The Hybrid: 10

1.7K 45 3
                                    

[THIRD'S POV]

makalipas ang 45 minutes ay nakarating na din si Agnes sa Madam Louisa Craft Shop, pumasok siya agad agad dito at dumeretsyo sa counter, sumalubong sa kanya ang isang babae na mukhang nasa 30 or 40 plus ang edad, maganda ito kaya nagtanong na agad si Agnes bago pa makapag salita ang babae..

"nasaan si Louisa?" tanong ni Agnes sa babae

"ako po si Louisa, ano po ang kailangan niyo sa akin?" mabait na tanong nung babae kay Agnes

"ikaw ba ang nag bigay ng bracelet sa aking mga apo?" tanong naman ni Agnes, medyo naguluhan ang babae

"isang lalaki at isang babae po? opo ako po nag bigay pero hindi po ako ang gumawa nun kundi nanay ko po" nakangiting sabi ng babae

"nasaan siya? gusto ko siyang makausap" sabi naman ni Agnes na parang nag mamadali..

"ano po ang kailangan niyo sa aking nanay? ayaw niya po kasing makipag usap sa iba eh" sabi naman ng babae,medyo nainis na si Lola Agnes kaya nag pakilala na siya sa babaeng nakatayo sa may pinto papuntang likod bahay..

"pakisabi ako si Louisa Agnes Breckett, kapatid ko si Louisa Flora Breckett- Hustisyo, ikaw ang nag iisa kong pamangkin na si Louisa Angela Breckett Hustisyo, wala kang asawa pero may anak ka.." derederetsyo na sabi ni Agnes sa babae, nagulat naman ang babae dahil hindi ito makapaniwala na buhay pa ang kanyang Tiya Agnes..

The HybridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon