Nagpa-panic na lahat ng mga pasahero. Gumegewang-gewang na yung eroplanong sinasakyan namin.
"... again, ladies ang gentlemen... don't panic. Please get your safety parachute vests on the compartments above your seats..."
Kanina pa nagsasalita yung flight attendant pero parang walang nakikinig. Yung iba, nakakapit na lang sa mga pwedeng kapitan at nagdadasal. Tanggap na kung anong mangyayari...
Yung iba namang desidido pang mabuhay, nakipag-agawan ng vest sa iba pang mga pasahero.
Hindi ko na kailangan pang espilingin. Kulang sa vest. Sa halos 150 na pasahero, kalahati lang ang nakakuha ng vest. Sa madaling salita, halos kalahati lang din ang may pag-asang mabuhay.
At isa ako sa mga pinalad na makakuha ng kapirasong pag-asang yun.
Magkahawak kami ng kamay ng katabi kong babae. Ang totoo, hindi ko sya kilala. Pero sa mga oras na to, kahit na sino kakapitan ko. Pareho kaming nakapikit at nagdadasal. Ang higpit ng pagkakahawak namin sa isa't-isa na pakiramdam ko e mababali na yung mga buto ko sa kamay pero wala akong pakialam.
Because when you realize that you are already hopeless, you just stop struggling and pretend that you don't care anymore.
"... blessed art thou among women..."
May tumulong luha sa mga mata ko. Ayoko pang mamatay... nangako pa akong papakasalan si Bryle...
Ang dami ko pang gustong awin sa buhay ko...
Pangarap ko pang maging ninang ako ng mga magiging anak ng bestfriend kong si Sophie...
"... holy Mary, mother of God..."
Ilang minuto na lang at babagsak na yung eroplano. Hindi ko alam kung saang lupalop na kami ng mundo. Puro dagat ang nakikita ko. Pacific Ocean siguro. O china sea. Hindi ko na alam.
Pero ang sigurado, dyan kami babagsak.
"... Baby, don't cry...." narinig kong sabi ng isang babae sa likod ko. Umiiyak sya... pero may pinapatahan din sya...
Lumingon ako at nakita ang isang babae habang inaayos yung straps ng vest sa anak nya. Nasa mga late twenties na sya habang yung anak naman nyang babae e nasa edad seven to eight.
"... don't worry... I'll be right behind you, honey..." alo nya ulit sa anak nya.
Alam kong alam nya kung anong mangyayari sa kanya. Pero pinipilit pa rin nyang i-assure yung anak nya.
"... promise me you'll be brave, okay?" tanong nya sa anak nya. Tumango naman yung bata kahit patuloy sa pag-agos yung luha sa mga mata nya.
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories
Novela JuvenilCollection lang po ito ng mga one-shot stories na nagawa ko. Sana po ma-enjoy nyo. Thank you po :)