Maria's Point of View
Nagising ako sa kakaibang amoy na nagmumula sa kung saan. Nakakasira ng ilong ang masangsang na amoy na 'yon kaya naman dali-dali akong kumuha ng panyo upang takpan ang ilong ko ngunit kahit pa nakatakip ang ilong ko ay may naamoy pa rin ako. Hindi ko na kaya, kaya naman ay kinuha ko ang pabango ko na nasa kartanueda ko na bigay pa sa akin ni Inay nung sumapit ang ikalabing-anim kong kaarawan.
Pinisik ko ang pabango sa bawat sulok ng aking silid para mawala ang amoy. Matapos no'n ay inalis ko ang nakataling panyo sa ilong ko.
"Sa wakas." mahinang sambit ko matapos makalanghap ng hangin na hindi masakit sa ilong. Saglit pa akong naginat-inat pagkatapos ay nagtungo sa banyo para magsipilyo at maligo.
Habang naliligo ako at pinakikiramdam ang bawat patak ng tubig sa mukha ko ay nasagi sa isip ko ang isang pangyayari.
'Nasaan ang kapatid mo Maria?!' galit na galit na tanong sa akin ni Itay habang niyuyug-yog ang balikat ko.
'Hindi ko po a-alam' umiiyak ko nang tugon sa kanya.
'Anong hindi alam? Hindi ba't kayo ang magkasama?' umuusok na sya sa galit at ang mga kuko nya ay bumabaon na sa balat ko.
'Hindi ko ho talaga alam' hinugot nya ang kanyang sinturon at saka pinalupot sa kanyang kamao.
'Ah! Itay- nasasaktan po ako.' daing ko matapos nyang ihampas ang sinturon sa puwitan ko.
'Sabihin mo na kung nasaan ang kapatid mo kung hindi masasaktan ka pa!'
"Maria?" napabaligwas ako ng patay ng tubig ng marinig ko ang tinig ni Itay na batid kong nasa labas ng aking silid.
"Bakit ho?" mahinahon at magalang kong tugon.
"Naliligo ka pa ba? O, sya mamaya na lang. Billisan mong maligo at may bisita tayo" papahina ang boses nya at naririnig ko rin ang bawat yapag nya at ng tungkod nya.
"Sige ho" tugon ko kahit alam kong nakalayo na sya.
Binilisan ko ang paliligo ko gaya ng sabi ni Itay. Pagkatapos kong maghanda ay bumaba na ako. Habang nasa hagdan ako ay nakarinig ako ng isang pamilyar na tinig.
"Paulo?" Bahagya pa akong natigilan sa paglalakad ng bigkasin ko ang pangalan nyang iyon.
Ngunit nang bumaba ako ay ibang tao ang aking nakita. Isang lalaki na halos kasing edad lamang ng aking Itay. Nakasuot ang lalaki ng kulay itim na amerikan at kulay kapeng pantalon. Batid kong mayaman ang isang 'to base sa kanyang pananamit. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng aming bahay. Sira-sirang kahoy na sahig, butas butas na kisame, maalikabok at maruruming kagamitan, sapot ng gagamba at puting kurtina na nakatakip sa ilang mgakagalitan. Hindi ko lubos akalaing may tao pang masisikmura ang luma na'ming tahanan.
Nakangisi kong hinakbang ang unang saghig ng hagdanan ngunit agad din itong nawala nang mamataan ko ang isang matang nakatinggin sa aking gawi. Alam kong gustong bilihin ng lalaking iyon ang lupang ito at wawasakin naman ang bahay na ito. Hindi ko gusto na mangyari ang bagay na iyon. Panahon pa ng mga Español ang bahay na ito na pamana ng aking Lolo sa tuhod sa aking Inay. Hindi ako makapapayag na kunin nya ng ganon-ganon na lang ang bahay na ito.
"Magandang Umaga Don Joaquin" pinilit kong bigyan ng isang natural na ngiti ang mmatandang lalaking kaharap ko na si Don Joaquin .
"Magandang Umaga Ija" agad nyang tugon sa akin.
BINABASA MO ANG
The Mystery of Maria Andres
Bí ẩn / Giật gânMaria Andres is a woman who seek for justice of someone she loved (her father) but instead of justice she just dig the buried mystery of her deceased sister who suddenly disappear and reported gone just like her father. Mystery is the only word kept...