Kabanata 2
[ Aliyah's point of view ]
Kagaya ng sinabi ni Yno, yung lalaking nilapitan ko kanina ay ililibot niya ako sa hacienda ng mga Chavilire.
Pareho kaming nag lalakad at hindi ko mapigilan mapanganga ng makita ang isang part ng hacienda na punong puno ng napaka gandang bulaklak at napakagandang puno.
Tila ba ito ang garden nila at hindi yung tinatambayan namin ni Cassey "Grabe ang ganda!" namamangha kong anya.
Tumakbo ako sa isang puting rosas na nakatanim at hinawakan yun bago amoyin. Ang bango bango nito kaya kahit may tinik ay pinutol ko 'to dahilan para masugatan ako sa kamay.
"Aray..." daing ko. Mabilis na lumapit sakin si Yno at hinawakan ang kamay ko para tignan yung daliri kong nasugatan.
"Hindi mo dapat pinitas ang rosas, matinik yun kaya paniguradong masusugatan ka." nag aalala niyang anya bago dalhin ang daliri ko sa bibig niya at sinipsip ang dugo na siyang kinalaki ng mata ko.
"Ho-hoy.." sita ko kahit na namumula ang pisngi ko. Inosente naman niya akong tinignan tila baliwala lamang sa kanya yung ginawa niyang pag sipsip sa dugo ko.
"If Hercules will know this, I'm pretty sure he will be upset." pareho kaming napalingon ni Yno sa isang lalaki na nakasandal pala sa puno at nakatingin samin.
Kulay dark red ang mga mata niya na para bang dugo ito ng tao habang may pilat pa siya sa kaliwang mata na siyang mas lalong kinagwapo niya. Inalis niya ang sigarilyo sa bibig niya bago binuga ang usok nun.
"Senyorito Exodus." mabilis na yumuko si Yno pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Exodus at ngumisi lamang ito sakin.
Hindi siya nag tagal sa pwesto niya dahil umalis din siya. Sa pag kakaalam ko ay mag kapatid si Exodus at si Hercules katulad ng sinabi ni Cassey kaya hindi na nakakapag taka na pareho silang masungit at malamig makitungo.
Kaibahan lang ay mukhang bad boy na bad boy ang datingan ni Exodus kumpara kay Hercules na medyo maamo at isa pa hindi ba masyado siyang bata para manigarilyo na!? Ilang taon na ba yun?
Pasado hapon na ng makabalik kami ni Yno sa mansyon, sobrang dami namin napuntahan na parte ng hacienda kaya naman hindi ko maiwasan mapagod.
Pero kahit pagod ay masaya naman ako dahil ang ganda ng mga pinakita sakin ni Yno. Nasa labas na kami ng mansion kaya ngumiti na 'ko sa kanya.
"Maraming salamat nga pala sa pag libot sakin ah, nag enjoy ako." ngumiti rin siya ng tipid sakin bago ginulo ang buhok ko.
"Sige na Donya Aliyah, pumasok ka na." mabilis ko siyang sinimangutan at sinamaan nang tingin. Kanina kasi ang tawag niya sakin ay senyorita kaya pinag bawalan ko siya dahil hindi naman ako mayaman at bisita lang din ako dito.
Kaso ang isang ito ay nuknukan ng kulit kaya tinatawag niya akong Donya para maasar ako sa kanya. Pag pasok sa mansyon ay natigilan ako at napatingin sa sofa na nasa living room.
Naka upo dun si Hercules habang nasa harap niya si Mr. Hendrick at tila pinapagalitan siya.
"Ilang beses na kita sinabihan na wag na wag kang mag papakita ng motibo sa anak ng governador na si Vanessa kung wala ka rin naman balak na panagutan ang babaeng yun!"
BINABASA MO ANG
Hercules Obsession (Chavilire Series #1)
Ficción GeneralWill you be able to run away from the man who is forcing you to marry him? Hercules is not just a man, He's a billionaire.