XVIX

19 1 0
                                    

                       TWO TIMER? PLAYER? ANO BA DAPAT ITAWAG SA AKIN? HABANG INAALAGAAN KO SI RYURI NA EX KO, NAKIKIPAGKITA AKO KAY GERO NA BOYFRIEND KO NA. KASALANAN KO BANG MAHALIN KO SILA NG PANTAY? HINDI KO BA SILA PWEDENG MAHALIN NG SABAY? AYOKO SILANG MAWALA PAREHO, KASI PAREHO SILANG MAHALAGA SAKIN. ISANG NAKARAAN NA AYAW KONG BITAWAN AT KASALUKUYAN NA AYOKONG PAKAWALAN.

                Saturday. A month after Gero’s birthday. First monthsary namin. Masaya, sweet, memorable and unforgetable. Ganun ko ihahalintulad ang unang buwan ng relasyon namin.

                Baby, may pupuntahan kami ng mommy ko ngayon eh. Si Gero.

                Aaa. Ganun ba? Sige. Dito lang ako sa bahay.

                Babawi ako bukas baby ha, lalabas tayo.

                Okay baby.

                I love you.

                I love you too.

                Nadismaya ako. Nakalimutan ba niya? Hindi ganun si Gero. Hindi ba siya nagcecelebrate ng monthsary? Duh! Tumunog ang phone ko. Baka tumawag ulit si Gero at igregreet ako. Si Kara. Nadisappoint ulit ako.

Yez, couz?

                May gagawin ka couz? Samahan mo naman akong magmalling. Bored dito ee.

                Sige.

                Naligo, nagbihis at lumabas ng bahay. Bago sumakay ng taxi, itenext ko si Ryuri.

                MALL AKO BOO. SAMA KA?

                GAWIN MO DOON?

                WATCH MOVIE, BORED EH.

                SIGE. SUSUNOD AKO.

                Buti naman at sumama si Ryu. Ilang buwan din siyang di nakalabas ng bahay dahil nagpagaling siya sa mga natamo niyang sugat. Pag may bakante akong oras, hindi ko siya nakakaligtaang bisitahin.

                Nagkita-kita kaming tatlo sa mall. Pumasok sa loob ng sinehan, pinili naming panoorin yong Twilight Saga Breaking Dawn Part I Extended. Pareho kasi kami ni Kara na avid fans ng Twilight Saga.

                Magkatabi kami ni Ryuri habang sa bandang kanan ko naman si Kara. (Alam ni Kara yong tungkol kay Gero at Ryuri, minsan kinagagalitan niya ako pero wala din naman siyang magawa.)

                Niyakap ako ni Ryuri habang nanonood kami. Paminsan-minsan humahalik siya sa aking buhok. Amoy na amoy ko ang pabango ni Ryuri. Hindi pa din nagbabago ang amoy na yon. Napangiti ako. Tinitigan ko siya. Tumingin din siya sa akin. Dinampian niya ako ng halik sa labi. Tinugon ko din naman yon. Humigpit ang kapit ko sa kanyang kamay.

                Naisip ko. Hindi ko kayang mawala si Ryuri. Mahal ko siya, mahal na mahal.

                Matapos kaming manood ng sine. Napagdesisyunan naming doon na maghapunan. Bumaba kami gamit ang escalator. Napadaan kami sa isang marangyang restaurant na yon sa mall. Yon na yata ang may pinakamahal na pagkain na sineserve sa lugar na yon. Minsan na kaming kumain doon ni Gero. Hindi na ako pumayag na kumain ulit doon dahil nalula ako sa mahal ng presyo.

                Napatingin ako sa loob noon. Si Gero? Si Gero ba yon nakaupo sa table na yon? O nagkamali lang ako. Tiningnan ko ulit. Si Gero nga at may kasamang babae. Ang mommy niya? Pero hindi. Babae na kasing edad niya lang. Maganda at maputi. Pamilyar na mukha. Inalala ko kung saan ko siya nakita. Sa hospital. Yong nakabangga kay Ryuri.

                Bakit niya kasama si Gero? Magkakilala? Bakit hindi niya ipinakikilala sa akin ang babaeng yon. Sa party, nakita ko din silang nag-uusap noong pumunta ako sa ladies room.  Ibang-iba ang titig sa kanya ni Gero, parang ang tagal na nilang magkasama, matagal na silang magkakilala. Hindi ko na pinansin o tinanong yon kay Gero sapagkat ayokong mag-away kami o nagtalo dahil birthday niya yon.

                Ayos ka lang ba boo? Tanong ni Ryuri.

                Oo. Tipid kong tugon.

                Hindi mo ba nagustuhan yong movie? Matamlay ka ata. Pansin ni Ryu.

                Masama lang pakiramdam ko. Malamig kasi sa loob ng movie theatre. Pagsisinungaling ko, ayoko malaman niya yong tungkol kay Gero.

                Sige, uwi na tayo agad pagkatapos natin kumain. Ayos lang ba yon Kara? Baling niya kay Kara.

                Tumingin si Kara sakin. Oo naman. Sagot niya sabay ang isang tingin na kami lang nagkaintindihan ni Kara. Marahil nakita niya din si Gero.

                Hindi ko alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko. Nagseselos ba ako sa babaeng yon? Bakit pa kailangan magsinungaling ni Gero? Sabi niya kasama niya ang mama niya. Maybe, i will call him later to clarify things.

                All i wanted right now is to have a great diner. Forget bad and unwanted ideas na lumilipad sa aking utak. Baka kaibigan niya lang yon Keesh. Wag ka ngang OA! Galit ko sa sarili ko.

                Matapos kaming kumain ay inihatid na ako ng Ryuri sa bahay. Umalis na din siya agad matapos akong makapanhik sa loob.

                Balisa pa din ako sa mga nakita ko sa mall. Tinawagan ko so Gero.

                Kamusta lakad baby?

                Ayos lang naman baby.

                Dadaan ako dyan mamaya ha.

                Bakit?

                Basta!

                Sige. Saan ba kayo pumunta ng mommy mo kanina? Diniinan ko ang mommy na word.

                Sa isang mahalagang appointment baby. Business matters.

                He’s lying! And for the first time, i wanted to shout at him at bagsakan siya ng phone. Pero nagpigil ako, pinilit kong magpakatatag.

                Baby?

                Yes?

                I love you baby.

                Hindi ko kayang tumugon. Mahal mo nga ba ako? Bakit kailangan mong itago yong tungkol sa babaeng yon? Hayst!

                Later baby, may gagawin pa ako ee. Pagsisinungaling ko.

                Sige. Pagbaba niya ng phone, nahulog ang masasaganang luha sa aking mga mata. Hindi ko na napigilang umiyak.

Love the way you LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon