Chapter Nineteen

1.4K 56 3
                                    




Pagmulat pa lamang ng mata ko ay nakita ko na agad ang puting liwanag sa buong silid na kinakatayuan ko.

"Xaizie? Anak?"

Napalingon ako kay Nanay na nasa gilid ng kama ko. Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala sa kalagayan ko.

"Bakit po ako nandito sa ospital, Nay?" tanong ko agad nang mapansin ang nakatusok na dextrose sa kamay ko.


"Hindi kasi kinaya ng infirmary sa school niyo ang nangyari sayo. Kinse minutos kang hindi nakitaan ng pulso kahit naka-oxygen na kaya dinala ka agad namin dito sa ospital. Sabi ng doctor medyo masama ang nangyari sayo dahil ng asthma mo. Ano bang nangyari anak?" nakita ko ang ilang butil ng luhang pumatak sa mata ni Nanay kaya labis akong nakaramdam ng pagiging guilty.



Lagi na lang ba akong ganito? Mahina? Dinadala lagi sa clinic o ospital? Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ay ako pa ang nakamana ng asthma sa side ni Nanay.


Ayoko na rin na mag-alala pa siya kapag sinabi ko ang totoo. Ayokong pati si Nanay ay tumaas ang pressure ng dugo kapag nalaman niyang kinulong ako ng mga magagaling kong kaklase sa basement.


"Aksidente po kasi ako na na-lock sa basement, Nay. Kasalanan ko din po kasi hindi ako nag-iingat," sagot ko na lang, "Wag na kayo mag-alala, okay naman po ako. Thank you, Nay." saka ako ngumiti. Niyakap naman niya ako at hinalikan sa noo. Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala at kaba ni Nanay na siya namang ikinalungkot ko.



Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at nagulat kami sa biglang pagpasok ni Alex.

"Gabby?" naiiyak na sambit niya saka lumapit sa akin at niyakap ako, "Akala ko kung ano na ang nangyari sayo!!" sabi niya habang umiiyak.


"Lex, okay lang ako. Wag ka ngang umiyak diyan, buhay pa 'ko!" dinaan ko na lamang sa tawa para di masyadong malungkot ang ambiance.



"Siraulo ka!" pinunasan ko ang luha sa mukha niya nang bumitaw siya mula sa pagkakayakap sa akin, "Nag-alala ako sayo baliw ka!"

Napangiti na lamang ako, "Okay na ako," sabi ko.

"Maiwan ko muna kayo, anak. Kakausapin ko lang yung doctor." sabi ni Nanay na siyang tinanguan ko. Naiwan naman kaming dalawa ni Alex sa loob.

"Ano bang nangyari talaga sayo? Nagulat na lang kami nang malaman naming sinugod ka na naman sa clinic," sabi niya kaya medyo napaiwas ako ng tingin.

Hindi ko kasi alam kung tama ba na sabihin ko kay Alex ang totoo, tiyak mapapa-away na naman 'to.

"Aksidente lang—"

"Alam kong hindi. May nakakita kina Vivian na nanggaling sa way mula sa restricted area. Malakas ang kutob ko na sila ang nagkulong sayo doon!" at kita ko agad ang galit ni Alex sa pananalita niya, "Sila ba?!"

Napatingin ako saglit kay Alex, "Oo," sagot ko.


"Hindi ko mapapalagpas ang ginawa nilang ito, humanda sila sa akin!"


"Alex, wag muna tayo magpadalos dalos! Hindi natin pwedeng daanin sa pisikalan ang lahat. Ang mahalaga ligtas na ako," sabi ko na lang.


Unlovingly Yours (Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon