Chapter Ten

1.6K 61 6
                                    


"Ms. Vice President, yung mga file daw. Kailangan na."

"Gaaaab! Nasaan na yung resibo ng mga pinamili?"

"Gab, kailangan mong bumili nito. As in now na."

"Hey, yung nga documents ng mga event i need it now."

Jusko!! Puro na lang Gab! Gab! hindi ko na nga alam kung sinong uunahin ko eh. 'Oo', 'sige' at tango na lang ang sinasagot ko. Ang hirap pala kapag Vice president ka na nga sa SC, project manager ka pa sa room niyo. Alas dos na pero di pa din ako kumakain. Maghapon na akong nandito sa loob ng SC Office. Ang daming ginagawa. Thursday pa lang yan ah, paano pa kaya bukas? Hindi ko na alam ang gagawin ko! Wala pa din akong maayos na pahinga. Nalipasan na rin ako ng gutom sa sobrang dami kong inaasikaso.


Nagsulat na ulit ako ng filed report. Ipapasa ko kasi ito kay Yesha para mai-compile na at mapapirmahan sa mga head.

Maya-maya pa, biglang bumukas yung pinto ngunit di na ako nag-abala pang tignan kung sino. Malamang naman mga officers lang din. Bawal naman pumasok dito ang hindi SC officers eh.

Nagulat na lang ako nang may sumundot sa pisnge ko.

"A-anong ginagawa mo dito Zither?!"

Ngumiti muna siya saka umupo sa tabi ko.

"Wala. Tatambay."

"Hoy alam mo bang bawal ka dito. Hindi ka naman—" naputol ang sasabihin ko nang pumasok si Ms. Sabrina, yung adviser ng SC Officers.

"Great. Nandito ka na pala Kyle. Well, Gab I want you to know that Kyle is the new External Representative of the Student Council. Nakalimutan kong sabihin sayo. Anyway, nasaan na yung filed report? Tapos na ba?" Tanong niya.

Nabalik naman ako sa ulirat at napatingin sa sinusulat ko.

"Ah, uhm, h-hindi pa po tapos."

"I need it before 3:00." Saka siya lumabas.

Napabuntong hininga na lamang ako saka tinignan yung isang patong ng mga folder na nasa harap ko.

"Ano yan?" Tanong ng katabi ko. Sumagot naman ako ng hindi lumilingon sa kanya at nagsusulat.

"Filed Report ng mga events"

"Diba president ang gumagawa niyan? President ka ba?"

"Hindi."

"Eh bakit ikaw ang gumagawa?"

"Eh ano magagawa ko? Yun ang utos edi gawin."

"So tino-tolerate mo ang laziness ng iba?"

Ang dami naman nitong tanong. Tsk. Pero... may point siya dun ah.

"Hindi." Sagot ko na lang.

"Eh bakit mo ginagawa yan?"

"Utos nga."

"Edi tino-tolerate mo nga ang katamaran ng iba?"

Teka, parang paulit ulit lang kami ah? Tsk. Pampalito talaga ang lalaking ito.

"Hindi nga—teka! Ano ba talagang kailangan mo? Kung mang-aasar ka lang tigilan mo muna ako, wag ngayon ang dami ko pang ginagawa.", sabi ko saka nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Ayoko. Kailangan nandito ako para mamotivate ang girlfriend ko."

I was stunned at a moment at ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko. Ilang araw na rin mula nung pumayag ako sa fake deal na gusto nya. Gustong gusto ko iumpog yung ulo ko sa pader nung gabi, ngunit wala. I just dropped my words off, kaya 'eto, kailangan ko panindigan.

Unlovingly Yours (Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon