Maria's Point of View
Hindi ko alam pero natatakot pa rin ako hangga ngayon sa naging panaginip ko. Kakaiba ang naging panaginip ko at para bang may pinahihiwatig ang bawat detalye. May kalayuan ang tinitirahan ko sa eskwelahang pinapasukan ko. Nagaaral ako sa isang pampublikong paaralan dito sa probinsya. Biyernes kase ngayon kailangan kong umuwi para makatulong sa bahay kahit papaano.
Saglit akong lumingon sa labas. Napapikit ako sa sariwang simoy ng hangin na dumadampi sa mukha ko.
"Baka makatulog ka nanaman at managinip." gulat akong nilingon ang lalaking nagsabi no'n.
"Ikaw ren, malapit na akong bumaba walang gigising sa iyo." may konting kayabangan sa tono ng pananalita nya. Nginiwian ko lamang sya.
Ngayon ko pa lamang sya nakita ngunit para bang matagal ko na syang kilala.
"Maraming ulit salamat sa paggising mo sa akin." pagpapasalamat ko pagkatapos ay binigyan ko sya ng isang natural na ngiti. Ngumiti muna sya bago magsalitang muli.
"Wala yon M-Maria" bahagya akong natawa ng mautal sya sa pagsabi ng pangalan ko. Kumunot pa ang noo nya sa inasta ko.
"Bakit?" kunot-noo pa rin nyabg tanong.
"Wala."
Lumingon ulit ako sa labas ng makaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Napasapo 'ko sa ulo ko ng maramdaman kong kumikirot iyon. Pasimple ko iyong hinimas. Laking pasalamat ko ng mawala ang kirot. Halos kahalating oras din ang nilakbay ng jeep hanggang sa makarating kami sa bayan. Bumaba ako ng jeep nang may mapansing may nakasunod sa akin. Nilingon ko ang likuran ko ngunit wala namang tao ang naroroon.
"Ayus ka lang?" nagtama ang mga mata namin ng nilingon ko sya. Unti lang ang pagitan ng mukha namin at konting galaw lang ay maglalapat ang mga labi na'min.
"O-oo" nilayo ko ng bahagya ang mukha ko sa kanya at ilang na yumuko.
Nakita kong ang pares ng sapatos nya na papalapit sa gawi ko kaya nilingon ko sya.
"Samahan na kita sa paguwi" nilingon ko sya matapos nyang magsalita. Nakatinggin sya sa kanan nya at hinintay ang tugon ko. Habang nakatuon sya sa iba ay nagawa kong pagmasdan ang mukha nya. Magulo ngunit bagay sa kanya ang may kahabaan nyang buhok, hindi ganon kakapal ang kilay, kulay kape ang mga mata , mahaba ang mga pilik-mata , matangos ang ilong , natawa pa ako ng makitang may mga tigyawat sya pero maputi ang kanyang mukha at ang labi nya.. maganda ang korte nito. Pansin ko ring ang payat nyang pangangatawan pero malaking tao. Nakasuot ito ng itim na long sleeve at maluwang na pantalon.
"Maria?" bigla akong nabalik sa realidad ng tawagin nya ang pangalan ko.
"Bakit?" nahihiya kong tugon ng mapagtanto kong natitigan ko na pala sya.
"Tatlong beses na kasi kitang tinatawag e."
"Ah, ganon ba? pasensya may inisip lang"
"Sino ba 'yan?"
"Sino agad?" taka ko pang tanong.
"Nakangiti ka kase hehe" nagulat ako sa sinabi nya.
'Nakangiti ako? Nakakahiya!'
"a-ah e-eh" nagkaluwag ako ng makita kong may binutingting sya sa selpon nya at mukhang importante iyon.
"Mukhang hindi na kita masasamahan-" may sasabihin pa sana sya pero pinutol ko na.
"Ayus lang... lalakarin ko na lang ang bahay na'min mula dito."
Nagpaalam muna sya sa akin at saka nagmamadaling sumakay sa tricycle at umalis. Tumingin ako sa relos ko. Alas diyes impunto na. Ilang metro lang ang layo ng bahay na'min sa lugar na ito. Wala pa man akong limang hakbang ay nakaramdam ako ng kakaibang presensya mula sa likuran ko. Hindi ko na iyon pinagtaka. May ilang buwan na ang nakakaraan ay lagi ko na lamang nararamdamang may kung sino o ANO ang sumusunod sa akin. Batid kong hindi iyon kung sino lamang.
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay narating ko ang lumang bahay na'min. Isa ito sa pinaka lumang bahay dito sa bayan na'min.
(AUTHOR'S NOTE: CHECK MULTIMEDIA FOR IMAGINARY PURPOSES. THANKS!)
Akmang bubuksan ko na ang gate nang makaramdam ako ng kamay na nakahawak sa balikat ko. Malakas ang kalabog ng dibdib ko. Rinig na rinig ko ang bawat kalabog. Ilang segundo ang tinagal ng paghawak nyang iyon. Nang mawala ang kamay nya at hindi ko magawang ilingon ang ulo ko upang tingnan.
"S-sino ka?" nanginginig kong tanong ngunit walang tumugon. Bumuntong hininga ako para humugot ng lakas para lingunin kung kanino ang kamay na 'yon ngunit wala akong nakita maliban sa ilang mga sasakyang nakaparada sa kalsada.
Sa takot ko ay nanginginig kong kinalas ang tali sa makalawang na'ming gate. Nang makapasok ako ay bukas pa ang ilaw sa kusina kaya doon ako nagtungo.
"Inay.." sinalubong ako ng yakap ng aking ina.
"Anak, kamusta ang pagaaral mo?" bakas ang galak ng nanay sa kanyang tanong.
"Ayos lang ho" nakangiti kong sagot.
"Maria?" gulat akong nilingon ang boses na iyon.
"Itay.." bigkas ko.
"Sino ang kausap mo?" taka nyang tanong.
"Wala ho" pagsisinungaling ko.
"Umakyat ka na sa iyong silid. Gabi na." malumanay ngunit maawtorisado nyang utos sa akin.
Tinalikuran nya ako at gamit ang isang tungkod ay naglakad sya papaakyat sa kayang silid.
"Inay?" tawag ko sa aking ina na batid kong nagtatago.
"Kailangan ko nang umalis, Maria." malungkot nyang pagpapaalam. Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa tono nya.
"Sige ho inay. Magingat po kayo." nginitian lang nya ako at hinalikan ako sa noo. Kinuha nya ang isang basket at saka umalis.
Saglit pa akong nanatili sa kusina at saka umakyat sa aking silid nang makarandam ng antok.Habang nasa higaan ay pinagmasdan ko ang litrato na'ming tatlo. Napakasaya ng kuha sa litratong ito. Hindi mo makikitaan ng bahid ng lungkot. Hinimas ko ang basag na salamin ng litrato. Nasugatan ako sa ginawa ko ngunit hindi ko ininda ang hapdi ng kapiranggot na hiwa sa daliri ko. Kasabay ng daloy ng dugo na kumakawala sa aking hiwa ay ang pagagos ng luha ko.
Someone's Point of View
Mula sa malayo ay nakangisi kong pinagmasdan ang dilag na kanina ko pa sinusundan. Balisang-balisa ang bawat kilos nya. Batid kong takot na takot sya. Hindi ko lubos akalaing matatakot sya ng ga'non. Sa tinagal-tagal ko syang sinusundan ay ngayon ko lang nakitang takot na takot sya.
"Takot mo ang nagiging kalakasan ko." bulong ko sa aking sarili.
Kinuha ko ang kariton ko sa tabi at nagsimulang itulak ito. Huminto ako saglit at muling pinagmasdan ang tirahan nya. Wala na sya at mukhang nakapasok na. Nakita kong magbukas ang ilaw sa ikalawang palapag at ang pagbukas ng bintana. Isang matandang lalaki ang dumungaw at ngayo'y humihitit ng tabacco. Batid kong malalim ang kanyang iniisip. Mula sa kinaroroonan ko ay nakita ko kung paano kumunot ang kulubot na nyang balat.
Ganyan nga Amando. Labis mo ang pinasisiya.
BINABASA MO ANG
The Mystery of Maria Andres
Mystery / ThrillerMaria Andres is a woman who seek for justice of someone she loved (her father) but instead of justice she just dig the buried mystery of her deceased sister who suddenly disappear and reported gone just like her father. Mystery is the only word kept...