The Hybrid: 9

1.7K 43 3
                                    

[CLYDE'S POV]

Hay naku.. ang Kuya ko talaga walang ibang alam kundi manlandi ng babae para makuha ang loob nila, parang ako lang pala, ganun ginagawa ko para mainom ko dugo nila.. Umalis na ako sa pwesto nila dahil landian ng landian, pumunta ako sa may living room at kumuha ng baso at nilagyan ito ng dugo, mas masarap pag galing sa katawan or from the veins, nung nakakuha na ako ay umupo ako sa may sofa at uminom ng uminom, maya maya lang ay narinig kong nasa sala na si Kuya Raven..

"bakit mag isa ka lang?? nasaan si Brandy?" tanong ko kay Kuya Raven

"ayun hinayaan ko muna siyang maghanap ng kanyang makakain" sagot sa akin ni Kuya Raven

"ah.. saan mo nakuha yung singsing?? ang alam ko wala ka ng mapag kukuhanan ng daylight ring sa London" tanong ko kay Kuya Raven

"I did not bought that in London, I bought that an hour ago here in Manila" 

"where exactly here in Manila?" tanong ko kay Kuya Raven sabay tayo sa kinakaupuan ko.

"malapit sa school na pinapasukan mo, Madam Louisa's Craft Shop, akala ko nga wala ng witch ang natitira sa mundo, now I know there is one left, and now I've also known na ang vervain ay nakarating na din dito sa Pilipinas" sabi sa akin ni Kuya Raven habang tinitignan ang kamay niyang parang may sugat.

"anong nangyari dyan sa kamay mo?" tanong ko kay Kuya Raven, ilang sandali lang ay nawala na yung paso ata yun sa kamay niya.

"I got so hungry kasi kanina eh then may nakita akong sasakyan, humarang ako sa sasakyan para lumabas siya, lumabas nga.. grabe bro! magandang babae siya pero gutom lang talaga ako kaya sinunggaban ko na pero paghawak ko sa kanya sumakit yung kamay ko, yung bracelet niya may vervain" paliwanag sa akin ni Kuya Raven.. sino kaya itong babaeng dapat niyang kainin? saan ko ba matatagpuan si Madam Louisa...

[ALLYSON'S POV]

grabe naman sa kapal itong libro na ito, ang daming facts about vampires, they burn under the sun, their eyes turns red , fangs grew longer when they were about to attack people, they have strong body 10x stronger, their 10x fast, they can control minds or compel people.. tsss.. dami.. may nabasa pa nga ako na may pinanganak para maging vampire.. hmm that's enough information about vampires for me..

*TOK TOK TOK*

Hala! sino naman ito?? tinago ko kaagad ang libro na binili ko kasi baka makita ito ni Lola.. tinago ko yung libro sa isa sa mga cabinet ng study table ko na may lock, nung naitago ko na ay nilock ko na ito agad.

"pasok" sigaw ko sa tao sa labas..

"Ally, bakit hindi ka pa kumakain? sabi ni Daniel may binabasa ka daw na libro.. anong book iyon? binili mo daw sa may school niyo" tanong sa akin ni Lola Agnes

"ah Lola hindi ko po nabili, yung binabasa ko po na libro ay related po sa school" palusot ko kay lola

"ah ganun ba?? kumain ka muna, anong oras na eh.." sabi sa akin ni Lola, tumango na lamang ako bilang pag sangayon kay Lola, lumabas at sinara na ni Lola ang pinto ng kwarto.. Ayoko munang malaman ni Lola ang lahat tungkol sa ginagawa ko lalo na sa paghahanap ko ng information about vampires..

ilang sandali lang ay bumaba na ako at pumunta sa hapag kainan para kumain.. Nakita kong nandun pa si Daniel at Lola Agnes, si Daniel kumakain pa samantalang si Lola Agnes ay gumagawa naman ng Baked Alaska.. hmmmm!!! sarap yun para mamayang gabi ata iyon..

"oh ate, kamusta naman yung pagpunta mo kay Madam Louisa?" tanong sa akin ni Daniel, ilang saglit lang ay may narinig akong nalaglag galing sa pwesto ni Lola, pagtingin ko kay Lola ay mukhang namumutla siya at tulala..

"Lola ok ka lang po ba??" tanong ko kay Lola

"lola, ano na po nangyari sa inyo? bakit po kayo tumigil sa pag kain??" tanong naman ni Daniel

"s-sinong Madam Louisa?" kinakabahang tanong ni Lola Agnes

"ah, siya po yung may ari ng craft shop na malapit sa school, dun ko rin po binili yung bracelet na ito oh.." sabi ni Daniel sabay taas ng kamay niya na may bracelet, napansin ko naman na parang nakahinga ng maluwag si Lola Agnes

"meron nga din po si ate pero bigay iyon sa kanya ni Madam Louisa" nakita ko na lang na tumango si Lola at tumayo sa kinakaupuan niya, pumunta siya sa may cabinet kung saan nakalagay ang coat niya, bag at susi.

"saan kayo pupunta Lola?" tanong ko kay Lola Agnes 

"a-ah n-naalala ko tumawag sa akin kanina, bibilhin yung lupa sa may makati, aasikasuhin ko lang.. I-I'll be back soon, ingat kayo dito.." sabi sa amin ni Lola Agnes at hinalikan na kami sa aming noo, nag paalam na rin kami at lumabas na si Lola.. hmmm.. anong meron kay Lola at parang hindi niya inaasahan ang lahat ng nangyayari sa amin lalo na ng malaman namin yung Madam Louisa's Craft Shop? there is really something fishy about this....

_____________________________________________________

WELL THAT'S CHAPTER 9.. ALAM KONG BORING PERO PAGTYAGAAN NA LANG PO..

READ. VOTE. COMMENT

The HybridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon