Chapter Two

2.7K 85 1
                                    



Nakakainis. Nang dahil sa nangyari kanina, hindi ko na tuloy natingnan kung saan ang first class ko.

Nasaan kaya si Alex?

"Hoy babae! Bakit ngayon ka lang? Tara na sa room." At eto na nga si Alex. Higit higit na ang kamay ko. Pero teka..

"Wait, you mean..."

"Oo na. Magkaklase pa rin tayo. Tara na!"

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Pagpasok namin sa room, ibinaba ko na ang bag ko sa upuan katabi ng kay Alex, na ni-reserved niya daw talaga para sakin. Pagkatapos, lumabas na kami para dumiretso muna daw sa general assembly.

"Bakit nakasimangot ka kanina?" Tanong bigla ni Alex habang naglalakad.

"Eh kasi naman. May lalaking bumunggo sakin kanina, hindi man lang nag sorry. Tapos hindi lang yun ha? Sabihan ba naman akong weirdo?! Mayabang!" Naiinis na saad ko.

Huwag ko lang talaga siya makikita. Sana di na mag-krus ang landas namin. Grabe, may ganong lalaki pala talaga 'no? Maganda lang panlabas na anyo pero yung kalooban? Nevermind.

"Baka naman tatanga tanga ka lang talaga kaya ka nabunggo? May pagka-lutang ka din kasi minsan eh.", at kasabay non ang pagkibit balikat niya.

"Kaibigan ba talaga kita?!" Singhal ko kaya tumawa na lang siya.

After of almost one hour, pinapasok na din kami sa loob ng respective classroom namin. Dun ko lamang napansin na yung ibang kaklase ko ngayon, naging kaklase ko na last year nung grade 11. Yung iba naman, hindi pa.

Ano daw kayang strand nung mga transferee? Saka anong section nila? Hmmm.

Nagkwentuhan muna kami ni Alex habang hinihintay ang magiging teacher namin sa first class. Well, 'eto din talaga madalas naming gawin kapag wala pang ginagawa, nagke-kwentuhan lang, tamang asaran mamaya hampasan, ganyan.

Hanggang sa may narinig kami ni Alex na nagkekwentuhan din sa harap lang namin.

"Dalawa naman pala yung transferee eh. Dalawang lalaki pa. Grabe, gaganahan lagi ako pumasok nito." At tumawa pa ng maharot yung isa.

"Ay oo nga. Tama ka diyan girl."

Mga pandit.

Nagkatinginan lang kami ni Alex at nagkibit balikat. Maya maya pa ay bigla namang dumating na yung teacher namin.

"Good morning Class!"

Nagsitayo naman kami at sabay sabay na bumati.

"Good morning, Sir Bautista." Sumenyas naman siya na pwede na kaming maupo.

"Okay. Welcome to STEM-12A. I'm hoping for a good school year together with you class. And yes, I will be handling your Physics class." Nakangiting saad ni Sir. Bakas naman sa mukha ng iba ang pagka-bahala dahil kilala si Sir Bautista na mahilig talaga mambagsak lalo na kung talagang pabaya ka sa klase niya.

Naputol ang usapan sa klase nang kumatok yung principal namin. Siyempre, bumati kami. Napansin naming may binulong siya kay Sir Bautista at lumabas silang dalawa.

Napuno saglit ng kwentuhan ang room at maya maya lamang ay bumalik na si Sir sa loob.

"Okay, class! Listen!" tumahimik naman ang lahat at hinihintay ang sasabihin na sunod ni Sir. "Since yung section niyo ang isa sa may kakaunting bilang ng students, the transferees will be added here in your section. Okay so, boys? Come in and kindly introduce yourselves to the class." At ngumiti naman si Sir sa pagpasok nung dalawang lalaking transferee.

Unlovingly Yours (Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon