The Hybrid: 34

900 26 5
                                    

CLYDE'S POV

"Francis?"

gulat na sabi ni Allyson, si Francis yung star player ng Eastern High, isa siyang witch?? pero teka! parang iba ang aura niya.. hindi pang witch pero alam ko may kakaibang kapangyarihan ang meron siya..

"excuse me, kailangan ko si Allyson" nung sinabi ni Francis iyon ay humagis si Daniel papunta sa gilid ng kwarto, napahiga naman siya. Nung pumasok na siya sa loob ng kwarto ay siya naman ang humagis dshil ginamit ni Allyson ang powers niya. Iba na ang itsura ni Allyson, nakakatakot na siya dahil ang buong mata niya ay pula na, wala ng itim hindi na kilala ang mukha niya.. Dapat ko siyang pigilan sa pag gamit ng powers dahil pwede siyang mamatay sa ginagawa niya..

"Allyson, wag mo na gamitin powers mo, baka ano mangyari sayo! kami na bahala sayo, umakyat ka na sa attic!" sabi ko ngunit hindi naman nakinig sa akin si Allyson, tinignan niya si Francis ng masama at nakarinig kami ng tunog ng buto. Napatingin naman ako kay Francis at nakita ko na bali na ang kanyang leeg, pinatay siya ni Allyson sa simpleng pag tingin lamang, gumagamit siya ng malakas na kapangyarihan! Maya maya lamang ay pumasok na si Raven dito sa loob ng aming kwarto, ngumiti naman siya sa amin ng nakakaloko..

"come with me love.." sabi niya pero tinignan lang siya ni Allyson ng masama at parang may sinabi na spell at biglang sumuka ng dugo si Raven..

" layuan mo ako! hinding hindi ka makakalapit sa amin ng anak ko!! papatayin kita!" galit na sabi niya, kinuha ko naman siya agad at inalalayan paplabas ng bahay dahil kailangan ko siyang itakas dito, hindi na siya safe kahit iakyat ko siya sa attic, nakita ko na ang dami ng namatay na bampira at mga witch sa labas na patay na, sa tingin ko ay kami na lang ang natitira dito sa bahay, hindi ko na din makita ang tatay ni Allyson..

habang nag lalakad kami papalabas ni Allyson ay bigla siyang nang hina.. Hindi ko alam kung ano na nangyayari sa kanya, nagulat na lamqng ako ng tumulong na sa amin si Daniel sa pag alalay sa ate niya sa paglabas dito sa bahay.

"sige na Daniel, mauna ka na, tignan mo kung mayroon pang natitira sa labas! kaya ko na ate mo" sabi ko, dali dali naman si Daniel sa pag labas upang macheck kung may natitira pa ba sa labas. Habang inaalalayan ko si Allyson ay bigla siyang napasigaw, nagulat naman ako dahil dinudugo na siya.. Manganganak na ba siya?!

"AAAAAHHHH! ANG SAKIT NG TYAN KO! CLYDE! LALABAS NA SIYA! AAAAHHHHH!!" sigaw niya, nataranta naman ako at binuhat na siya papunta sa taas, hindi ko na siya mailalabas lalo na't sa kalagayan niya. Tinawag ko na din si Daniel dahil kailangan ko ng mag babantay habang nanganganak si Ally

"Daniel! bantayan mo ang bahay! manganganak na ang kapatid mo! kailangan ko na siyang asikasuhin!" sinunod naman ni Daniel ang utos ko at agad ko ng inakyat si Allyson, inihiga ko na siya sa kama at inihanda ang panganganak niya, namumutla na si Allyson at naamoy ko na hindi na bampira ang dugo niya, tao na siya.. kaya pala sobra na siya kung masaktan..

pinunit ko na yung pang ibaba niyang suot at ibunuka na ang hita niya, napansin ko na pwede na lumabas ang bata kaya inutusan ko na siyang mag push.. agad agad naman umiri si Allyson, umiiyak na siya sa sobrang sakit, nakikita ko na yung ulo ng anak ko..

"sige pa Ally, push!!! malapit ng lumabas!!" sa pangalawang pagkakataon ay umiri a si Allyson ng sobra at nailabas na niya ang bata.. Isang babae ang anak namin ni Allyson, umiiyak na ito at naluluha ako dahil nakita ko ang anak ko.. Napatingin naman ako kay Allyson at bigla siyang sumigaw

"WAG!!!" sigaw niya, pag lingon ko ay nakita ko si Raven at biglang lumiwanag, napapikit ako sa sobrang liwanag, makalipas ang 5 segundo ay napadilat ako at nakita ko na abo na lamang si Raven at si Allyson ay wala ng buhay.. Natulala ako sa nakita ko, naiwan sa akin ang anak ko, wala siyang nanay.. Naluha ako sa nakita ko dahil ang babaeng pinakamamahal ko ay nawala na lamang sa loob ng 5 segundo pagkatapos kami iligtas kay Raven..

Umakyat naman agad si Daniel at Annika na galing sa gubat, nagulat sila sa nakita nila na walang buhay na si Allyson, lumapit naman agad si Daniel at niyakap ang ate niya habang umiiyak..

Ito ang pinakamasakit na araw para sa amin dahiĺ ito ang araw na nawala sa amin si Allyson.. Ang Mama ni Bernadette..

The HybridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon