CHAPTER 30: Was it just an accident? (Part 1)

9.4K 199 64
                                    

NOTE: Short Update po 'to. Kaya Part 1. :)

Lemuelle at the right :">

#=#=#=#=#=#=#=#=#

CHAPTER 30: Was it just an accident? (Part 1)

 

 

[Zyannah’s POV]

Hindi ako makasalita.

‘Di ko rin alam kung anong gagawin ko.

Hawak niya pa rin ako sa kamay.

Titig na titig siya sa akin, tapos ako umiiwas ng tingin.

“A-ano ba, Kent?!” Hindi ko na napigilang mapasigaw kasi naman humihigpit na yung kapit niya. Bumitaw naman ako bigla. Pagtingin ko sa kanya, “Ba’t ka naka-ngisi jan?!”

 

 

“Because you called me ‘Kent’ and I missed that.” Nakangiti pa rin niyang sabi.

*AHEEEMMM!!!*

“Alam niyo, ang sweet niyo pala. Kayo ba?” –Kuya Rey

 

“NO.” Sabay na sigaw naming dalawa.

Ngumisi nanaman ulit si Kent—I mean, Ck sa akin. Psh. Paglingon ko sa ibang mga tao, nakangiti lang sila. Lumingon naman ako kay Lem, and I saw him smile... sadly. Hala bakit kaya?

“Okay Okay! Tara Let’s start the shoot! Lemuelle? Kayo munang dalawa ni Zyannah! Bilis na, marami pa tayong gagawin eh.”

Lumapit na sa akin si Lemuelle. Si CK naman dun lang sa likod ng photographer. I guess, mamaya pa siya. Nagsimula na ang shoot. Pina-pose lang kami, sinabihan kung anung dapat gawin. May isang pose pa nga na sobrang lapit namin sa isa’t isa. First time kong mag model ulit. Noon kasi ginawa akong model ni mommy para sa new dress na design niya. Pero hanggang dun lang. Ayoko na maulit pa yun kaya ngayon lang talaga ako ulit nagmodel. And to think na yung crush ko pa yung model. >////<

“Oh Zyannah? Ba’t namumula ka?” –Kuya Rey

“A-ah wala po.”

 

“Okay, last pose. Lem, put your hands on her waist, then  titigan mo siya. Zyannah, put your hands on his chest. Then, look at the camera. Ayan. Good.”

The Devil + The Angel = Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon