BACK-TO-SCHOOL
Andrea's POV
Back to school na! Excited na excited ako para makita ang mga estudyante ng Nafaocha High School! Let me explain muna, hindi ako isang estudyante diyan, nag-seserve lang ako sa school canteen. Chinese School nga pala iyan pero ang ultimate crush ko, si Sofian ay hindi isang chinese, palakasan kasi dito.Five hours na ang inikot ng orasan, five hours na getting to know each other hanggang lunch time na.
"Ahhhhhhh! Nandito na sila. Nandito na ang 5NC!" sigaw ng isang babae. NC nga pala ang tawag sa sikat na boy group sa school. NC as in non-chinese. Ibig sabihin nandiyan ang aking crush. Dahil na dala na rin ako ng emosyon ko, nakipagsigawan na rin ako. Hanggang may isang babae na bumanga sa akin, naitapon ang soup na hawak-hawak ko at napahiya pa ako. Napahiya sa harap nilang lahat. Akala mo naman kung sino yung babaeng iyon. Mukha namang bakla. Iniabot ni Sofian yung kamay niya...iniabot ko rin yung sa akin... Pero sa girl na iyon niya iniabot."Hey babes, halikana!" sabi ni Sofian sa kanya. Ano daw babes? Oh my god! Oh my god! Binilisan ko nang tumakbo at baka maabotan pa ako ng BFF ko na si Anne. Ngunit tulad ng nakasanayan nahabol na naman niya ako.
(A-Andrea, An-Anne)
A- (umiiyak) Ang tanga-tanga ko talaga! Ang sarap kong pugutan ng ulo!
An- Tama na😞
A- Ang assuming ko lang kasi. Akala ko kanina sa akin niya iaabot yung kamay niya pero hindi pala, sa iba.
An- Alam mo ang pagmamahal ay hindi ibinabase sa nakikita. Dahil ang love ay isang abstract noun, di ba? Ibig sabihin hindi nakikita at nahahawakan, nararamdaman lang ng isang tunay na puso. Paano kung may deal lang pala yung love sa kanila, paano kung ang love nila ay concrete, nahahawakan at matigas. Walang word na love sa isang matigas na puso pati sa malambot. Dahil ang love lumilipad lang iyan sa hangin, umiikot sa dugo at nararamdaman ng mga tunay na nagmamahalan.
A- Salamat ah. Sige na mauuna na ako. Chat nalang tayo sa facebook.THE FB MESSAGE
Andrea's POV
Pagkauwi ko sa bahay, ini-open ko agad yung facebook account ko. Pagkabukas ko nito may markang 1 na ang aking notifications. Akala ko sesermonan na naman ako ni Anne pero ang nakita ko ay ang message mula kay Sofian.(Sofian: Hi Andrea, puwede ba tayong maglunch bukas.? Treat ko. Sorry gift ko lang sa iyo at pasasalamat na rin kasi pinagsisilbihan mo akong mabuti tuwing lunch time. Balita ko nga crush mo daw ako. Huwag kang mag-alala, may chance tayo. Sasabihin ko nalang yung rason sa iyo.)
OMG! May chance daw kami. Nag-oofer ng lunch. OMG! Nakakafeel ako ng isang unusual feeling. Why? Oh why? Pero paranng ayoko. Nakakahiya! Pero gusto na pala. Ay ayoko. Ay gusto. Ay ayaw. Ay gusto. That is my final answer. Kaya ni-replyan ko siya.
(Andrea: Ahhm, hello. Na-receive ko yung message mo at pupunta ako tomorrow. See you.)
Nagchat rin kami ni Anne.
(A- Bes, makikipag-lunch ako kay Sofian
An- Alam mo Bes, ang candy minsan sweet, madalas kayo.
A- Ikaw talaga, oh sige na. Bye!)FIRST DATE?
(S-Sofian)
A- Hi?!
S- Hi, nandito ka na pala umupo ka?
A- Ahh, hindi ba magagalit yung gf mo?
S- GF? Hindi no? At saka wala akong GF?
A- Eh bakit ka tinawag nung babaeng baklang yun na "babe"?
S- Sister ko siya. Babe kasi ang tawagan namin.
A- Ayy , sorry! (Ang OA ka talaga)
S-Speaking of GF...
A- (OhhMMMGGG! Ano to?)
S- Ahhm, puwede ba na ilagay mo ang singsing na ito sa plato ni Clarry.A- Ano? Akala ko ba ako ang mahal mo! Akala ko ba ha? Ano ka paasa? Ano ka? Oh my god! I-explain mo sa akin ito?
S- Ano ka ba? Joke lang yun. Ang sasabihin ko talaga, ang singsing na ito ay ilalagay ko sa plato ng gusto kung maging GF at ang platong iyon ay plato ng babaeng kaharap ko ngayon at ang ihaharap ko sa simbahan.
A- Ano?
S- Boys! Andrea, ikaw yung rason kung bakit everyday ay na-eexcite akong mag-recess at lunch. Andrea, pwede ba kitang maging GF?
A- Ha? O-o-o-oo naman.
BINABASA MO ANG
My EX is My BOSS
RomanceSino ang mas matindi kung magalit, ang taong galit o ang taong mabait? Ang taong mahal mo o ang taong mahal ka? Ang taong nagpakita na ng tunay na nararamdam o ang taong nagkikimkim ng emosyon? Alin ba sa mga taong ito ang taong mas dapat katakutan...