Prologue

88 2 0
  • Dedicated kay Para sa mga taong patuloy na nagmamahal at lumalaban ng mag-isa ♥
                                    

Hi guys :) Actually second story ko na to. About love parin-one sided. Yun ang drama ko eh. Relate na relate. Syempre. Ansaveeh ng inlove? Hahah. Pssh. Single ako! SINGLE!!

-

Prologue

Elizabeth's POV:

"Liz, okay ka lang ba?" tanong ng bestfriend kong si Alyanna or 'Aly'. 'Liz' naman ang tawag niya sa akin.

 Lumingon ako sakanya at nginitian siya ng matipid kahit nagbabadha ng lumabas ang mga luha sa mata ko.

"Hindi siya worth it Liz. Marami pa namang iba jan na mas marunong magpahalaga sa pagmamahal mo," pagpapatuloy ni Aly.

"Alam ko....Ang sakit lang kasi talaga, sobrang sakit Al,"  di ko na napigilan ang paglandas ng luha sa pisnge ko.  Tuluyan na akong umiyak.  Agad na lumapit sa akin si Aly at niyakap ako. Kinomfort niya ako at paulit-ulit na pinaalalahanan na makakaya ko to. Kaya ko ba talaga? Ang sakit eh. Yung niloko ka. Yung ipagpalit ka sa iba. Sobrang sakit.

"Halika na. Mabuti pa at umuwi na tayo." Tumango lang ulit ako.

Ako nga pala si Elizabeth Villaraza. 4th year high school na ako sa Integrated Academy. Bukod sa pagiging mag-BFF, classmate at ka-subdivision ko rin si Aly. Inlove ako, inlove sa isang taong ayaw sa akin. Oo, masakit pero wala akong magagawa. Hindi ko naman kontrolado ang pagtibok ng puso ko sa kanya.

(Hep! Makikilala niyo rin ang taong tinitibok ng puso ni Elizabeth later. Chill lang. Tehehe)

 Hinatid na ako ni Ally pauwi sa bahay namin. Bago ako pumasok ng tuluyan. Sinigurado ko munang may nakapaskil na mga ngiti sa labi ako. Ayaw kong magtanong pa sina Mama, Papa, at Raly *nakababatang kapatid kong babae, 9*. Pagpasok ko ng bahay namin agad akong sinalubong ng Yaya Ines.

"Magandang gabi Liz," bati ng katulong.

"Magandang gabi rin. Sina Mama?" tanong ko.

"Nasa garden sila at nagdidinner. Hinihintay ka nila. Sumunod na lang po kayo roon," sagot niya. Tumango lang ako at nagsimula nang maglakad patungo sa garden.

Mayaman kami. Hindi naman NAPAKA. Mayaman lang. Yung Mama ko isang doctor. Yung dad ko naman isang army General. May nakababatang kapatid na babae ako si Raly.

Kahit mayaman kami. Hindi kami ini-i-spoiled ng kapatid ko. Minsan lang. Hehe. Bago namin makuha ang isang bagay. Kailangan namin ito paghirapan. Gusto kasi ni Papa na matuto kaming tumayo sa sarili naming mga paa. Alam mo na General eh. Para rin kaming army nito with matching salute. Dijklang haha.

Pagdating ko sa garden naabutan ko silang nagtatawanan. 

"Good evening Ma, Pa. Hi Rals," bati ko. Lumapit ako sa kanila at isa-isang humalik sa pisnge.

"Nandito ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay, O ba't namamaga yang mata mo? Umiyak ka ba?" sabi ni Papa.

"Naku, hindi pa. Naiyak lang ako sa kakatawa sa mga pinag-usapan namin ni Aly. Alam mo naman yun," pagdadahilan ko at ngumiti ng pilit.

Tumawa lang si Papa. Buti nalang mukhang naniwala siya kundi lagot ako nito. Ayokong mag push-ups no. Masakit na nga ang puso ko. Dagdagan pa ba ng katawan ko. Haha. Joke lang syempre.

"Oo nga. Naku basta magkasama talaga kayo ni Aly, di matapos tapos na daldalan talaga," si Mama.

"Nauna na lang kaming kumain. Gutom na kami eh, tagal mo," si Raly naman.

Natawa nalang ako. Akalain mo nakakatawa parin ako kaahit nasasaktan na ako. Tinatago ko lang. Ayokong makahalata sila.

"O, upo kana at kumain."

Matapos kumain dumiretso na ako sa kwarto ko at nag-ayos. Pagkatapos kong humiga sa kama, nagbabadha nanaman na lumabas ang luha sa mga mata ko. Di ko mapigilang alalahanin muli ang mgaa nangyari nitong nakaraan buwan bago humantong sa ganito...

The Author's Almost True to Life Love Story ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon