The Hybrid: 31

658 27 2
                                    

[Allyson]

"Tama na! wag mo po ako patayin!" pag kukunwari ko, maya maya lang ay tumigil siya sa pag inom ng dugo ko at bumagsak ako sa lapag para kunwari nang hihina ako, nakatingin lang ako sa kanya habang nilalasap ang dugo ko


"masarap ang dugo mo.. kakaiba ang lasa.." sabi niya.. papalapit na sana siya sa akin pero bigla siyang tumigil at nakatingin lang sa leeg ko.. Kita sa mukha niya ang pagkabigla

"bakit nag hheal ang leeg mo?! may nainom ka bang dugo ng bampira?? pero imposible! wala akong nalasahan na dugo ng bampira! imposible din na bampira ka dahil hindi lasang bampira ang dugo mo" sabi niya sa akin, then napahawak siya sa leeg niya at tyan na parang masakit ang tyan niya, tumayo na ako ng maayos mula sa pag kakahiga at tinignan siya

"masarap ba? naenjoy mo ba ang dugo ko? ang dugo ko na may lason ng werewolf?" tanong ko habang pinapaikutan siya, kitang kita sa mukha niya na nasasaktan na siya dahil pag ang lason ay kumalata sa katawan mo ay masakit, onti onti kang pinapatay


"imposible!" pagkasabi niya nun ay sumuka siya ng dugo, yung dugo na nainom niya mula sa akin, kahit na naisuka niya iyon yung lason na nasa dugo ko na nainom niya ay naiwan na sa loob ng katawan niya.. ang lason na iyon ay parang epoxy, didikit na ito sa mga bahagi ng katawan mo at inuubos ang mga lamang loob mo..


"posible, kahit anong suka mo dyan sa nainom mong dugo ko yung lason ay naiwan na sa loob ng katawan mo kaya wala ka nang magagawa.. kung gusto mong mabuhay pa ng matagal.. hmmm.. let me think ano ba ang pwede mong gawin? wala din ata kasi pag pinainom ko sayo dugo ko mas malalason ka lang.. mapapadali ang pagkamatay mo.. if i were you magpakamatay ka na lang" sabi ko then tinulak siya sa gilid at pinuntahan agad si Chloe

"Chloe.. gising na.. Chloe anong nangyari sayo?" sabi ko habang niyuyuog siya para magising, napansin ko na basa ang hita niya at medyo malapit pagtingin ko sa kamay ko may dugo.. may sugat siya sa hita! kinagat ko ang wrist ko at itinapat agad sa bibig ni Chloe.. maya maya lang ay naramdaman ko na parang iniinom na niya ang dugo ko the umubo siya.. gising na siya..


"Chloe.. thanked God you're awake.. Let's go.. We need to get out of here habang wala si.." naputol ang sasabihin ko ng biglang may magsalita.. and I know that voice

"going somewhere?" Si Raven, I was expecting this pero I expect na mamaya pa siya lalabas


"Leave them alone Raven, ako ang kailangan mo diba? Nandito na ako.." sabi ko then kinuha niya si Chloe sa akin tapos hinagis niya ako sa gilid ng kwarto, masakit sa likod ha.! Tumingin ako sa kanya at uminom ng dugo ni Chloe, nandoon pa yung dugo ko.. malalason kaya siya?


"Aaaahhhh!!!!! Tama na nasasaktan na ako!" Sigaw ni Chloe, after niya uminom ng dugo ni Chloe ay hinagis niya papunta sa akin si Chloe buti na lang dumating si Clyde para masalo niya si Chloe, after niyang masalo si Chloe ay sumugod agad ako kay Raven at ibinagsak siya sa lapag, nakahawak sa leeg ko naman si Raven.


"Kahit hybrid ka, alam ko kung saan ang weakness mo.. simple lang naman ang hinihiling ko sa inyo ni Clyde.. Ang maibigay sa akin ang dugo niyo, para naman maging immortal ako at mas makapangyarihan sa inyo!" Kitang kita sa mukha niya ang mga ugat na nag lalabasan , ang mapulang mata niya maya maya lang ay nabitawan niya ako dahil nawala siya bigla sa harapan ko.. hawak na pala siya ni Clyde at binabalibag na siya sa bawat sulok ng kwarto, sumugod na din ako para matrap namin si Raven, nakita ko na mabilis na hinagis ni Raven si Clyde sa kabilang sulok ng gym at napahandusay na lamang si Clyde ako naman ay hinawakan siya sa leeg at ibinalibag sa lapag pero nakagat niya ang kamay ko na ikinagulat ko


"Raven! *cough* *cough* Wag!!!" Sigaw ng babaeng unang kumagat sa akin.. After niya akong kagatin ay hinagis niya ako sa may bintana at bumagsak.. sunod naman na ikinagat niya ay si Clyde, napasigaw na lamang si Clyde at naitulak si Raven papalayo.. Nag palit agad ng anyo si Clyde, naging werewolf siya.. Bago pa makaatake si Clyde ay bigla ulit bumalik sa anyong tao si Clyde at sumisigaw

"Ahhhhh!!!! Wag ako!!! Si Raven!!!!" Huh??? Akala ba niya na ako ang nag papasakit ng ulo niya?? Tumakbo agad ako kay Clyde para maitayo at mailayo siya doon ng biglang lumabas ang hindi ko inaasahang tao.. Anong ginagawa niya?!

_____________________________________________________________________________________

★★YES I KNOW NA MATAGAL ANG UPDATE.. WRITERS BLOCK AKO EE.. KITA NAMAN DIBA NA ONTI LANG NAISULAT KO.. SORRY NA..

MAPAPATAWAD NIYO PA BA AKO ? :)

The HybridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon