XVIIX

29 1 2
                                    

             IMPORTANTE ANG BABAENG YON SA BUHAY NIYA. KASI HINDI MAGSISINUNGALING SI GERO NG GANUN AT HINDI NIYA PAPALAMPASIN ANG MONTHSARY NAMIN KUNG DI SIYA MAHALAGA. SINO NGA BA ANG BABAENG YON? SINO SIYA SA BUHAY NI GERO? KAIBIGAN BA SIYA O KAAWAY SA RELASYON NAMIN. AYOKO MAWALA SI GERO. AYOKO!

                Nagising ako ng ingay ng doorbell. Namumugto ang aking mga matang lumabas at binuksan ang gate. Akala ko si mama na yon. Hindi pala.

                Isang kumpol ng rosas ang bumungad sakin. Napakalaki at natabunan ang mukha ng nagdadala. Delivery boy? Kanino galing to? Ibinababa ng lalaki ang mga bulaklak. Si Gero, nakangiti.

                Sumimangot ako. Nagtaka siya.

                Umiiyak ka ba? Tanong niya.

                Hindi ah!

                Bakit namumugto ang mga mata mo?

                Sobrang tulog. Pagsisinungaling ko.

                Ah, ganun ba? Di mo ba ako papapasukin baby? Ngiti niya, sabay abot ang bulaklak at chocolates na dala niya.

                Hindi ko kinuha ang inabot niya. Padabog akong pumasok sa loob ng bahay. Sumunod siya sakin.

                Baby, sorry na. Si mommy kasi, makulit at gusto akong sumama sa kanya. Hindi ko naman nakalimutan na monthsary natin ngayon eh. Niyakap niya ako. Nagpumiglas ako.

                Mommy mo ba talaga kasama mo kanina? Parang pag-iimbestiga ko.

                Oo naman, gusto mo tawagan pa natin siya.

                No need. Sabi ko. Sabay yuko, nagkamali ba ako kanina? Baka hindi siya yon. Sasabihin ko ba sa kanya yong mga nakita ko? Itatanong ko ba ang tungkol sa babaeng yon?

                Napaigtad ako ng niyakap niya ako ulit. Hinalikan niya ako sa paraang nakalimutan ko ang mga sama ng loob ko sa kanya.

                Magkayakap kami sa sofa habang nanonood ng tv. Hindi ko na itatanong sa kanya yong tungkol sa babae, ayoko masira ang moment na yon. Naisip ko din, ako nga tong nagiging unfair sa kanya, hindi ko sinasabi yong tungkol kay Ryuri.

                Simula ng monthsary namin, mas naging madalas ang di pasgipot ni Gero sa mga lakad namin. Parati siyang may excuse. Hindi na din niya ako naisasama sa mga lakad ng barkada niya. Hindi naman siya nanlalamig pero parang nagbago siya, hindi ko lang matukoy kung ano ang nabago.

                Isang gabi, lumabas ako kasama si Kara. Gusto kong gumimik. Makalimot sa mga nangyayari samin ni Gero. Tinext ko si Gero at Ryu. Nagpaalam ako sa kanilang dalawa. Nagreply si Ryu na mag-ingat daw ako. Si Gero walang reply.

                Yong fave bar namin ni Kara, sa Mugen. Maraming tao. Hindi ko na inabalang tingnan ang mga naroon. Drinking station ng bar. Umorder ako ng isang margarita at tequila naman ang kay Kara. Nakadalawang baso na ako. Lumingon ako sa mga sumasayaw.

                Si Gero? Si Gero ba ang nakikita kung nakaupo? Pumikit ako at umiling. Madami na yata akong nainom. Lumagok pa ako sa aking hawak hawak na baso. Tumingin ulit ako. Wala na siya doon. Natawa ako. Hallucination! Pati ba naman dito susundan mo ako Gero? Umorder pa ako ng isang baso. Saka isa pa. At isa.

Love the way you LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon