Kayo Na?!

24 0 0
                                    

Kayo Na?! (One-Shot)

Akala ko ba, ako ang gusto mo?

Akala ko, ako ang liligawan mo?

Minsan nga, pabulong mo pang sinabi na mahal mo ako.

Isa na lang naman ang hinihintay ko e. Yung maging exclusive tayo... yung ligawan mo ako... yung panindigan mo yung sinabi mong mahal mo ako. Hindi naman kita pahihirapan e.

Mahal din kasi kita.

Kaya lang, nakita kong may ka-holding hands ka na. Tinanong kita kung bakit magkahawak kayo ng kamay. Ngumiti ka. At sa ngiti mo pa lang na yun, alam ko na.

Kayo na pala.

***

Best friend ko na si Jake mula pa nung pre-school kami. Hindi ko na nga matandaan kung pa'no kami naging magkaibigan e. Ang natatandaan ko lang, lagi ko syang katabi noon. Tapos, ewan. Basta, hindi na kami mapaghiwalay.

Naaalala ko din, kambal-tuko pa yung tawag sa amin nung mga kaklase namin noon. Umiyak pa nga ako nung una kong marinig yun e. Tapos, eto namang si Jake, nung makita nyang umiiyak ako, aba't hinamon ng suntukan yung nang-aasar sa amin! Take note, pre-school pa kami nun. At mas malaki yung hinamon nya kesa sa kanya.

Siguro, hindi ko na kailangang sabihin kung sino ang nanalo. Malamang yung hinamon (o, ayan, nasabi ko tuloy >.<). Ang liit pa kaya ni Jake nun at halos twice ng size nya yung hinamon nya.

Pero okay lang. Mula kasi noon, ramdam na ramdam kong may pro-protekta na sa akin.

Naging super friends kami hanggang third year college. Oo, masakit mang sabihin pero may katapusan din yung friendship namin. Umangat kasi ng isang level yung relationship namin mula nung umamin na sya...

***

~Her POV~

Nandito kami ngayon ni Jake sa isang beach resort. Bigla kasi syang nagyaya na mag-swimming. Nagtataka man, sumama na din ako.

Tahimik lang kaming naglalakad sa buhanginan habang pinapanood yun sunset kaya naman nagulat ako nung bigla syang magsalita.

"Lexi, m-may sasabihin ako. P-pero sana, walang magbabago sa atin. H-hindi ko na kasi kayang itago e," sabi nya habang ninenerbyos na nakatingin sa akin. Kinakabahan ako. Aalis na ba sya? Iiwan na ba ako ng bestfriend ko? Kaya ba nya ako inaya dito, para magpaalam?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon