XIIX

38 1 2
                                    

NAGMAHAL AKO. BINIGAY KO ANG LAHAT NG BAGAY NA KAYA KONG IBIGAY. PERO BAKIT NIYA KO NAGAWANG SAKTAN. BAKIT NIYA AKO PINANIWALANG MAHAL NIYA AKO, KUNG ANG LAHAT LAHAT NG KANYANG MGA SINABI AY KASINUNGALINGAN. PINAASA AKO, PINAGLARUAN, GINAMIT.

                Okay. I will attend this stupid blind date na couz. But, these will be the last date. Tama na. Magagalit si Ryu ee. Ayokong magkagalit kami.

                Pero hindi naman kayo di ba? Bat siya magagalit?

                Kara, mahal ko si Ryu.

                I know. But when will you stop this insanity? You’re totally wasting your time for him. Di ka na niya babakilan Keesh.

(Katahimikan)

                See you later couz. Magpeprepare na ako. Okay.

                Narinig ko ang buntong hininga ni Kara mula sa kabilang linya. Okay din, see yah later.

                Tama si Kara. Pero hindi ko kayang mawala si Ryuri sa buhay ko. Ginawa ko naman ang lahat ng paraan para makapag move-on ngunit habang pinipilit kong lumayo sa kanya mas lalo pa akong nahihirapan. Siguro nga di ganun kadali ang makalimot.

                PUNTA AKO MALL BOO *^_^*

                GAGAWIN MO DUN ?

                PASYAL KASAMA SI KARA. SAMA KA?

                AYOKO. INGAT.

                Siguro nga di na maibabalik ang dati naming relasyon. Hindi na kami magkakabalikan, should i accept na talaga na wala na nga siya? I shook my head, naluluha na naman ako.

                After our break up three months ago, I still seeing him despite the fact na alam kong may girlfriend siya. Nakikita ko mga pictures nila sa facebook. They are so sweet and very intimate. Napapaluha na lang ako kasi napakasakit makitang ang taong dating sayo na mahal mo, ngayon ay pag mamay-ari na ng iba.

                You are 30 minutes late couz. He’s waiting inside na. Si Kara yon sabay hila sa akin papasok sa Mall.

                May dinaanan pa kasi ako, inutusan ako ni mama na ihatid yong papers niya sa office.

                Kara stops walking, turns back to me and frowns. Couz, he’s name is Gero, two years younger older than you but he’s matured enough. He’s a friend of my friend. Just be good couz ha. Wag mo tarayan. Di ko na din alam kung saan makakahanap ng ipapablind date sayo.

                Pero di ko naman sinabing hanapan mo ko couz ee.

You need this! Trust me.

Napailing na lang ako.Matapos ang briefing ni Kara ay pumasok na kami sa Mcdo. Lumapit kami sa isang table kung saan nakaupo ang dalawang lalaki. Parehong gwapo, ngunit di maalis ang titig ko sa isa.

                Moreno, matangos na ilong, mapupungay na mga mata at magagandang labi na nasasabik akong hagkan. (Huh? Ang awkward naman noon feeling na yon).

                So Akeesha, this is Gero and my friend Lee, Gero si Akeesha yon kinukwento ko sayo. Kinukwento? Binubugaw ata ako ng pinsan ko sa lahat ng lalaking nakikilala niya aa? Ngumiti ako. Ngumiti din siya tagos hanggang sa kanyang mga mata.

                Owmaygass! Para akong matutunaw sa kanyang mga ngiti. I never know mayroon ganito kagandang nilalang sa mundo maliban kay Mario Maurer na super crush ko. Am I dreaming o namamalik-mata lang ako?

                Isang prinsipe ang nakasakay sa puting kabayo. Tanaw ko yon mula sa toreng aking kinalalagakan. Matagal na akong ibinilanggo at hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa lugar na yon. Hindi ko na alam kung ilang panahon na akong nakakulong sa malungkot na lugar na ito. Napakanta ako ng isang malungkot na awit. Biglang bumukas ang pinto...

                Prinsesa ...

                Aking Prinsipe ...

                Nilapitan niya ako. Hinarap. Hinawakan sa beywang nang mahigpit na mahigpit palapit sa kanyang matipunong katawan. Nagkakatitigan kami. Papalapit ang kanyang mukha sa aking mukha.

                Toinkz!

                Di ka ba uupo? Tanong ni Gero sakin. Di ko alam gaano na ako katagal na nakatayo.

                Huh? Nagulat pa ako na tila nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog. Umupo ako sa tabi ni Kara na kanina pa ako tinititigan. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi.

                What was that all about? Bulong no Kara sakin.

                Umiling lang ako. I was so silly, i need to focus. Akeesha! Focus!

                The date was great, tuwang tuwa ako habang tinititigan sina Kara at Lee na masaya at sweet. Actually its double date kasi di umalis sina Kara at Lee sa tabi namin. Pakiramdam ko tuloy binantayan akong maigi ni Kara para di ko magwalk out sa date na yon na kadalasan kung ginagawa.

                Matapos kaming manood ng sine at nagdinner ay inihatid ako nina Kara sa bahay. Bumaba ako sa kotse, sumunod si Gero.

                Aaaahh, Keesh ... – Si Gero.

                Yes?

                Can I call?

                What?

                On your cellphone.

                Napanganga ako. So? Interesado sakin ang mokong na to kahit ang ginawa niya lang sa buong date na yon ay manahimik. Silent-mysterious-type-guy na akala ko ay hindi ako gusto.

                Sige. Kunin mo na lang kay Kara yong number ko. Sige pasok na ako.

                Goodnight Keesh.

                Bago ko sinara ang gate ng bahay namin, nginitian ko siya. Yong super-sweet-pacute na ngiti ko.

                Nahiga ako sa kama. Yakap-yakap ang aking sarili. Hindi ko makalimutan ang mga ngiti niya. Lalong lalo na ang mga nakaw niyang tingin sakin. Kinikilig ako pag naiisip ko ang mga yon. Humagikgik ako. Ilang beses ko siyang nahuling nakatitig sakin. Malamang pag kandila lang ako ay naubos na ako sa lagkit ng titig niya.

                Umupo ako sa harap ng salamin sa gilid ng aking kama.

Akeesha, you like him, do you? Pero paano si Ryuri?

Sinasaktan ka lang naman niya diba? And you do deserve to be happy din naman.

Iiwan ko na si Ryuri?

Matagal ka na niyang iniwan.

Kaya ko na kaya siyang iwan?

Kakayanin mo!

Love the way you LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon