XIVX

26 1 2
                                    

MAHAL KO SIYA SA KADAHILANANG HINDI KO MAIPALIWANAG. PINAPARAMDAM NIYA SAKIN NA MAHALAGA AKO, THAT I DESERVE TO BE APPRECIATED, TO BE CARED OF, TO BE LOVED AND NEVER TO BE REJECTED. DAHIL SAYO, NATUTO AKONG MAKALIMOT SA NAKARAAN NA PILIT KONG BINUBURA AT PINAPALITAN NG MGA MASASAYA NATING ALAALA. MAHAL NA KITA GERO, MAHAL NA MAHAL.

                Akeesha, can you be my date mamaya sa party ng friend ko? Maagang tumawag si Gero sakin.

                Pero wala akong isusuot.

                Hiniram ko muna yong credit card ni Mommy. Sunduin kita mamaya. Bibili tayo ng susuotin natin.

                Napanganga ako. What? Hanggang ngayon di ko pa din lubusang kilala ang pamilya nina Gero. Wala naman kasi siyang binabanggit sakin. Ang tanging alam ko may negosyo sila.

                Pero Gero, hindi mo naman ako kelangang bilhan ng damit eh. Meron pa naman siguro akong isusuot. O pwede naman akong humiram.

                I insist Keesh. Please. Bihis ka na, sunduin kita after an hour.

                Napabuntong hininga na lang ako. Okay, Later Gero. Minsan talaga napaka bossy ni Gero, gusto niya siya parating nasusunod at parati ko siyang pinagbibigyan. Pero iba siya, ni minsan di niya ako ninakawan ng halik, hanggang holding hands at akbay lang kami. Minsan naiisip ko he’s a gay or a celibate.

                Isang botique sa mall, sinamahan niya ako na pumili ng damit. Ilang beses na akong nagpalit. Sa bawat labas ko, nganga lang ang tanging reaksyon ni Gero. Hindi ko alam kung bagay sakin o pangit lang talaga ako. Gown na kakulay ng asul na kalawakan ang aking kinuha at isinuot. Tamang tama lang ang damit sa aking katawan. Parang sinukat lang mula sa bust, waist at hips. Gustong gusto ko ang mga disenyo netong mga sequences at laces na hinabi ng mga talentadong kamay. Napaka komportable ng tela at ang gaan sa katawan.

                Lumabas ako. Nakayuko ako, ayokong makita ang reaksyon ni Gero.

                Tuminginka nga sakin Akeesha. Sumunod naman ako. Nahiya ako ng mapansing kong nagbago na ang kanyang reaksyon.

                Ayos na ba?

                Maganda ka kahit anong isuot mo, Keesh. Napakaganda.

                Namula ako sa kanyang mga sinabi. Sabay kagat sa aking mga labi. Ngumiti siya at tinawag ang saleslady. Nilapitan ako ng saleslady at tinulungang hubarin ang gown sa loob ng fitting room. Matapos mabili ang damit ay kumain kami sa Mcdo.

                Remember? Sabad niya sakin.

                Ang alin?

Ang first met natin.

Ngumiti ako.

Dito sa table na to. The first time i saw you, nagustuhan na kita akeesha.

Kumain ka na nga lang, gutom lang yan Gero.

Seryoso ako.

Seryoso din ako. Bilisan mo at pipili pa tayo ng isusuot mo.

Napangiwi siya at bumuntong hininga. Napailing ako at napangiti. Kailangan ko din siguro munang mag pa hard-to-get. Matapos kaming kumain, binilhan niya pa ako ng stileto mula sa Memorata. This time tinanggihan ko na siya ang bumayad, humingi ako ng pera kay mama kaya ako na nagbayad nito.Hindi naman porke di kami ganun kayaman ay lahat ng gagamitin ko siya na ang bibili.

Sinamahan ko siyang bumili ng tux at sapatos niya. Siya na talaga. Bagay sa kanya lahat ng sinusuot niya, para siyang model na kahit anong isuot niya ay hindi siya nagmumukhang pangit. He’s beyond Perfect!

Sunduin kita ng before five, Keesh ha. Tumango ako.

Teka, may ibibigay ako. Sabay kuha ng isang box mula sa isa sa mga shopping bags. Iniabot niya sakin. Kinuha ko at binuksan. Nagulat ako at namangha. Diamond necklace! At totoong mga bato iyon.

Paanong? Saan mo to kinuha? Magkano to?

Binigay sakin ng mommy ko, ibigay ko daw sa babaeng magugustuhan ko.

Pero? Di ko to matatanggap.

Keesh ... I want you to be mine?

Napanganga ako. Namumula ang gilid ng aking mga mata. Hindi ko alam kung maiiyak ako sa gulat o sa tuwa. Hindi ko alam kong ano ang aking sasabihin.

Sorry.

Sorry for?

Nagulat yata kita. Mauna na ako. Pag sinuot mo yan mamayang gabi, alam ko na ang sagot.

Naiwan pa din akong nakatulala. Wala na akong nagawa kundi sundan ang papaalis na kotse ni Gero. Wala ng lalambing pa kay Gero, wala ng mas popogi pa, at wala ng mas hihigit pa.

Handa na ako at ano mang oras ay susunduin na ako ni Gero. Tumunog ang phone ko.

IM AT THE HOSPITAL BOO. WHERE ARE YOU?

Si Ryuri! Nasa hospital siya. Bumilis ang tibok ng puso ko.

ANONG GINAGAWA MO DIYAN?

HIT AND RUN. PUNTAHAN MO KO PWEDE BOO?

Pero paano si Gero? SIGE, PAPUNTA NA.

Itetext ko na lang si Gero na mauna na siya at susunod na lang ako. Talagang emergency lang. Malakas ang kabog ng aking puso. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako o maiiyak kasi simula ng nagdate kami ni Gero nakalimutan ko ng panandalian si Ryuri. At heto ngayon nasa hospital Ryuri at na HIT and RUN.

Love the way you LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon