my heart again. I will seal it until I found the one.
YOU ARE READING
DATING THE WRONG GUY
RomancePang-ilang heartbreak ko na ba toh? Tatlo? Lima? Sampu? Hindi ko na mabilang sa sobrang dami. Siguro nga tanga talaga ko. Dahil alam ko na ngang hindi ako yung mahal pinagpipilitan ko pa rin ang sarili ko. Niloloko at ginagago na nga, Kinikilig pa k...