Kabanata 27

26 2 1
                                    

Halos dalawang buwan na ang lumipas mula nang niligawan ako ni Dariel, sa loob din ng dalawang buwan na iyon ay sinikreto rin namin sa lahat. Buti ay walang nakahuli sa aming dalawa kapag umaalis kaming dalawa. Ngayon ay hindi kami aalis dahil may kailangan niyang magpunta sa Maynila. Ang sabi niya mag-a-apply daw siya ng scholarship para sa susunod na taon tapos kapag nakapasa siya ay doon na raw siya mag-aaral pero sa susunod na taon pa naman iyon kaya sabi niya sa akin ay huwag daw muna akong mag-isip ng kung ano-anong bagay.

Napag-usapan na namin ni Dariel na i-sikreto ang tungkol sa panliligaw niya sa akin, sumang-ayon naman siya dahil ayaw din niyang may maka-alam. Alam ko namang mahirap dahil baka may makakita sa amin kapag umaalis kami pero hindi naman siguro mangyayari na malaman ng lahat ang tungkol sa amin.

Nakauwi na rin ang mga kapatid ko pati sina Dad at Mom dito sa mansyon. Si Ate Katherine naman ay nakalabas na ng hospital pero kina Kalia siya tumutuloy dahil ang sabi niya ay ayaw niya munang umuwi sa kanila, buti pinayagan ni Tita Livia na Mama ni Kalia si Ate Katherine na roon muna tumuloy ang pinsan namin.

Narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko para pagbuksan ang pintuan kung sino man ang kumakatok. Binuksan ko ang pintuan ay tumambad sa akin ang dalawa kong kapatid na nakangiti, nagulat ako nang biglang ipulupot ni Ate Ezikiah ang braso niya sa braso ko habang si Ate Riana ay nakangiti.

Simula noong makabalik sila rito ay busy sila sa mga ginagawa nila, hindi kami nagkaroon ng time na makapag-usap. Sina Mom at Dad ay ganoon pa rin katulad ng dati na busy sa trabaho. Iniisip ko kung kailan kaya nila kami mabibigyan ng oras na magkakapatid, kahit sandaling oras lang.

Inaya ko na sina Ate na pumasok kami sa loob ng kwarto ko, pinauna ko silang pumasok at ako ang nagsara ng pintuan bago sumunod sa kanilang dalawa na nakaupo sa kama ko. Naupo ako sa upuan na malapit sa bintana ko, ito ang paborito kong inuupuan palagi dahil mahangin lalo na tuwing hapon.

"So, kamusta ka na Liana?" Tanong ni Ate Riana sa'kin, tumingin ako sa kanya saka ngumiti.

"Ayos lang, Ate." Sagot ko habang nakangiti. Tinignan ko ang cellphone ko para alamin kung may message na ba si Dariel sa akin, nang makita kong wala pa ay binuksan ko ang convo ng messages namin para mag-iwan ng mensahe sa kanya.

Sandali kong tinignan ang dalawa kong kapatid na nakatingin sa akin, parang inaalam ang gagawin ko sa cellphone ko. Inalis ko na ang tingin ko sa kanila at ibinaling ang tingin sa cellphone ko.

Nagtipa na ako ng mensahe para kay Dariel...

Adelaide: Nakarating ka na dyan sa Maynila? Tumawag ka sa'kin kapag nakarating ka na riyan, ah? Ingat ka.

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang ma-i-send ko iyon. Sana naman ay mag-reply siya sa akin ngayon o di kaya'y tumawag kung nandoon na siya sa Maynila, kanina lamang siyang umalis at limang oras na ang nakakalipas kaya dapat ay nandoon na siya.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko at nakita ko sa screen ko na tumatawag si Dariel kaya agad ko 'yong sinagot.

[Laide!] Rinig ko ang masiglang boses niya kaya napangiti ako.

Tumalikod ako kina Ate para hindi nila makita ang ngiti ko, hindi ko sila tinignan dahil alam kong nakatingin sila sa akin at mukhang nagtataka sa ikinikilos ko.

"Hello, nasaan ka na?" Halos pabulong ang pagtatanong ko niyon para hindi ako marinig ng mga kapatid ko.

[Maynila. Hindi kita natawagan kanina pagkarating ko dito, hindi ako nakapag-charge, eh pasensya na. Nakituloy lang ako sa Tita Livia ko rito tapos sa susunod na araw ako makakauwi. Ayos lang ba? Hindi mo naman siguro ako mami-miss, noh?] Narinig ko ang pagtawa niya kaya napatawa rin ako nang mahina.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon