Kabanata 24

40.7K 997 90
                                    

Kabanata 24

[ Aliyah's point of view ]

Wala ako sa sarili ng umuwi ako samin. Nakatulala lamang ako habang naglalakad kaya naman hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa bahay dahil hindi din naman ako sumakay ng sasakyan.

Malayo ang nilakad ko dahil malayo ang hotel ngunit kahit ganoon ay hindi ko magawang makaramdam ng pagod. Tila wala rin akong nararamdaman na iba dahil tila wala rin sakin ang nakakasunog na sinag ng araw na dumadampi sa balat ko.

"Oh ate nandyan ka pala, nag aalala kami ni Mama kasi nung pag punta ko sa kwarto mo kanina ay wala ka." bungad sakin ng kapatid ko pagpasok ko pa lang ng pinto.

Dahan dahan akong humarap kay Lily habang katabi niya si Mama na nakapamewang at nakataas ang kilay na nakatingin sakin.

"D'yan lang po ako nag punta, m-may binili lang." dahilan ko gamit ang mahinang boses bago yumuko. Hindi ko sila kayang tignan habang sinasabi ko ngayon ang kasinungalingan na 'to.

"Hay nako bata ka! Edi sana nagpaalam ka man lang para hindi kami mag alala. O siya sige pumasok kana sa kwarto mo, anong oras na kaya paniguradong late ka na sa trabaho mo. Ikaw ba naman kasing bata ka hindi porket boyfriend mo na si Hercules e kukunsintihin na kitang wag ayusin ang trabaho sa kanya! Hala sige kilos na at mag aalas diyes na." malakas niyang sigaw bago pumasok sa kusina at ayusin ang kakainin namin.

"Ate tara na." aya ni Lily kaya naman matamlay akong pumasok sa bahay. Pag pasok ko sa kwarto ko ay naiiyak akong napaupo sa kama habang sabusabunot ang buhok ko.

"Anong katangahan na naman ang ginawa mo Aliyah? Ang tanga tanga mo!" mahina kong sigaw bago humagulgol ng iyak.

Hindi ko na alam ang gagawin ko,hindi ko alam kung paano ko haharapin si Hercules. Kaya ko ba? May mukha pa ba akong maihaharap sa kanya matapos ng nakakadiring nagawa ko?

Kakayanin ko bang mag sinungaling wag lang siya mawala sakin o mas dapat kong piliin ang mag sabi ng totoo para samin dalawa? Mahal naman niya ako e, ang sabi niya mahal niya ako kaya naman siguro hindi niya ako iiwan kahit nagawa ko yung kasalanan na yun sa kanya.

Pero paano kung hindi? Paano kung mandiri siya sakin?paano kung iwan niya ako? Paano kung itaboy niya ako? Kakayanin ko ba?

Madiin kong sinabunutan ang buhok ko habang umiiyak ako dahil sa dami ng bagay na pumapasok sa isip ko. Natigilan lamang ako ng marinig ko ang pag ring ng cellphone ko.

Dahan dahan ko yun hinawakan para tignan kung sino ang caller at lalo akong naiyak ng makita ang pangalan ni Hercules.

Kanina bago ako umalis ay napakadami niyang text at tawag sakin pero hindi ko yun sinagot dahil nahihiya at natatakot ako sa kanya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko bago dahan dahan na kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag niya "Damn! What took you so long!? I've been calling you 100 times and yet you didn't answer it. Tell me is this something wrong? I'm worried about you babe." nababakasan ko sa boses niya ang pagaalala. Ilang beses ko naman nilunok ang laway ko dahil tila nag bara ang lalamunan ko.

Hindi ko magawang makapagsalita "Babe? Did you just sob? Are you crying? Tell me what's the problem?" sunod sunod niyang tanong.

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon