Maria's Point of View

Isang kaluskos ang narinig ko. Natigilan ako sa pagpupunas ng basa kong buhok.

Ano iyon? sa isip-isip ko.

Tatlong araw na simula nang ma-ospital si Tatay. Nailabas na rin sya dahil sabi ng doktor ay okay naman na daw sya. At si Jessica naman ay wala pang malay. Hindi ko na muli pang nakita si Paulo kahit sa eskwelahan ay wala sya.

Pinagpatuloy ko ang pagpupunas ng buhok ko at pagkatapos ay sinamapay ko ang twalya. Bigla akong kinabahan nang marinig kong muli ang kaluskos. Sinilip ko ang bintana dahil mula doon ang kaluskos. Bigla akong nakaramdam ng takot kaya sinara ko na lamang ang bintana.

Biglang may kumatok. Kumatok ito ulit. Malakas ang katok sa pinto. Kinakabahan na ako pero nagawa ko pa ding lumapit sa pintuan at dali-dali itong pinihit saka binuksan. Laking gulat ko pero wala namang tao. Tanging malakas na hangin lamang ang maramdaman ko. Isasara ko na sana ang pinto ngunit may nakita ako.

"Sino yan?" mahina kong tanong. Nilabanan ko ang takot ko at lumapit pa ako.

"Si-sino ka?" nakaupo sya sa hagdan pero nakatalikod, mahaba at gulo-gulo din ang buhok nya, at base sa tindug nya ay sa ibaba sya nakatingin. Kumapa ako nang pwedeng ipang hampas. Nagkalas loob akong hawakan ang balikat nya.

"Maria?" bigla akong napabaligwas sa gulat. Hinarap ko kung sino man ang tumawag sakin at tinalikuran ang babaeng nakita ko. Nilagay ko din sa likod ko ang kahoy na hawak ko.

"Bakit ka andito? Gabi na ah." Hindi ko pinansin si Tatay at sinilip ang babae sa hagdan pero wala na ito.

"At bakit ka may hawak na kahoy?" nagtatakang tanong ni Tatay.

Para akong tanga na tinitigan ang kahoy at sinagot sya.

"Natalisod po kase ako"

"Natalisod?"

"Po? Ah o-po" ang ganda ng palusot mo Maria.

Habang nagkakamot ako ng ulo ay napansin kong kumunot ang noo ni Tatay. Sinenyasan nya ako na tumabi kaya tumabi ako. Bumaba sya sa hagdan.

"Tay, malalim na po ang gabi saan pa po kayo pupunta?" sigaw ko sa kanya dahil medyo malayo na sya. Sinenyasan nya ako na tumahimik.

Lumapit ako kung nasaan sya.

Isang babae ang nakita kong nakatayo sa likod nya. Napahawak ako sa bibig ko upang pigilang sumigaw. Napaupo din ako sa gulat at takot.

Sino sya?

Hindi maaari!

Napaatras ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatayo pa din sya sa likod ni Itay.

Ano ang gagawin ko? Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung ano ang gagawin ko. Naluluha ako sa takot.

Hindi ito maaaring mangyari.

Hindi.

Amando's Point of View

Hinipan ko ang kandila at naghandang humiga nang may biglang sumagi isip ko.

Isang ala-alang hindi na dapat balikan.

Tama nga sila.

Ngunit..

-
"Matanda ka na, Amando. Ano ang laban mo sa kanila?" mapang inis nyang tanong sa akin.

"Hindi." bulong ko

"Anak ko ang inaggrabiyado nila. Hindi ako papayag na mahimbing silang natutulog habang ang anak ko andon.. andon.." naluluha ako  habang nakaturo kung saan pakiramdam ko ay hindi ko kayang ituloy "..naghihirap aahh!"

"Hindi ko kaya."

"Hindi ko kaya.." tuluyan na akong humagulgol ng iyak.

Ramdam kong tinapik nya ako ng marahan sa likod na nangpakalma sakin ng kaunti.

"Paano nila nagawa sa anak ko ang bagay na iyon!!? Masahol pa sila sa hayop!" anak ko..

-

Hindi.

Hindi na ako muling magpapadala sa emosyon ko.

Nakarinig akong ng langitngit ng pintuan. Tiyak kong lumabas si Maria sa kanyang silid.

Lumabas ako upang tignan.

"Maria?" tawag ko sa kanya.

Nagulat ako sa kinilos nya.

"Bakit ka andito? Gabi na ah." tanong ko. Hindi nya ako pinansin at tinalikuran ako.

"At bakit ka may hawak na kahoy?" nakakunot kong tanong sa kanya.

"Natalisod po kase ako" ano?

"Natalisod?" tanong ko.

"Po? Ah o-po" tsk.

Biglang kumunot ang noo ko nang may makita akong isang babae. Sinenyasan ko si Maria na tumabi, balak kong tignan kung sino man ang babaeng nakita ko. Pagkatabi ni Maria ay bigla itong nawala. Kaya bumaba ako upang tignan muli.

"Tay, malalim na po ang gabi saan pa po kayo pupunta?" rinig kong sigaw ni Maria. Sinenyasan ko sya na tumahimik.

Ilang hakbang lang ang layo ko kay Maria kaya laking gulat ko nang humikbi sya. Narinig ko din ang langit-ngit ng sahig na ikinataka ko.

Dahan-dahan akong humarap.

Halos matumba ako sa gulat nang makita ko ang babaeng nakita ko apat na araw na ang nakalilipas. Ngayon ko lang namukhaan ang mukha nya. Hindi ako maaring magkamali sa itsura nya.

Naluluha ako. Bigla itong nawala.

Nakita ko si Maria na nakasalampak sa sahig at humagulgol tiyak ko nakita din nya ang nakita ko.

Katahimikan.

Wala akong ibang marinig kung hindi ang nakakabinging katahimikan.

Bigla akong nakaramdam ng matinding sakit mula sa dibdib ko. Ramdam ko din na bigla akong pinagpapabiwisan.

"Tay!" rinig kong sigaw ni Maria.

Sa sobrang sakit ng dibdib ko hangang sa braso at leeg ko ay napatumba na lang ako. Ramdam kong lumapit si Maria.

"Bakit po kayo namumutla?"

"Tay!"

"Tay! Tulong!"

Hanggang sa itim na lang ang nakikita ko sa buong paligid.

To be continued..

_

Hello, first of all I'm so sorry for not updating for so long for those who reads my story and sorry for short update. I'm very thankful for everyone who support my work. Nabibilang ko lang sa kamay ko ung nagbabasa pero hopefully one day my story will receive many blessings. I'm always looking forward to my success.
(2 Chronicles 15:7)

Tysm!  God bless y'all!

-











Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mystery of Maria AndresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon