Chapter Eight

1.8K 48 2
                                    




"Lex, doon lang ako sa likod. Hindi pa naman ako kailangan eh. You know, president pa lang ang mag-aassist. Ha?"


"Ah okay sige. Pero okay ka lang ba talaga?"

Ngumiti lang ako saka tumango.

Nagpunta ako sa may upuan ko at hinila papuntang bintana. Maganda kasi ang view dito, maaliwalas. Napapapikit nga ako eh. Ayokong tumingin sa loob ng classroom, kasi mas napapansin ko ang kasweetan nina Yesha at Lance.


Isa pa si Zither. Sa tuwing mapapatama kasi ang paningin ko sa kanya, madalas niya ako ngayong ngitian at kindatan. Napaka-weird niya, shuta.

Kung ganito siguro lagi ang makikita ko buong school year, naku talaga! Hindi ko kakayanin. Titigil na talaga ako mag-aral. Pero siyempre joke lang, hindi ako ganun katanga para sirain ang kinabukasan ko para sa kanila 'no.


Oo nga pala, 10:30 pa lang pero dahil maaga natapos ang mga clubs at hinihintay na namin ang result ng YL Officers, napagdesisyunan naming mag-usap usap na para sa darating na Mini Fair Week sa isang linggo. Bale ang pinag-uusapan namin ngayon ay yung pakulong gagawin namin for our section. Mamayang hapon kasi magsasama sama ang buong senior high students para pag-usapan naman ang pakulo na gagawin namin. Ang busy diba? Vice president pa naman ako, tapos si Yesha ang president.

Actually, marunong siya, magaling din mamuno kaya lang kasi bukod sa kaartehan niya, baka magtalo lang kami mamaya. Anyway, dapat naman walang personalan, kaya makikitungo ako ng maayos as SC Vice President.

Maghapon din sigurong hindi kami mababantayan ng mga teachers.

Sa ngayon, wala pa namang papel ang Project manager kaya bahala na muna sila. Yan pa pala ang isa. Partner ko na nga si Zither as Proj. Manager, makikipag-coordinate pa kami sa mga auditor. I mean, sa lahat ng project na gagawin for our section sa classroom, kailangang i-konsulta kina Lance at Yesha sila naman kasi ang auditor. See how ironic? Mag-sasama sama kaming exes. Tsss. Kakayanin ko yan. Ako pa ba?

"Hey!"

Napalingon naman ako sa nagsalita. It was Zither. Hindi ko na lang siya masyadong pinansin, kasi ayoko ng away.

"Hey, crybaby." Kahit sinusundot sundot na niya ako sa tagiliran ko, hindi ko pa din siya pinapansin. Kaya lang siyempre napapaiktad ako, may kiliti kaya ako.

"What do you want?", naiinis na tanong ko saka lumingon sa kanya. Napatawa naman siya.

"Relax! I'm not here to annoy you or something.", saka siya ngumiti. Huminahon naman ako sa tumingin muli sa bintana.

"Doon ka na, nananahimik ako dito.", sabi ko.

"Seatmates tayo di'ba? Tara na, tabi na tayo 'don!", sagot niya. Agad naman akong napalingon sa kanya at nakita ko siyang nakangiti.

Ang cringey ng inaakto niya ngayon. Mas gusto ko pa yatang nagba-bangayan na lang kami kaysa ganito siya.

"Look Zither, if you're acting that way because of what you're asking me earlier, just cut if off 'cause I probably still won't agree with it. Okay?", then tumalikod na muli ako.

"I'm not here for that. I just want to cheer you on.", sabi niya. Muli akong napalingon sa kanya, "I mean look at them, they're both happy."

Napatingin naman ako sa tinutukoy niya— Lance and Yesha. At nakita kong nagtatawanan nga ang dalawa. Binaling ko naman kay Zither ang inis ko.

"Ano bang gusto mong mangyari?!", tanong ko.

"Gabrielle, look at yourself. You're being grumpy and sad just because your ex and my ex are having this relationship shit. Whether ayaw mo na siya bumalik or hindi, atleast give yourself some pride na kaya mo din sumaya kahit wala siya.", sagot niya.

Unlovingly Yours (Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon