CHAPTER ONE: The Revelation
“WHAAAAAAAAAAAAAAAAAATT??!!!!!” Malakas na sigaw ng tatlo kong bestfriends na sina Rhian, Lizzy, at Sharmz nang malaman nila ang balita tungkol sa akin. Nakakahiya sila! Ang lakas ng mga boses nila! Akala mo naman kung nakalunok ng megaphone eh! Lahat tuloy ng mga taong kumakain dito sa restaurant ay biglang napatingin sa direksyon namin. Nasira pa ata ang ear drums ko.
“Hinaan niyo nga yang mga boses niyo!" Saway ko sa kanila. "Kung maka sigaw naman, akala mo kung end of the world na!”
“EH KASI NAMAN YANNIE EH! LILIPAT KA NA! PARANG END OF THE WORLD NA NGA!” sigaw ni Eliza Marie Vargas. Sa kanilang tatlo, siya ang may pinakamalakas na boses. Palibhasa kasi, isipbata at medyo spolied brat. Nakakahiya lang. Kanina pa siya nagta-tantrums dito.
“OO NGA! LILIPAT KA NA NG SCHOOL! WALA NA KAMING BESTFRIEND!” Isa rin ito. Si Rhian Camille Torres. Mahiyain yan, boyish manamit pag nasa bahay nila, pero dalagang pilipina naman kapag nasa public places. Mahiyan siya. Sobra. Yun ay kung hindi kami ang kasama niya. Pero kapag kami ang kasama niya? Hindi uso sa kanya ang mahiya.
“AT SA CLARKSON ACADEMY PA TALAGA?! GHAD YANNIE!!” And the last, Sharmaine Acosta. A certified playgirl. Sa aming apat, siya lang yung maraming lalaki. Literal na maraming lalaki. Sobrang dami ng suitors niyan, pero hindi alam ng lahat. I mean, hindi naman kasi lantaran ang pagiging playgirl niya. Maingay rin yan. Pero matino rin naman minsan. Ewan ko lang ngayon.
Oo na. Ine-expect ko naman na ganito ang magiging reaction nila eh. Ikaw ba naman biglaang palilipatin ng school. Ako nga nagulat, sila pa kaya na walang kaalam-alam?
By the way, I haven’t introduced myself pa pala. Na-introduce ko na yung mga bestfriends ko, pero yung sarili ko, hindi pa. Sorry naman, ulyanin na ata ako eh.
I am Princess Zyannah Angela V. Gizon. 17 years old, at magfo-fourth year na. Anak ng isang mayaman at successful na business man. Si papa ay nasa abroad always, busy sa negosyo. Si mama naman ay isang sikat na Fashion Designer all over the Asia. Sikat ang family namin sa Business World kaya hindi ko na sila masisisi kung bakit napaka Over-protective nila. Sikat sila, pero ako, hindi. Ayoko rin naman kasi. Kaya nga hindi ako masyadong popular sa school (except the fact na sikat ako when it comes to academic activities). As much as possible, ayokong malaman nila na super duper yaman ng family namin. Sapat na yung alam nilang average lang ang kayamanan namin.
So, ayun na nga. Nandito kami ngayon sa isang sikat na restaurant. Niyaya ko silang lumabas dahil ibabalita ko sa kanila na lilipat na ako sa Clarkson Academy. Gulat sila, syempre. Pati rin nga ako, nagulat din eh. Bigla na lang kasing tumawag si Mama at sinabing okay na daw ang lahat. All set na. Ready na. Ako naman ay walang ka-idea idea na sa C.A Academy na pala ililipat.
Wondering why I don’t like it? Simply because Clarkson Adams Academy is one of the most well-known and prestigious school here in the Philippines. Sikat rin nga ata to sa ibang bansa kasi maraming mga students na galing pa sa states at pumuntang Pinas para lang makapag-aral sa C.A Academy. Maganda naman yung school eh. Malawak, kompleto sa facilities, magagaling ang mga nagtuturo, basta perfect package na school na. Kaso ang ayaw ko naman dun ay ang mga students.
BINABASA MO ANG
The Devil + The Angel = Love?
Teen Fiction"I will be the Devil that will love my Angel forever. And when I say forever, it means until the blind man sees an apple on a mango tree on the 30th of February."