Kabanata 25

42.1K 1.1K 71
                                    

Kabanata 25

[ Aliyah's point of view ]

Naramdaman mo na ba yung pakiramdam na parang nag iisa ka lang? Yung wala ka man lang nararamdaman na kakampe mo sa mundong ito?

Ako kasi ayun ang pakiramdam ko. Sa nangyari sakin ay tila mahihirapan na 'kong mag tiwala pa sa iba sa kadahilanan na dahil sa aking pag titiwala may mga bagay na nawala sakin na hindi ko na kaya pang ibalik.

Naluluha akong nakatitig sa medical record na binigay sakin ng doctor kanina matapos kong mag pacheckup. Kinakabahan kasi ako dahil iniisip ko ay may sakit na 'ko yun pala mali ako.

Mag iisang buwan ko ng dinadala sa sinapupunan ko ang batang ito, ang anak namin ni Hercules.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung sasabihin ko ba sa kanya o itatago na lang.

Paano kung makatanggap na naman ako ng masasakit na salita sa kanya? Paano kung itaboy niya na naman ako? Hindi ko na kaya pa yun dahil baka madurog na 'ko sa sobrang sakit.

Alam kong malaki ang kasalanan na nagawa ko, maging ako ay galit sa sarili ko pero hindi kaya ng loob ko kung ang mga masasakit na salita na sinasabi ko rin sa sarili ko ay maririnig ko din kay Hercules.

Kahit alam kong sila Wella at Cathy ang may kagagawan nun ay wala akong mapag sabihan dahil alam kong tama si Cathy, hindi maniniwala sakin si Hercules.

Sa bagay pa nga lang yun ay mukhang hindi na siya maniniwala, lalo na ngayon na sasabihin kong buntis ako at siya ang ama. Baka sabihin niya lang sa mukha ko na pinapaako ko pa sa kanya ang kasalanan na nagawa namin ni Yno.

Pag dating sa bahay ay nag kulong lamang ako sa kwarto ko mag hapon, bababa ako para kumain ngunit papasok din agad sa kwarto para mag mukmok.

Sa nag daan na araw matapos ng nangyari samin ni Hercules ay wala akong ibang ginawa kundi mag mukmok, paminsan minsan ay umiiyak ako dahil miss na miss ko na siya. Gusto ko ulit makulong sa mga bisig niya.

Mula sa pag iyak ay mabilis kong pinunasan ang luha ko ng makarinig ako ng katok sa pinto.

"M-ma.." mahina kong usal kay Mama na siyang pumasok sa kwarto ko. Sinara niya ang pinto kaya ako naman ay napaupo sa kama ko "B-bakit po?" tanong ko sa kanya.

Naupo naman siya sa harapan ko bago ako tignan sa mukha "Anak, pansin kong hindi ka ata gaano lumalabas sa kwarto mo at hindi ka din pumapasok. May problema ba kayo ni Hercules?" natulala naman ako at hindi makasagot.

Alam ko kung gaano kaimportante ang puri para kay mama, ang pagiging malinis ng pagkababae natin lalo't ayun din ang nakagisnan niya kay Lola. Paano ko magagawang sabihin sa kanya yung nangyari samin ni Yno?

Maging dun ay natatakot ako sa reaction niya "W-wala po, nag leave po kasi ako pansamantala kaya hindi ako pumapasok." bumuntong hininga siya bago ako hawakan sa buhok ko at himasin dun.

"Wag mo 'kong lokohin dahil alam kong may problema ka dahil anak kita, sakin ka nanggaling at ako ang naghirap umiri sayo para dumating ka sa mundong ito. Kung ano man yang problema mo anak ay mag dasal ka lang. Nandyan lang siya lagi para damayan ka, maaring sobrang hirap niyan ngayon ngunit lilipas din yan." ngumiti lang ako at hindi sumagot ngunit makalipas ang segundo ay hindi ko na maiwasan na mag salita.

"Natatakot ako Mama, natatakot akong masaktan, natatakot akong sumugal. Hi-hindi ko alam kung tama pa bang mag sama kami o mabuti na itong magkahiwalay kami para hindi na namin masaktan pa ang isa't isa." pahina nang pahina kong anya. Alam ko na alam na niya ngayon na may problema kami ni Hercules pero wala na 'kong pake dahil gusto ko nalang malabas ang sama ng loob ko kay Mama ngayon.

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon