III

22 3 0
                                    

Maria's Point of View


Madaling araw na ngunit wala pa ring malay ang aking Itay. Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko sya na walang malay nang buksan ko ang pintuan pagpasok ko sa aming bahay. Nakataas ang kamay nya nang makita ko na parang inaabot ang pintuan. Di ko alam ang tatawagan kaya lumabas ako upang himingi ng tulong.

Laking pasasalamat ko nang makakita ako ng lalaki na syang tumulong upang idala ang Itay sa ospital.

"Miss?" minukat ko ang mata ko at hinanap kung sino ang tumawag sa akin. Nang makita ang liwanag ng sinag ng araw na tumatagos sa salaming bintana na tumama sa mata ko ay saka ko na lamang napagtantong umaga na pala at hindi ko namalayang nakatulog ako

"Maayos na ang pasyente. Maari nyo na syang ilabas mamaya."

"Salamat Doc." nang umalis ang Doktor ay tinignan ko si Itay. Ang sabi nila sa akin kahapon ay inatake daw sa puso ang Itay at sa ngayon at kailangan nya muna ng pahinga. Batid kong may sakit sa puso ang Itay ngunit kumpleto naman sya sa paggagamot at hindi na nya muling ininda ang sakit nya, ngayon na lamang muli.

Pinagmasdan ko ang kabuoan ng kwarto kung nasaan kami ngayon ni Itay. Nasa isang pribadong kwarto kami na may sariling kagamitan. Habang nililibot ko ang paningin ko sa mga kagamitan ay biglang umihip ang malamig na hangin at unti unting umangat ang puting kurtina.

Nakapahulikipkip akong lumapit sa bintana upang isara ito. Sa paglapit ko ay may napansin akong kakaibang bagay na nakasilip sa labas.

Habang dahan-dahan akong lumalapit sa bintana ay kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Isang metro nalang sa aking tansya ang layo ko sa bintana pero para bang unti-unti itong lumalayo sa akin. Ilang hakbang pa ang ginawa ko at nang maabot ko ang dulo ng kurtina ay dali-dali ko itong hinablot.

Wala akong nakitang kahit na ano sa labas tanging mga ibon na nakadapo sa gilid ng bintana lamang ang nakikita ko at ilang naglalakihang puno. Bahagyang umihip ang malamig na hangin na nagpabalik sa akin kung ano ang gagawin ko. Hinila ko ng dalawang kamay ko ang nakabukas na bintana at mabilis itong isinara. Ramdam ko ang paypay ng kurtina sa aking likuran at bigla akong natigilan nang may malamig na bagay akong naramdaman sa aking paanan.

Hindi ako makagalaw. Andon pa rin ang kung anong nakahawak sa akin. Sinubukan kong silipin ang paa ko upang tignan. Isang nakakalilabot na kamay ang nakita kong nakahawak sa paa ko na sa isang kurap lamang ay agad ding nawala. Napatakip ako sa aking bibig at pinipigilan ang takot na nararamdaman. Hinawi ko ang kurtina at laking gulat nang wala akong makitang nakahiga sa kama at tanging hugot na dextrose lamang ang nandon.

"Itay!" tumakbo ako sa labas umaasang makikita ko sya ngunit, mga nagtatakang nurse at ilang pasenyte at bantay ang nakita ko.

"Nurse?" tawag pansin ko sa isang nurse na nakasalubong ko.

"Bakit ija?" lumapit sa akin ang nurse na nakakunit ang noo.

"Nawawala po ang Itay ko" parang batang iniwan ng ina tugon ko sa kanya. Nagulat ang nurse sa akin at tinanong ako kung saan ang kwarto namin at dinala ko sya doon.

"Wala pong nakakita sa kanya." sambit ng isang bodyguard sa akin. Mahigit dalawang oras na kaming naghahanap ngunit wala pa rin kahit na sino ang nakakita sa kanya.

Gabi na ngunit wala pa ring nakakakita kay Itay. Pinagpasensyahan muna ako ng ospital at nangakong gagawin nila ang lahat para mahanap sya.

"Maria?" bigla akong natigilan sapaglalakad nang narinig ko ang isang pamilyar na tinig.

The Mystery of Maria AndresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon